Nagising ng maaga si Matt at bumangon sa kama para mag-hilamos nakita pa niya ang envelope na binigay sa kanya ng ama. Huminga muna siya bago kinuha ang envelope. Lumabas siya ng kwarto at nagtanong sa alpha. "Nakauwi na si Señior?" tanong ni Matt. "Kararating niya lang." nasabi ng alpha tumango na lang si Matt. "Nasaan siya ngayon?" tanong ni Matt sa alpha nang tignan niya ulit aalis na kaagad sa tabi niya. "Nasa lab si Señior," sagot ng alpha at tuluyan nang nakalayo kay Matt. Napabaling ang tingin niya sa bumukas na pintuan. "Sasama ka bang sunduin ang asawa mo?" tanong ni Dracula humihikab na nakahalukipkip ang kamay niya. "Kayo na lang malalaman nyo naman kung nasaan sila," sabi ni Matt. "Ano 'yan?" puna ni Dracula sa hawak niyang envelope. "Pinabibigay ni papa kay Señior hi

