bc

Sincerely Yours, Leonardo

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
forbidden
love-triangle
second chance
arrogant
badboy
boss
drama
tragedy
bxg
kicking
city
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Kaakit-akit, matalino, at tila perpektong babae—siya si Leigh Guanez, isang mahusay na surgeon. Hinahangaan siya ng lahat dahil sa kaniyang husay at dedikasyon sa kaniyang sinumpaang tungkulin.Ngunit gumuho ang kaniyang payapang mundo nang dumating si Hunter Ceneron. Ang halos perpektong doktora, naging isang asawang lunod sa hirap at pasakit.Sa gitna ng kaniyang pagdurusa, muling nagpakita ang nakaraan. Nagbalik si Leonardo—ang kaniyang dating kasintahan na hindi niya inaasahang magiging bayaw pa niya ngayon.Hahayaan ba niyang muling mahulog ang kaniyang loob sa lalaking nananatiling tapat sa kaniya, kahit pa ang kapalit nito ay isang bawal na pag-ibig?

chap-preview
Free preview
KABANATA 1: DRA. GUANEZ
"Congratulations, Dr. Guanez!" Napailing na lang si Leigh habang pababa ng hagdan. Sinalubong agad siya ng kaibigan, at kapwa doktora na si Grace. "Ikaw na! Ikaw na ang award winning doctor ng St. Javier Hospital!" pagbibiro nito habang abot-tenga ang ngiti sa labi. "Enough, Grace," nahihiya, at mahinang awat ni Leigh sa kaibigan, at hinawakan ito sa braso. "Congrats, Leigh." Sabay silang napatingin ng kaibigan sa sumulpot na boquet of pink roses. At nang i-angat niya ang tingin ay nagtama ang mga mata nila ni Hunter. "Flowers for you," malambing na sambit ng binata. Hilaw ang ngiting gumuhit sa labi ni Leigh, at na pipilitang kunin ang bulaklak na ibinibigay nito. "Ang sweet!" kinikilig ngunit impit na panunukso ni Grace sa kanila. Gusto man ng dalaga awatin ang kaibigan ay pinanatili niya ang pormal na mukha lalo na't pinagmamasdan siya ni Hunter. "As a Director of this hospital, I'm really happy to have you here. All praises to you, Leigh-" "Director, I would not have been able to do that mission in remote areas without the help of our nurses and doctors, who volunteered to my project. They deserve the praises too," mahabang paliwanag niya. "You're really humble, I like it," pagtango-tangong papuri nito habang nakikipagsukatan nang tingin sa kaniya. "And I like you." Napakurap si Leigh sa sinabi ni Hunter. Noon pa man ay hindi na ito nag-aalinlangang magsabi o magpakita ng interes sa kaniya. Ngunit nakapagtatakang wala siyang maramdamang espeyal o kahit kaligayahan man lang sa mga sinasabi nito. "Director, obvious na po 'yang pagpapa-cute ninyo!" kinikilig na litanya ni Grace habang inaalog ang braso ni Leigh. "Obvious ba? I hope na makita 'yon ni Leigh," parinig pa rin ni Hunter. "Congrat's, Dr. Guanez!" Agad na tumayo si Leigh, at nakangiting hinarap ang mga kasamahan sa hospital. Isa-isa itong nakipag-kamay sa kaniya na buong puso naman niyang tinanggap. "Thank you," tanging tugon niya. Nilibot niya ang paningin sa magarbong kasiyahan na ginanap sa isa sa mga high class hotel. Maraming kapwa doktor, at mga kilalang bisita ang nasa loob at nakiisa sa kanila. "Leigh, itinatanong ka ni Director sa akin," singit ni Grace. "What?" may bahid na irita ang boses niya, at pasimpleng iginala ang mga mata. Kanina pa niya iniiwasan ang kanilang direktor. Hindi siya komportable sa tuwing malapit ito sa kaniya kaya minamabuti na lang niyang lumayo. "Bakit kasi hindi mo pa sagutin si Director?" sabat ni Kiara ang kapwa niya surgeon. "Oo nga! Ilang taon na rin iyon nagpaparamdam, ha?" pagsang-ayon pa ng isa. "Gwapo, matalino, mayaman at may pangalan!" "What could you ask for, Dr. Guanez! Like you, he's almost perfect!" dagdag pa ni Grace. Bumuntong-hininga si Leigh, totoo naman lahat ng sinabi ng kaniyang mga kaibigan. Pero wala talaga siyang maramdamang espeyal o kahit kakaiba man lang sa binata. In short, hindi siya interesado kay Hunter lalo na sa pag-ibig na ibinibigay nito. "Ano na, Leigh?" untag ng kaibigan. "Grace, wala akong nararamdaman sa kaniya." "Why?" nagtatakang tanong nito. Nagsalubong ang kilay niya bago binalingan nang tingin ang mukha ng kaibigan. Naiinis na nagkibit-balikat siya. "I don't know why. It just that, I don't feel anything special to him," seryosong pahayag ni Leigh. Nang ibaling na dalaga ng tingin sa 'di-kalayuan ay natanaw niya ang ama na tila hinahanap siya. Nagpaalam muna siya sa mga ka-trabaho bago nagmamadaling lumakad. "Mr. Benjamin Guanez!" "Director!" nahihiyang sagot ni Benjamin, at huminto sa paglalakad. "Are you looking for Leigh?" tanong ni Hunter. Natigilan sa paglalakad si Leigh nang makitang kausap ng kanilang direktor ang kaniyang ama. May parte sa puso niya ang nakaramdam nang inis. "Yes. Mukhang hindi ko na naabutan ang pagtanggap niya ng award," saad ni Benjamin. "It's okay. Mahaba pa naman ang gabi, you and her can enjoy this party all night," Nakangiting aniya ng binata. "Pa!" kaswal na lumapit si Leigh sa ama. Awtomatikong nagyakap sila bago muling humarap ang matanda sa kaniya habang nakahawak sa kaniyang maliit na bewang. "Sorry for being late, ang dami ko pang inasikaso sa shop," paghingi ng pasensiya nito. "It's okay, I understand. Shall we eat?" tanong niya sa ama. "Can I join you?" Mabilis na tumikwas ang kilay ni Leigh kahit na pigilan niya. Marahang humarap ang dalaga kay Hunter habang blanko ang ekspresyon. "I mean, one of this days naman. Sabay-sabay naman na tayong kakain as a family," buong-ku piyansang pagdiga nito. "Leigh, sinagot mo na ba si Director?" namamangahang usisa sa kaniya ni Benjamin. "No!" Napangisi si Hunter sa bayolenteng sagot ng dalaga. Tiningnan ni Leigh ang mukha ng ama bago muling binalikan nang tingin ang nagdidilim na anyo ng binata. At sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya nang kakaibang takot. Pilit na nilulunok ng dalaga ang pagkain, lihim niyang sinusulyapan si Hunter na kaharap nilang mag-ama ngayon sa lamesa. Kahit na mukhang napahiya ito sa naging sagot niya kanina ay hindi iyon naging rason para hindi sila sabayan mag-dinner. Hindi niya tuloy alam kung ano'ng dapat niyang maramdaman? Hunter Ceneron is the Medical Director of St. Javier Hospital. Pribadong hospital na kilala sa mga magagaling na espesyalista, at may magagarang aparato sa iba't-ibang klaseng karamdaman. Katulad ng mga sinabi ni Grace, at ng ibang kasamahan ay wala ka ng hahanapin sa binata. Bago ito pumasok bilang direktor ng hospital ay dati itong model. Gwapo, matikas ang pangangatawan ngunit sa kabila ng magandang image, at anyo nito ay tila hindi niya iyon mahangaan. There is something about him na hindi niya kayang ipaliwanag pero malakas niyang nararamdaman. The good image he potrays is not really him! She just simply don't trust Hunter! "Leigh, are you okay?" Napataas ang magkabilang balikat ng dalaga nang marinig ang boses ni Hunter. Natatakot na itinaas niya ang mukha. "You're not eating, do you want something? Or-" "N-no, no. I'm fine!" mabilis niyang awat, at pekeng ngumiti. "Dr. Guanez!" Napatingin silang lahat nang lumapit sa lamesa nila si Zid, ang bagong nurse ng hospital, at isa sa mga naging volunteer niya sa naging mission noong nakaraang buwan. "Nurse Zib!" Tumindig ang dalaga, at buong luwag na nakangiti sa binata. "Congrat's po, Doktora!" Inabot nito ang isang simple, at maliit na boquet ng sunflower. Akamang kukunin niya iyon nang bigla na lang ito tumalsik sa malayo. Natigilan silang lahat, at sinundan nang tingin ang bulaklak na nasa sahig. Dahan-dahan inangat ni Leigh ang mga mata, at nagtama ang matalim na tingin nila ni Hunter.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
706.1K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.5M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
945.8K
bc

A Warrior's Second Chance

read
339.5K
bc

Not just, the Beta

read
338.0K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook