"Ah, okay." sagot ni Ara. Tumalikod na si Dracula sa kanya naalala nito ang nangyari kanina bago niya kausapin si Ara. Nang makapasok sila sa loob ng kanilang bahay nakita nila si Matt nakaupo sa kanilang sofa at nakapikit. "Hey!" tawag ni Irene sa kanya. "Hmm.." ungol ni Matt. Kinalabit ni Irene si Matt nang tinabihan niya ito. "Hm.." ungol pa rin ni Matt at dumilat siya ng bahagya. "Anong nangyari?" tanong ni Irene hinawakan niya ang kamay nito. "Isa sa bampirang pasyente ang nakatakas at pumatay ng mga tao at ang iba ginawa niyang bampira, ang puntirya nila kundi ako may gustong kumuha sa akin." bulong ni Matt. "Ano? Bakit hindi nyo kami tinawagan man lang para makatulong!" sigaw ni Irene at nagdabog na lang siya. "Ma—bilis ang pangyayari nalaman na lang namin ng pumapatay na

