Nagwawalis si Ara sa labas ng kanilang bahay ng may yumakap sa likod niya napa-liyad naman siya at lumayo nakaramdam siya ng takot. "Ako 'to, Ara.." mahinang sabi ni Matt mula sa likod niya napalingon siya. "Nakakagulat ka naman," sagot ni Ara nang matitigan niya ito sa mukha nang magkalayo siya. "Aalis na kami sa lugar na 'to, mag-iingat kayo ng pamilya mo." panimula ni Matt kumunot ang noo niya sa narinig. "Aalis na kayo dito?" tanong ni Ara minasdan niya si Matt. Sumandal si Matt sa poste kung saan siya nakatayo nagka-tinginan naman silang dalawa naiilang siya kaya umiwas na lang siya ng tingin. "Oo, lilipat na kami ng tirahan sabi ni Señior kailangan namin lumayo para sa kaligtasan ng mga taong nasa paligid namin." kwento ni Matt tumahimik naman siya bigla. Napatingin siya kay M

