Chapter 4

2167 Words
On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess                   CHAPTER 4   MAKI POV   Sa part na pinapagalitan nya ako dahil sa sobrang katangahan ko.   Kung ano anong insulto at masasamang salita ang tinanggap ko galing kay Jin na ikina-iyak ko talaga. Nalunod na nga ako ay kinagalitan pa nya ko, ano yon di ba?   Pero syempre nai-intindihan ko sya dahil sa kabila ng galit nya ay alam ko na nag aalala lang sya.   Nagulat ako ng bigla nya kong hinawakan sa magkabilang balikat. Mahigpit! Tapos ay inalog alog pa nya ko, na parang sinasabi nya na itanim ko lahat sa kukote ko yung mga sinabi nya at wag na ko ulit uulit pa dahil next time ay talagang hahayaan na nya kong mamatay sa kung ano pa yung kapahamakan na gagawin ko sa susunod. Pilit pa nya kong pinapatingin sa mata nya, eh ayoko nga at nahihiya nga ako sa kanya at sa sarili ko. Kaya nga naiiyak ako eh, mas dumagdag pa nga sa stress ko yung pagalit nya.   Nung tignan ko sya ay nakita ko talaga yung galit sa mukha nya, then nung magtagpo na yung mga mata namin at nakita nyang umiiyak ako biglang natigil sya sa mga warning nya then, nag iba yung expression ng mukha nya.   Naging maamo, yung talagang alalang alala. Naguluhan nga ako e, kasi parang teary eyes pa sya. Nasalamin ko din yung takot sa mga mata nya, kung takot yon dahil muntik na kong mawala ay hindi ko alam.   Ilang sandali kaming nagtitigan, tapos parang hirap na hirap yung damdamin nya at parang nanghihina syang pina mahinga nya yung noo nya sa noo ko. Napapikit ako sa ginawa nyang yon.   "Stop being like this Maki, you're killing me.. I don't think you understand how scare I am to lose you.", bulong na sabi pa nya sa akin.   Tapos niyakap nya ko ng mahigpit, yung parang ayaw na nya kong bitiwan. Ang sarap sa pakiramdam, parang sobrang safe na safe ako ng mga oras na yon.   [End of Flashback]   Shet! para kaming nasa scene ng isang pelikula nung mga time na yon! Hindi ko makalimutan.   I don't think you understand how scare I am to lose you. Para saan daw tong dialog na to? Ang sweet yata nito.   Asar!!! Kinikilabutan ako! Kilig much!   Okay na sana ang lahat kaya lang biglang pumasok naman sa isip ko yung nangyari nung last part!   No! Panira talaga yung.. alam nyo na!   Bigla kong naisipang tignan yung loob ng shirt ko at spot-an yung boobs ko! Tapos biglang niyakap ko yung sarili ko at bigla akong nagdadamba na parang baliw!   Yung halos umuga uga yung stretcher sa akin.   Panira naman talaga kasi yung pangyayaring yon sa Romantic moment namin ni Jin!   Romantic moment? Nalunod ka sa swimming pool? Anong romantic ang pinagsasasabi mo diyan? Walang ganon! Gaga! , basag trip nang isang part ng utak ko.   "Kasi naman eh!", inis pang sabi ko na kinapa kapa ko pa ulit yung dede ko.   Yun bang kung pwede ko lang ibalik ang panahon ay i-e-escape ko talaga yung part na nakita ni Jin yung pinaka i-ingat ingatan kong alindog! Aba maswerte sya! kasi kahit mama ko hindi yon nakikita!   Shet! Nakakahiya talaga yung pangyayaring yon!   Parang nasisiraang sinabunutan ko yung sarili ko, tapos napahawak ulit ako sa dede ko.   "Anong ginagawa mo? Are you checking it kung nawala na yan sayo?", sabi ng isang boses sa kwarto.   "As if namang mawawala to. Tsaka ano ba kasing paki alam mo sa ginagawa ko? Hindi ko to tsine- check noh! Kung.. kung..", ang mataray kong lines ay nabitin na dahil sa taong nakita ko.   Si Jin.   Ang loko ay nakahalukipkip at nakasandal sa pinto na parang aliw na aliw na nanunuod sa akin. Nakapasok na pala ito ay hindi ko pa namamalayan.   "Shet! Kanina pa kaya talaga sya? the nerve! At may gana pa talaga syang mag pakita!", sabi ko sa sarili ko nung mapatitig ako sa kanya.   "Really? So kung hindi mo tsine-check! ano yang ginagawa mo?"   Nakita ko ang pagsilay ng pilyong ngiti sa labi nya. Ako naman, napatingin sa sarili ko at napangiwi ako dahil hawak hawak ko pa nga yung dede ko. Ano pa ngang iisipin nito?   Awkward moment.   Nakakahiyang shet!, sisi ko sa sarili ko.   Ang ginawa ko, kinuha ko agad yung dulo ng kumot ko na nasa kalahati ng katawan ko at nagtalukbong ako at unti unting humiga ako.   Nagmukha akong parang cocoon!   Mamatay na talaga ko sa kahihiyan!   "Hey! Anong ginagawa mo?!", sabi nito na natatawa pa. Ramdam ko na papalapit sya kasi nga yung yabag nya.   "Ano ba? Bakit ba kasi nandito ka? umalis ka nga! Gusto mo pang marinig straight sa akin na ayaw muna kitang makita?", sabi ko habang nakakulubong pa din ako.   At hello! wala akong balak ipakita dito ang mukha ko!   "Galit na galit ka sa pogi. Inaano ba kita?", joke pa nito.   Well! Che! kahit pa mag joke sya ay hindi talaga ako tatawa.   "Ano ba naman kasi Jin, umalis ka na kasi dito.", taboy ko pa din sa kanya.   "Bakit ba kasi ayaw mo kong makita?", tanong pa nito.   Shet! nagtatanong pa talaga sya! Ang kapal kapal ng mukha nya!, after ng nangyaring medyo rated X sa amin ay nagtataka pa talaga sya? ngitngit ko sa sarili ko. Sobrang awkward talaga!   "Jin naman kasi! Read the situation naman please! Nagtatanong ka pa, eh alam mo naman yung sagot.", inis na sabi ko dito.   "Hey, come on. Mag usap tayo ng maayos. Alisin mo na kasi yang takip mo sa mukha mo.", convince pa nito.   Tapos naramdaman ko na humawak pa yung kamay nito sa kumot ko. Nilabas ko yung isang kamay ko at tinampal ko yung kamay nya.   "Wag ka ngang hawak ng hawak! Mamaya nyan may mahawakan ka na namang iba eh!", angal ko pa sa kanya.   "Okay, ganito na lang. Kung ayaw mo talagang pag usapan. Edi wag. Don't be like this, ang rude mo naman."   Rude? ako pa ngayon ang rude? The nerve!   "Jin, please! Mas mabuti pang wag ka ng magsalita at wag mo ng ipaalala. Pwede bang mag pretend na lang tayo na walang nangyari? mas maganda yon di ba!?"   "Look who's talking. Ikaw lang naman tong salita ng salita at paalala ng paalala eh. For the record, you know that it wasn't my fault, I'm just trying to help you. Iba naman yon sa sinadya ko talaga, malaki yung pagkakaiba non."   Asar! kahit hindi ko sya nakikita ay parang nagugunita ko yung itsura nyang parang natatawa.   "Anong pinagsasasabi mo diyan? Panong sinadya at anong pagkakaiba yon?"   "Like for example, that time na nahawakan ko yung ano mo. Walang malisya yon, kasi kung meron, edi iba sana yung nangyari. Ang malaking difference non, yung feelings.", explanation pa nito.   Tumaas ang kilay ko sa mga sinasabi nito.   "Anong difference pinagsasabi mo diyan? Intentional pa o hindi, may feelings o wala. Pareho pa din yon! Ang point don, nakita pa din at nahawakan. okay?"   "Mag kaiba yon, you wanna try? I'll prove it.", sabi pa nito na seryoso.   "Ay ang bastos mo naman!", singhal ko dito.   Napainit kasi nito yung mukha ko.   "Anong bastos don? Wala akong sinabi na bastos. ikaw lang nag iisip non.", natatawang sabi pa nito.   "Look Maki, how long do you intend to isolate yourself here? Sayang naman yung oras mo, yung pag absent mo di ba? Bumalik na tayo don.", dagdag pa nito na niyayaya ako.   "Hinihintay ka na nila don. Sabi nga nila ate Cha baka daw naidumi mo lahat ng nasa tiyan mo at naisama mo na din lahat ng internal organs mo dahil kanina ka pa nag e-LBM."   "Ha? Anong LBM? Eh sabi ko kako masakit lang yung tiyan ko ah.", reklamo ko.   "Kasama na din yon sa complication. Kaya halika ng bumalik sa kanila."   "Babalik ako don, pero ako lang! kaya sige na! umalis ka na! shu shu shu!", taboy ko pa dito.   "Sige bahala ka na nga sa buhay mo. Babalik na ko don, at habang wala ka, makapag share na lang muna ng mga dirty little secrets ko.", sabi pa nito. Ramdam ko na lumakad na sya at aalis na nga yata.   Wait! Ayon na naman yung dirty little secrets na yon! Nang aano ba talaga to?   Parang nagpantig ang tenga ko. Kaya agad ay tinanggal ko yung pagkakatakip sa akin ng kumot ko at umupo ulit ako.   Tinitigan ko sya ng masama.   Pero ang totoo habang nakatingin ako sa kanya ay inobserbahan ko ng itsura nya. Naka white din sya, syempre ang pogi nyang tignan. Medyo basa basa pa nga yung hair nya eh. Tapos napansin ko na mapula yung ilong nya, sinipon ata. Kawawa naman.   Napangiti sya nung makita nyang sa wakas ay sumuko na ko sa katigasan ng ulo ko at eto nga at nagkita na talaga kami.   Nung time na makita ko na ngumiti sya parang nag blurred na naman yung paligid. yung parang sya na lang ulit yung nakikita ko.   Shet! ano na naman to?   Nakita kong lumakad syang papalapit sa akin. Nagkatinginan kami.   Ewan ko ba, at eto malakas na naman yung t***k ng puso ko.   Paglapit nya sa akin ay bumuntong hininga sya. Tapos inilagay nyang isang palad nya sa noo ko.   "I'm just checking kung may lagnat ka.", nag aalalang sabi nya.   Syempre nagulat ako s gesture nyang yon. Ang init ng palad nya, ang sarap sa pakiramdam. Wala nga akong lagnat, pero sa ginagawa nyang ito ay baka love-nat magkaron talaga ako.   Parang napapasong umiwas ako sa ginagawa nya. Nagmamadaling bumaba ako ng stretcher bed.   "San ka pupunta?"   "Kakain. Bigla kasi akong ginutom sa mga pinagsasa-sabi mo eh."   Kinuha kong pagkain na dala ni Vincent kanina at kumain na lang ako. Inalok ko sya pero ayaw nya. Nahiga nalang sya don sa stretcher bed na pinanggalingan ko.   Habang naka tingin ako sa kanya, naisip ko nga na itanong kung nakapag tapat na sa kanya si Veronica at kung ano yung mga pinag usapan nila. Wala lang, curious lang kasi ako. Pero syempre di ko naman kayang itanong yon kahit kating kati pa ko.   "Jin, thank you kanina. Sa pagliligtas mo sa akin.", maya maya ay nahihiyang sabi ko.   "No worries, gagawin ko din naman yon kahit hindi ikaw yon. Anyway, bakit sa lahat naman ng turtle, ikaw lang yung kakaiba. Biruin mo nalunod ka, eh water naman ang habitat nyo di ba?" joke pa nito.   I rolled my eyes.   "Patawa ka ba? ni-relate mo pa talaga ha."   "Tsaka sabi mo dati member ka ng swimming team nyo di ba? Pinagmalaki mo pa nga na sanay kang makakita ng mga lalaking naka trunks lang at yung iba ay halos wala ng takip. So bakit ni hindi ka yata marunong lumangoy?", pagbabalik tanaw pa nito.   Patay! Huli na talaga yung pagsisinungaling ko.   "Alam mo wag nalang natin yang pag usapan. Sumasakit lang yung puso ko kasi nakaka-alala ko ng mapapait na karanasan. Tulad nga nung kanina.", pagda-drama ko pa.   Hindi naman na sya nangulit pa. Basta nakita ko na pumikit na muna sya.   "Next time, be sure na pag sumali ka sa games hindi na yung naka bilad yung katawan mo. Nag e-enjoy ka ba na pinapanood ka ng mga tao na ganon ang suot mo?", maya maya ay sabi nito na naka pa side na ng higa sa bed at pinapanood na ako sa pagkain.   Syempre nagulat naman ako sa statement niya. Tapos na yung pangyayari na yon ay hindi pa din ito maka get over. Hindi ko akalain na very conservative pala talaga sya.   O edi ayon, chika chika pa kami ng konti. Nag ayos na ko ng sarili tapos ready to go na kaming pabalik sa gym.   "Bakit?", takang tanong ko kasi ayaw pa nyang umalis sa gawing pinto. Tapos out of the blue ay inilahad nyang palad nya sa harap ko na parang nakikipag shake hands.   Napatitig ako sa kamay nya. Tapos sa mukha nyang seryoso ng nakatingin sa akin.   "I think.."   "I think, it's time for a fresh start. Let's start all over again."   "So.., can we be friends, Maria Katrina Isabel?", dagdag pa nya.   Ay oy! Friends daw! kung papayag ako? Pagkatapos ay ano? so-syotain na nya ko? Di ba ganon yon?, sabi ko sa sarili ko na kinilig pa ko.   Friends lang daw! wag kang assuming! Tsaka tanggapin mo na! Dati P.A. ka lang, ngayon friend ka na? Aba'y promoted ka! Ibang level ka na! Pa burger ka naman! , sulsol pa ng isang part ng utak ko.   At shet! Sobrang seryoso talaga nya! Yung tingin nya! nakakaloka! Tapos tinawag pa nya ko sa buong pangalan ko? Hindi ko ine-expect na kabisado nya yon promise! di ba sabi nya dati hindi daw remarkable?   Naguguluhang tinanggap ko yung kamay nya. Tapos nag shake hands nga kami.   "Let's take it easy from here. Who knows? maybe this time, we won't mess up..", sabi pa niya sa nangungusap na mata.   Kung ano man yung nais nyang iparating sa akin ng mga oras na yon ay hindi ko alam. Basta kinilig ako!   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD