Tahimik ang buong klase nang dumating si Matt sa classroom kung saan siya nagtuturo nakita pa niyang nag-uusap si Irene at Carla. “Ano bang meron at ganyan kayo?" pagtatanong ni Matt. Hindi lahat nakasagot tumingin siya sa buong klase niya. "May nagsabi sa pamilya namin na nagsisimula na ang digmaan sa pagitan ng bernadine at bampira." sabat ng isang lalaking bampira napatingin si Matt sa kanya. Hindi naman siya nakapagsalita kaagad kumalat na ang balita sa ibang kalahi nila tungkol sa gyera. "Paano ang pamilya namin wala kaming kalaban-laban sa katulad natin, at mas malakas pa sa amin." sagot ng isa pang bampira. "Meron kayong magagawa, hijo ang protektahan ang pamilya mo sa kalaban kahit hindi kayo magaling makipag-laban." sagot ni Matt sa estudyante niya na seryoso kung makatingin

