Napatingin sa kanya ang mga kasama at nagsalita ang kapatid niya. "Ano ang sinabi niya sa'yo, ate at parang napaisip ka ng malalim?" tanong ni Jung sa kapatid niya nang tignan ito. Naupo sa tabi nito si Dracula habang naupo sa tapat niya si Irene. "Sabi niya, hintayin ko daw siya, saan? Tapos bigla na lang siya nawala," sagot ni Ara sa mga kasama niya at sumipsip ng juice na may straw. "Wala na siyang sinabi sa'yong iba?" tanong ni Jung sa kapatid niya. "Wala na, papunta na ako sa'yo nun nang hilahin niya ako akala ko kung sino siya pala tapos 'yon lang ang sasabihin, ano bang meron sa kaibigan nyo, Irene?" tanong ni Ara nang tignan niya ang kaharap. "Gusto ka niya, Ara pero hindi bilang kaibigan at matagal na kayong magkakilala ni Matt o Edward sa nakaraang buhay niya saka mas matag

