On-The-Love Training
Book 2
midnyt_princess
CHAPTER 5
MAKI POV
"If you have something to say, raise your hand and place it over your mouth o gusto mong lagyan ko na lang ng duct tape yang bibig mo?", bugnot na sabi sa akin ni Jin habang pinipilit ko sya na maging ka partner sa isang games.
Nakabalik na kasi kami sa event, tapos pag dating ko nga don ay ako agad ang pinilit nilang maglaro dahil nung tinanong nila ko kung okay na talaga ako, ang sabi ko ay oo! ayon at napahamak pa tuloy ako! Ang daldal ko naman kasi.
So since sabi ng host ay kumuha daw kami ng isang makakasama namin sa grupo na isang boy, ay wala na kong ibang naisip kung hindi sya. Si Mama Pinky nga sana ang aayain ko kaya lang kakatapos lang nitong maglaro tsaka sabi nga ay boy, baka kung inalok ko sya ay nasigawan pa ako di ba? kasi nga feeling nya ay girl sya. Bukod nga kasi kay Jin na binibigyan ako ng warning look at apura ang iling ay wala na akong malapitang iba.
Eh hello! hindi ko naman kasi ka close o kakilala yung ibang boys sa team namin.
"Ano ba kasi yung games na yan?", maya maya ay tanong ni Jin. Himalang parang nagbabago na ang isip.
"Hindi ko alam eh, basta tinanong lang ako ng host kung ano yung favorite song ko sa videoke. Syempre sabi ko Everywhere ni Michelle Branch tsaka Breathless ng the Corrs. Eh kasi yun lang naman mga kabisado kong kanta eh."
"Yung mga na chorva mong kanta, mga songlalu ng mga baklita at mga tanggera sa kanto namin sa Ermita ah!", okray ni Mama Pinky sa akin.
Napakamot ako sa ulo.
"O ano pa ang siste sa tanong sayo ni Tante?",dagdag pa nito.
"Anong kanta daw sa videoke yung pipiliin ko para ipakanta sa kalaban? Yung tingin ko mahihirapan talaga silang makanta, syempre sabi ko Through the Fire! Kasi kahit si Nina hinirap sa kanta na yon eh.", pagmamalaki ko pa.
"Ah, mukhang songlalu pala ang battle. Eh ikaw na nga Jin ang chumorva para hindi tayo Ma-Luz Valdez ditey." Then kasabay nga yon ng pagdating ng videoke machine.
Ako naman, parang ngayon lang nag sink in sa akin yung games. Ay boplaks! hindi naman ako marunong kumanta! Pano to? baka mapahiya ako!
Anong baka? Talagang mapapahiya ka!
Kaya nung moment na yon ay ako naman yung grabe ang objection. Kaya lang hindi na daw pwede magpalit ng player eh. Jusko! Pano kaya ito?
"Sige naman na, kasi tignan mo nga parang kantahan yung labanan. E diba mas okay kung ikaw yung kasama ko? Hindi naman kasi ako marunong don, napilit lang nila ko. Tsaka tignan mo naman, Si Ross na yung kasama ni Alexa sa team nila. Pano pa tayong mananalo nyan kung wala ka?", nagpapa awang sabi ko pa sa kanya na may halong pambobola.
Paalala lang : si Ross yung pogi na nanalo sa artista search tapos si Alexa yung starlet na kasama ni Sherry sa Cr na hater ni Angel.
"So? Would that change the fact na ayoko nga maglaro? Tsaka alam mo naman palang kantahan at hindi ka marunong bakit sumali ka pa? ipapahiya mo lang yung sarili mo.", masungit na sagot pa ni Jin sa akin.
Nasan na ang fresh start na sinasabi nito? May pa let's take it easy from here pang nalalaman, wala naman din palang changes sa pagitan naming dalawa! Hindi sya bumait, at mas sumungit pa.
"Hindi ko naman alam na kantahan eh. Nagpapapalit nga ako, ayaw naman na nung host! siguro gusto nyang mapahiya ako. Kanina pa ko ino-okray non eh. so please?", nakabusangot ng sabi ko sa reklamo ko.
Dadaanin ko pa sa konting acting at baka pumayag na to.
"No. Can't you see may sipon na ko? Masakit na din ang lalamunan ko. Tingin mo makakanta pa ko ng maayos nito?", balik reklamo nito sa akin.
Tapos naisip ko na oo nga pala. Kanina pa nga sya mukhang malata dahil sa sipon nya. Baka matuluyan pa sya, edi konsensya ko pa. Natural, kasalanan ko yon dahil nagkasipon sya sa pagliligtas sa akin.
"Aba hoy! Pilitan portion pa din ba kayong dalawa? Anong petsa na?", pakiki alam na sa amin ni Mama Pinky.
"Mama Pinky, ayaw kasi ni Jin. Sino kayang pwede?", sumbong ko at nakita kong patalikod na ito. Mukhang tatakas na.
"Baka pagod na ang lolo mo, tsaka may sipon nga sya. Teka at si Norky na lang o si Vic kaso di nga pala singerbels yung dalawa.", sabi nito na inihaba haba ang leeg.
Tapos ayon nga at tinawag na kami sa backstage kuno ng platform stage.
Tapos ipinakilala yung tatlong Judge. Hindi ko mga kilala eh, basta galing lahat sa management ng Clubhouse. Ang gagawin lang nila, ire-rate nila kami from 0 to 10. Yung parang sa TV, itataas nila yung placard number, syempre yung 10 yung highest score.
Edi ayon, echos! nag start na! Asar nga at videoke challenge nga pala. Nagkagulatan pa kami ni Angel nung magkita kami, pareho pala kaming kasali.
Iningusan lang nya ko, tapos very confident syang pumunta sa stage nung tinawagan sya.
Nauna nga syang kumanta, kahit hindi ako singer alam ko na ordinaryo lang yung boses nyang talaga. Kinanta nya yung "All This Time" ni Tiffany, halos pumiyok piyok pa nga ang boses nito eh.
Angel's score:
6+6+6= 18pts
Shet! Medyo lumakas ng konti yung loob ko, kaso kinakabahan pa din ako. Napaka dami naman kasing taong makikinig.
Nung tinawagan na ko ay halos kaladkarin ko yung mga paa ko makapunta lang sa stage. Asar at dinadaga talaga yung dibdib ko!
Ang hirap naman kasi ng lagay ko, newbie ako dito kaya hindi ako masyadong makapag maganda at makapag inarte at lalo ang tumanggi.
"Kamusta ka naman daw? Maganda ba ang boses mo?", bungad na interview sa akin ni Tante.
"Hindi nga po ako kumakanta eh.", nahihiyang sagot ko dito.
"Ay o bakit nandito ka? lakas ng loob at kapal ng face ang puhunan?", okray nito sa akin.
"Hindi, joke lang. Actually para lang sa kaalaman ng lahat, yung mga kasali ngayon natin ay walang alam sa mechanics ng games hanggat hindi sila nakapag palista. Kaya nung malaman nila at magreklamo sila, huli na ang lahat. Anyway, katuwaan lang naman natin ito. Kahihiyaan lang talaga ang habol natin dito, yung may mapagtawanan tayo at mapagkasiyahan tayo. Para lahat enjoy! Joke joke joke!!!", tsaka sya tumawa ng tumawa
Tawanan din naman yung mga audience nya, parang mga mukhang tanga. Ako naman, pangiti ngiti lang.
"So, ang kanta ni Maki ay very rare ha. Ano pa nga ba? edi ang walang kamatayang Breathless. O sya, the stage is yours!", okray pa din nito at ibinigay sa akin yung mic.
Eto at tumugtog na nga yung intro! Shet! nanginginig pa ako! Sa sobrang pasmado ng kamay ko ay naga-ground pa ko sa mic.
Asar! Nagsigawan yung mga tao bago ko pa man ibuka yung bibig ko. Tapos ayon at kumanta na ko.
So go on, go on, come on, leave me breathless
Tempt me, tease me, until I can't deny
This loving feeling (loving feeling)
Make me long for your kiss
Go on (go on), go on (go on)
Yeah...
Come on
Yeah...
Hindi ko hinihiwalay yung tingin ko sa lyrics na binabasa ko. Kainis naman! Binabasa ko na nga lang ay nabubulol pa ko dahil sa kaba ko. Tapos nung mapatingin ako sa mukha ng mga tao, halos hindi maipinta yung mga itsura nila sa pakikinig ng kanta ko.
Interlude.. Are you having fun?, yung nakasulat don sa monitor ng videoke.
Are you having fun? My ass! Niloloko ba ko ng videoke na to? Having fun ba yung kung ano anong pamimintas na yung inabot ko.
May kalayuan na nga ako sa mga audience ay parang magic na naririnig ko pa din yung mga feedback nila.
Yung mga judges nga naka ngiwi na, at yung iba di maiwasan ang matawa, samantalang yung iba may masamang nasasabi pa.
"Ay ano ba yan! paupuin na nga yan!"
"Sakit naman sa tenga, sobrang sintonado naman pala sya."
"Boses palaka? Baka abutan tayo ng ulan? Pumupundo na aba."
"Gondo nang boses! Pwedeng i-tape! I-tape yung bibig ni ateng!"
"Juice ko! Ayoko ko na! Lupa please! Bumuka ka na ngayon at kainin mo na ko!", piping dalangin ko habang pinagmamasdan ko sila.
Oo na! Panget na yung boses ko! Kung makapintas naman sila ay wagas ah. O edi wow! Sila na yung singer!
Kahit sila mama Pinky at ate Cha ay naka nganga, si Jin nga nakita kong nakayuko na. Siguro hiyang hiya din sila para sa akin.
Shocks! sobrang hiyang hiya talaga ako. Balak ko nga sana ay magtatakbo nalang palayo o kaya ay hugutin ko na yung plug ng videoke ng matapos na yung paghihirap naming lahat.
Nung matapos nga ako, halos magtatakbo akong pabalik sa team namin at magtakip na ng mukha eh.
"Juice colored! napasaya mo na naman kami Maki! hindi talaga kita makakalimutan te! Sinira mong ban ban ng tenga ko!", natatawang sabi pa ni Tante.
"Pero atleast malakas ang fighting spirit mo. At yung talent na mga ganyan, te itinatago na lang yan ha. o joke! charot!",dagdag pa nito na ayaw talaga akong tantanan.
"Lika nga ditey, o next time mag make up ka na lang ha. Wit pwede ang boses mo sa singlalu contest! Magigiba mo yung buong clubhouse kaya yung scores na najoklat mo 14 points! Total na yon ha.", biro ni Mama Pinky sa akin na pina upo ako sa tabi nya.
Maki's score:
5+5+4=14pts
(Halatang mga naawa lang )
"Atleast nagtry ka, try mo naman sumayaw next time ha.", joke din ni ate Cha.
"Ate Cha talaga.", napakamot ako sa bangs ko.
"Joke lang, don't mind. katuwaan lang naman eh.", hinimas himas pa nito ang likod ko nung maupo ako sa tabi nila.
Si Jin na nasa likod namin ay hindi ko na lang pinansin. Nahihiya pa din kasi ako sa pagkakalat ko ng lagim.
Nung kumanta na si Alexa, ayon at nakarinig na rin ng magandang kanta yung mga audience. Hopefully ay makalimutan na nila yung ginawa ko. Ang nice nga kasi mataas ang nakuhang scores nito.
Alexa's score:
8+8+7= 23pts
Sa male category naman, ang unang kumanta si Ross. May talent din naman ito sa singing pero hindi talaga yung outstanding. Mataas pa nga yung kantang napunta sa kanya, yung You Raise Me Up ni Josh Groban.
Ross's score:
7+7+7=21pts
Syempre sigawan naman yung mga tao, dahil baka sila na yung manalo. Remember maganda din kasi yung scores na nakuha ni Alexa plus pa nga yung sa kanya.
Nung tumayo si Relic para next na kumanta ay lalong nagtilian yung mga tao! Syempre darling of the crowd din ito. Hindi namin ine-expect na sya yung tatayo kasi nga di naman in-announce yung mga boys na kasali. Basta si Ross lang yung sure na alam ko.
Yung kinanta pa nya yung 'Maybe' ni Jin.
Maganda yung pagkaka kanta nya, parang mas hinusayan pa nga talaga nya. Kung baga parang inangkin na nyang yon ay kanta nya. As in, magaling talaga sya. Feel na feel pa nga nya eh.
Relic's score:
9+9+9=27pts
Tapos sabi nya sa interview, di nya alam na Maybe yung song na pinili ni Angel na kakantahin nya, nagulat nga rin daw sya. Ganito pa nga yung sabi nya sa mga huling lines nya eh.
"Kinanta ko talaga ng maganda yung kanta ng idol ko para matuwa naman sya sa akin. And I hope, marinig din natin syang kumanta ngayon, yun ay kung kumakanta sya sa videoke."
Yung tono nya, parang naghahamon pa. Feeling ko nga ay parang gusto nyang iparating sa mga tao na hindi special mic yung gamit sa videoke machine, walang echo at walang surrounds na nakakatulong sa ma-enhance yung kanta nung isang singer.
Kaya nga nung tumawag sa team namin ng kakanta eh, hindi na ko nagtaka nung tumayo si Jin. Mapagpatol pa naman yung taong yan.
Syempre, palakpakan at sigawan naman yung mga tao. Lahat na excite.
Then na realized ko, kung yung Maybe yung pinili ni Angel na kanta kanina, at You Raise Me Up yung kay Alexa. Malamang yung kakantahin ni Jin ay...
Naku patay! Nagisa yata kami sa sarili naming mantika ah!
"Owkey! Jin, ready ka na bang magpaka diva? Kasi yung pinili na kanta ni Maki kanina ay Through the Fire lang naman ni Nina. Ako nga, kahit sa gay voice ko ay tumitirik ang mata ko sa hirap ay hindi ko ito maabot eh. Nakanta mo na to kahit minsan?", pa cute pa na interview ni Tante kay Jin na minsan ay nag be-baby talk pa.
"No, hindi pa. Pero naririnig ko naman yung kanta na yan."
"So, ita-try mo ba? Pwede pang umurong, o kaya gusto mo pili ka na lang ng iba dwarleng? Madali akong kausap basta text text tayo mamaya ha.", malambing na sabi pa nito na ikina-react ng madami.
"Che! Mga bruha! React pa kayo diyan! moment ko to! Mamatay kayo sa inggit!", kunyari ay pagalit na joke ni Tante na pinadidilaan pa yung audience.
"So ano Jin?", baling nito kay Jin na hinimas himas pa kunyari ang balikat nya.
Lalong lumakas yung ingay sa clubhouse.
"I will try not to sing out of tune. Pag nakanta ko ng maayos ibig sabihin seryoso ko, pero pag pumiyok ako joke ko lang yon kaya pwede ninyong tawanan. So yeah, try natin.", joke pa ni Jin na ikina tili na naman ng audience.
"Wow! Okay. Pakikinggan ko talaga yan. Yari ang falsetto mo dito dwarling! Goodluck sa lalamunan ha.", pa cute pa ding sabi ni Tante na kumikindat pa ng madaming madami habang ina abot yung mic.
[Falsetto- a method of voice production used by male singers, especially tenors, to sing notes higher than their normal range. Male singers often use this method to imitate a woman's voice.]
"Sorry naman, kasi akala ko yung kalaban yung kakanta ng Through the Fire kaya yun talaga yung pinili ko eh.", malungkot na sabi ko kay ate Cha.
"Okay lang yan. Kaya ni Jin yan. Wag ka ng mag alala ha. Makinig nalang tayo.", nakangiting sabi naman nito.
Edi ayon nga at tumugtog na yung intro.
I look in your eyes and I can see
We've loved so dangerously
You're not trusting your heart to anyone
You tell me you're gonna play it smart
We're through before we start
But I believe that we've only just begun
When it's this good, there's no saying no
I want you so, I'm ready to go
Through the fire
To the limit, to the wall
For a chance to be with you
I'd gladly risk it all
Through the fire
Through whatever, come what may
For a chance at loving you
I'd take it all the way
Right down to the wire
Even through the fire
And he starts to sing it, parang regular voice lang nya yung ginagamit nya nung una siguro ay nana-nantiya pa sya then shifting to falsetto. Nakakagulat nga kasi all the way na yon.
Naisip ko nga, hindi kaya sya nangangawit sa ginagawa nya? Sabagay pag si Jin naman kasi talaga yung nag perform, kina-career naman talaga kasi nya. Syempre dahil gusto nya yung ginagawa nya di ba?
Itutuloy..