5 days ago "Doc, paano ang gagawin namin dito?" tanong ni Ara hindi nila naintindihan ang tamang gagawin nang sabihin nito ang tinutukoy nito. "Ang hirap naman ayokong magkamali," bulong ni Ari sa kaibigan nang hindi man lang sila sinagot nang pinag-tanungan nila. Tumingin si Ara sa kasamang assistant pero busy na ito nahihiya na siyang magtanong. "May problema ba kayo?" bungad ni Señior Dracula sa dalawang magkaibigan. "Hindi namin alam ang gagawin sa test tube na tinuro sa amin ng doctor na 'yon kung hahaluin po ba namin o ano baguhan lang kami dito." angal ni Ari siniko siya ng kaibigan. Tumawa naman ng malakas si Señior Dracula dahilan para luningon ang mga kasama nila sa laboratory. Sumimangot naman sa kanya si Ari at nahihiya naman sa tabi si Ara na kinurot ang tagiliran ng kai

