Nagliligpit na si Matt ng gamit niya sa loob ng faculty room ng mapalingon siya. "Kuya.." tawag ng taong hindi niya inaasahang makikita niya at hindi siya tinawag na Sir. "May kailangan ka?" tanong ni Matt nang hindi tumitingin nang ibalik ang tingin sa ginagawa niya. "Kuya, umalis na ba kayo sa bahay nyo?" tanong ni Jung nang nilapitan niya si Matt. "Bakit mo natanong?" banggit ni Matt nang hindi pa rin tumitingin kahit nasa harap niya ang kausap. "Wala na ang presensiya nyo sa tapat at lalong hindi na pumapasok sa school sina kuya Dracula at ate Irene," sagot ni Jung. Napatingin na si Matt sa kanya at sumeryoso ang mukha niya. "Matatagalan kami bumalik sa bahay nalaman mong wala na kami dun dahil sa presensiya namin at may misyon kaming lahat ang maiiwan lang dun ang papa ko hingi

