Hindi na bumalik sa House Of Z sina Ara at Ari nang pinatawag sila ng head doctor sa siyudad. "Hi, doctor!" bati nina Ara at Ari nang pumasok sila sa loob ng opisina nito. "Hello, girls! Ito ang pangalawang araw nyo sa OJT dapat pangatlo nyo na." panimula ng doctor sa magkaibigan. "Alam nyo naman po," banggit ni Ari sa doctor nahihiyang tumingin. "We know, Ari tapos na kayo ito naman ang asikasuhin nyo." seryosong sabi ng doctor. "Opo, doc." sagot nina Ari at Ara tumalikod na sila para pumunta sa kanilang duty. "Nagbalik na ang dalawang magkaibigan, saan kayo galing?" tanong ng kasamahan nilang nurse at doctor nang masalubong nila. "Tumulong din kami sa mahihirap sa lugar namin nagkataon na may malubhang sakit pero okay naman na." sabi ni Ari siniko siya ng kaibigan. "COVID 19?" ta

