“You can get out of the car now,” malumanay na utos ni Slyth Aeryx kay Rachelle nang ihinto niya ang sasakyan sa designated na loading/unloading zone ng condominium building na tinutuluyan nito. Nais na niyang makauwi kay Czerina, kanina pa siya hindi mapakali magmula nang dalahin niya sa ospital ang dalagang inireto sa kaniya ng ama. “H-Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa unit ko?” Dumaan ang pagkadismaya sa mukha ni Rachelle. “M-Medyo nahihilo pa kasi ako,” dagdag pa nito sa mahinang tinig habang hinihilot ang sintido. Ipinikit ni Slyth Aeryx ang mga mata. Marahas siyang napabuntong-hininga, at humigpit ang pagkakahawak sa manibela. Hindi niya maipaliwanag subalit pakiramdam niya’y may kakaiba sa mga ikinikilos ng babaeng kasama niya. “Ano ba talaga ang nararamdaman mo?” mahina

