Kumain na sila at tahimik nakamasid si Ara sa ama. Hindi pa rin siya makapaniwalang sinabi 'yon sa kanilang dalawa ng kapatid niya. "Ako na ang bahala sa pinag-kainan natin, appa." sabat ni Jung nang matapos ito uminom ng dugo. (Daddy.) "Okay," sagot ng kanilang ama at tumayo sa inupuan sinundan nila ito ng tingin. "Kung para sa kanya hindi pa maayos si eomma, bakit sinabi sa atin ni doc na okay ito?" banggit ni Ara nang tumayo at pumunta sa lababo para ipatong ang mga pinag-kainan. "Bakit, ate duda ka ba sa sinabi ng doctor sa appa natin at sa atin?" tanong ni Jung sa kapatid niya. "Hindi naman, pero nang sabihin niya 'yon parang may kakaiba akong nakita sa mga mata niya na hindi ko sigurado kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi." nasabi ni Ara sa kapatid niya. "Sasabihin naman s

