CHAPTER 33

1369 Words

“Where have you been, muchacha?” nakataas ang kilay na tanong ni Rachelle kay Czerina pagpasok niya sa loob ng bahay. Pinagkrus pa ng dalaga ang mga braso sa dïbdīb, na para bang ito ang may-ari ng tirahan na kaniyang tinutuluyan. “May nilakad lang po ako,” malumanay niyang tugon. Nilagpasan niya si Rachelle. Humakbang siya patungo sa sariling silid subalit agad siyang pinigilan ng dalaga sa braso. “Sabing ’wag mo ’kong tinatalikuran kapag hindi pa ako tapos magsalita, eh!” Hinila siya nito pabalik, at magkasunod na binigyan ng mag-asawang sampal ang kaniyang pisngi. Malakas na napasinghap si Czerina sa ginawa ng dalaga. Hinaplos niya ang namumulang pisngi. Gulat at hindi makapaniwalang napatingin siya sa babae. “Ano ba ang problem mo? Bakit mo ’ko sinampal?” Tumalim ang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD