Nagluto ng tanghalian si Ara hindi pa rin mawala sa kanya ang sinabi ni Matt. Huminga na lang siya ng malalim at tinapos ang ginagawa niya. "Anak, aalis na tayo?" tanong ng ama niya sa kanya. "Oo, appa." sagot ni Ara nang lingunin ang ama sa likod niya. (Daddy.) "Bukas pumasok ka na rin sa school mo hindi naman kailangan umabsent ka pa para samahan ako, anak okay naman na ako." sabi ng ama niya. "Nag-aalala lang ako sa'yo, appa." sagot ni Ara sa ama niya at tinapos ang ginagawa niya. (Daddy.) "Pumasok ka na sa school okay lang talaga ako." sagot ng ama niya. "Ne, appa." nasabi na lang ni Ara sa ama niya. (Yes, daddy.) Tumango ang ama niya sa kanya at iniwan na siya sa kusina at sinundan na lang niya ito ng tingin bago siya bumuntong-hininga. Nang makapag-ligpit siya pumunta na k

