Chapter 6

2936 Words
On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess                   CHAPTER 6   MAKI POV   And he starts to sing it, parang regular voice lang nya yung ginagamit nya nung una siguro ay nana-nantiya pa sya then shifting to falsetto. Nakakagulat nga kasi all the way na yon.   Naisip ko nga, hindi kaya sya nangangawit sa ginagawa nya? Sabagay pag si Jin naman kasi talaga yung nag perform, kina-career naman talaga kasi nya. Syempre dahil gusto nya yung ginagawa nya di ba?   Yung mga tao sa paligid ay mga tahimik lang na nakikinig o mas tamang sabihin na speechless sila.   Parang ako, kasi sobrang nagagalingan ako kay Jin sa pagkanta nya. Imagine hindi lang basta kanta ng isang babae yung dinadali nya kundi yung super high notes talaga.   Through the test of time...!!!   Shet! Ang cool nya! nagboses babae na talaga sya! may sipon pa sya ng lagay na yon ha. So wonderful! Puring puri ko talaga sya sa isip ko.   Edi ayon nga, grabe yung sigawan pagkatapos nyang kumanta.   Jin's score: 10+10+10=30pts (Ang lakas ng charisma.)   Blah blah blah blah..   Kung ano anong usapan pa. Nung nag compute tie lang din naman pala. Kaya ang ginawa ay pinabalik pa kaming mga girls para mag tie break pero hindi na kakanta. Dahil kung kakanta ulit ay ayaw ko na talaga! shet pala!   Ang nangyari, unahan lang daw maka two points sa pagsagot sa mga questions. Mga General Information with regards sa CBE, basta anything goes.   May hawak kaming card boards at pentel pen, dun kami susulat tapos itataas namin yung sagot.   "Naku po, nalintikan na!", bulong ko sa sarili ko. Bopols pa naman ako sa mga ganito, nauunahan talaga kasi ako ng kaba eh.   "Okay girls, ready? First question! Middle name ng newly appointed Managing Director and Chief Operating Officer ng CBE?", parang quiz bee na tanong ni Tante.   Vincent N. Yu   Syempre tama ako sa sagot kong Nieves. Naka one point agad ako, sila kasi hindi nila alam eh. Sorry sila!   Inirapan pa ko ni Angel! Kaasar lang! haha   "One point for Maki. Next question, for the win. Month and day ng birthdate ni Jin Chua? Please raise your answers girls."   -> August 29 from Angel   -> August 29 from Alexa   -> April 29 from Maki   "Since nauna si Angel magtaas ng sagot, sya ang may point.", announce ni Tante.   "E teka ha, Maki san mo naman nakuha yang date na yan? May kilala ka pa bang ibang Jin Chua? Kaloka ka talaga. Minsan puntahan mo nga ako at i-guest kita sa shows ko sa Thomas Morato, may talent ka sa comedy promise!", natatawang okray na naman sa akin ni Tante.   Pero ako hindi talaga ko natawa! Kasi seryoso ko sa sagot ko! Alam ko naman kasi yun yung birthday nya, nabasa ko dun sa Villa nya. Nung nag aayos ako ng mga box nya na mga nalaglag from giant aparador. May mga greetings pa nga don from his tita and grandma. So panong mali ako? Dapat pala nag double check na din ako sa google.   Shet! Nakakahiya!   Wala sa sariling napatingin ako sa gawi ni Jin. Nakatingin din pala sya sa akin, hindi ko alam kung ano yung iniisip nya. Kung ako yung nasa kalagayan nya, magtatampo talaga ako. Imagine, P.A. ko, lagi kong kasama tapos birthday ko hindi nya alam? Grabe di ba?   Pwede pa yung excuse ko na: I'm not a fan!   "Hay nako! Lutang na naman ang isip! Kasimpleng tanong hindi pa nasagot! b***h talaga!", parinig pa sa akin ni Angel.   Hindi ko na lang sya pinansin, affected pa kasi talaga ako. Yung sumunod na tanong ay hindi na rin ako sumagot. Kaya ang nanalo ay si Angel.   Lulugo lugo akong bumalik sa upuan ko. Sayang naman yung perfect score ni Jin, hindi ko na nga nai-panalo ay hindi ko pa nasagot yung tanong regarding sa kanya. Buti pa si Angel at si Alexa di ba?   "Okay lang yan, namali ka lang ng sulat di ba?", console sa akin ni ate Cha.   "Wag ka ng sad girly, pag nagalit sayo si Jin, edi ganito anwersung mo "sorry ha, nagpalit ka na pala ng birthdate, kelan pa?", ganown! yung pa deadma!", tatawa tawang joke pa ni Mama Pinky   "Ikaw talaga Peter! puro ka biro! nakita mo na ngang gloomy si Maki eh!", binira bira pa nito si Mama Pinky   "Look who's talking! Eh teka nasan na ba si Erica? napunta lang ng ibang team ay nawala na?!"   "Oo nga, tara na munang chumibog! Snack time, mag start na din yung basketball ng mga fafa. Dapat may lakas tayo mag cheer! O Maki, wag na sad ha. okay?"   Tumango lang ako sa mga ito na nagyaya ng pumila sa catering para sa snack.   ******   "Hi bestfriend!", nakangiting bati sa akin ni Veronica pagka babang pagka baba niya ng service Van nya.   "Veronica!", masayang bati ko din dito na binitawan ko muna yung dala kong extra towels na nakalagay sa isang bag. Sinamahan ko si ate Cha na pick-up-in nga yung iba pang supplies na para sa mga players sa team namin na naglalaro na ng basketball sa gym. Last event na ito bago mag awarding.   "Kamusta ka na? Hindi ka ba nilagnat?", nag aalalang tanong agad nito.   "Ikaw ang kamusta na? Okay ba yung result ng mga test na ginawa sayo? Kamusta na yung bukol mo?", balik tanong ko sa kanya, medyo mukhang maga pa ang mata nito. Umiyak kaya sya?   "Ah eto, wala to.", sabay hawak nito sa bandage nya sa noo.   "Wala rin akong fracture, oa lang kasi yung manager ko.", nakangiting dagdag pa nito.   "Veronica, thank you talaga ha kasi talagang nag effort ka para tulungan mo ko. And sorry ha, kasi dahil sa akin nasaktan ka pa.", sincere na sabi ko dito.   "Ay ano ka ba? Wala yon! natakot nga ako kasi akala ko pagdating ko sa pool ay baka kung napano ka na. Buti nga at nandon si Jin para i-save ka. Kung may nangyari sayo dahil sa kabagalan ko ay baka hindi ko napatawad yung sarili ko." explain pa nito sa maiyak iyak na boses.   Ako din, teary eyes talaga ko. Nakaka touch naman kasi. Nagyakap kaming dalawa.   "Thank you talaga ha.", sabi ko na naka tingkad pa ko habang pinupunasan ko yung luha ko. Tulo sipon pa yata ako.   "Ang drama natin noh?", pinahid pa nitong luha nya.   "Oo nga eh, nagkaiyakan pa tayo. O tara, sama ka na sa gym. Tamang tama, mapapanuod mo si Jin. Naglalaro sya ng basketball ngayon eh. Kainis nga magkalaban pa sila ni Vincent, hindi ko tuloy alam kung sino yung i-chi-cheer ko.", excited kong hinawakan yung kamay nya para yayain sya pero binawi nya yon.   "Ah hindi, mauna na akong umuwi. Dumaan lang talaga ako dito para kamustahin ka, timing naman na nandito ka pala sa labas kaya hindi na ako nahirapang hanapin ka."   "Ah ganon ba? Halika na kahit sandali lang, ayaw mo bang mapanuod si Jin? Magaling din pala sya mag bola, nagulat nga din ako eh. tara na.", pilit ko pa din dito.   "Hindi na, next time na lang. May pictorial pa kasi ako bukas eh, magpahinga na lang daw ako."   "Ah, ganon ba? Sige goodluck sa pictorial mo ha. Minsan pa autograph ng magazine.", nakangiting sabi ko dito.   "Ang totoo kasi Maki, nagka usap na kami ni Jin kanina.", maya maya ay sabi nya sa boses na napaka lungkot nya.   Ako naman, parang may bumundol na kaba. Nagkausap na pala talaga sila.   "Anong nangyari? nasabi mo ba sa kanya yung nararamdaman mo?"   "Oo, kaya lang hindi kami pareho ng nararamdaman eh.", nagyuko pa si Veronica ng ulo at parang naiiyak pa.   Speechless naman ako. Ano ngang sasabihin ko? okay lang yon? Syempre hindi okay yon! dahil kung sa akin nangyari yon ay baka nagmumukmok na ko sa kwarto ko.   Busted pala ito. Kaya siguro maga pa yung mata nya, malamang na nag iiyak sya kanina. Dahil nga sa heartache nya.   "Sabi nya sa akin, dapat i-priority ko muna yung career ko kung talagang gusto ko yung napili kong profession. Yung infatuation at love naman daw kasi ay makakapag hintay yan. Tsaka may iba daw syang nagugustuhan..".   Si Jin, may nagugustuhan na? Aray! Ang sakit pala! hindi pa sa kanya galing yon ha. Ano pa kaya yung pakiramdam kanina ni Veronica nung sa kanya mismo yon sinabi?   Sobrang ouch siguro talaga.   "So ayon, na busted na nya ko.. Pero tama naman sya sa mga sinabi nya. Susundin ko na lang sya na unahin ko muna yung career ko. Ang sabi ko naman sa kanya, hindi ko pa rin isusuko yung pagtingin ko sa kanya. Sya pa din yung inspiration at idol ko. Kaya kung sino man yung gusto nyang yon! Humanda sya, kasi kakumpetensya pa din nya ko!", masiglang sabi pa nito na nangingiti na kahit halatang gusto pa ding umiyak.   "Kaya mo yan! At tama yan! wag mo syang isusuko!", yun lang ang nasabi ko.   Kasi kahit kaibigan ko na rin ito, kahirap palang magpayo pag pareho yung taong gusto nyo.   Ha? Parehong tao? bigla akong natulala.   "Sya nga pala Maki, eto yung hinahanap mo kanina.", inabot niya sa akin yung name tag ko.   Yung galing kay Jin.   "Pasensya ka na, pumangit na yan. Kasi pinulot ko yan kanina ng basang basa na tapos ibinilad ko. Ganyan na nga yung kinalabasan."   "Yan din talaga yung sadya ko dito, ibibigay ko sayo yan. Kasi alam ko, importante yan sa bestfriend ko eh. Ingatan mo yan ha, kasi alam ko, bigay yan ng taong gusto mo."   "O pano? See you next time! I love you bestfriend! bye muna!", masiglang sabi niya na yumakap sa akin at humalik pa. Tapos agad na sumakay ng Van at umalis na.   Wala na sya sa harap ko ay nakatulala pa ako. Bakit ganon yung sabi ni Veronica?   Hala? may ganung factor?   "Oi Maki, halika na ba! Baka matapos na yung game nyan.", tawag sa akin ni ate Cha.   "Opo te, andiyan na po.", sagot ko dito habang masaya kong tinitignan yung name tag ko.   ********   JIN- POV   Enriquez three points! Energetic na sigaw ng announcer. Tapos sigawan naman yung mga nanonood.   Shet na Relic at naka three points na naman! Eto at nakatingin na naman sya sa akin na parang nagyayabang. Very effective ang loko sa position nyang Shooting Guard dahil master na master nya ang shooting lalo ang three-point range.   Hihingal hingal akong pinunasan ko ng suot kong jersey ang pawis na tumutulo sa mukha ko. Nag e-enjoy ako pero grabe ang pagod ko, 2nd game na namin kasi ito at 4th quarter na din.   Sumulyap ako sa score board. 87-90. Lamang na tuloy sila. Konti na lang ang nalalabing oras ay tapos na kaya talagang pressured na kami.   "Okay lang, okay lang! Bawi tayo mga brad! Mahaba pa ang oras!", sigaw ni Norky na lumapit sa akin at tinapik tapik ako sa balikat.   Sya ang Center namin since he is the tallest player on the floor and he usually scores down low, in paint or yung malapit sa basket.   Tumango ako and then nag ready na kami para rumesbak for the next ball.   Ako kasi ang Power Forward, on offense my job is to score, kung close sa basket, mid range or long range ay bahala ako. Given a chance, I should always go for it.   Sa amin ang bola.   Hawak ni Bobby ang bola galing sa labas at pinasa nya sa Point Guard - team's best ball handler and passer : si Vic na kasamahang dancer ni Norky.   Pinasa ni Vic ang bola kay Norky matapos ang mahigpitang bantayan. Nagsenyasan kaming dalawa at pinilit kong pumwesto ng maganda. I'm so into this, kailangan ko ding maka three points para tumabla kami. Kung hindi ay baka sa kangkungan kami pulutin at umuwing luhaan.   Nang mahawakan ko ang bola ay mabilis ang mga kilos kong umikot ikot ako habang nagdi-drible to shake off ang annoying na guard ko, si Relic.   Nang makaroon ako ng chance ay very determined akong lumundag ng mataas at binitiwan ko yung bola sa ere. I saw Relic's determination na pigilan ako sa plano ko, nag abot ang kamay namin. Pero thank God at mas nauna akong bumato.   "Yes!", sambit ko nang pumasok yung tira ko.   Nagsigawan yung mga tao.   Chua! Three points! echo ng announcer.   Score board: 90-90   "Very nice brad!", kanya kanyang apir sa akin ng mga teammates ko.   But the battle isn't over yet dahil eto at rush na din ang mga kalaban. Mahigpitan ang labanan.   Mabilis ang takbong ginawa ko para mahabol ko lang si Relic! Shet na yan oo! parang walang kapaguran! I saw him giving sign to Vincent na Center ang position sa kanila. I know his playing well, nung mga bata pa kami ay talagang magaling din ito sa three point shooting.   "Jin!", sigaw sa akin ni Bobby. Sumenyas sya na bantayan ko si Relic dahil titira na naman ito sa labas.   But I think, it's another way around. Dahil sa senyasan ni Vincent at Relic parang si Vincent ang titira ng tres.   I doubt myself for a seconds, which I regret later on. Dahil sa hesitation ko ay nahuli ako ng reasonings na tama pala ako.   Mabilisang pinasa ni Relic ang bola kay Vincent na halos libre nga sa position nya dahil nga si Relic ang pinuntirya naming lahat which was very bad.   Shet! Halos mapamura ako nung ma shoot ni Vincent yung tira nya. I'm expecting nothing less from him, sya naman kasi yung tao na best sa lahat ng ginagawa nya.   Score board: 90-93   Sigawan ng sigawan ang mga tao. Ilang segundo na lang at tapos na ang laban.   I'm distracted for the moment, kung sinunod ko lang yung una kong judgement.   "Jin, bawi tayo!", ginulo ni Norky ang buhok ko na parang bata para bumalik ako sa huwisyo ko. Napansin siguro nito na distracted nga ako.   Tumango ako at nagpunas ulit ng pawis.   "Damn! At lamang na naman sila ng three points!", inis na sabi ko sa sarili ko.   Nandito nalang din naman kami, syempre ay gusto na rin naming manalo.   Then, biglang pumito yung referee. Two points lang ang count sa basket ni Vincent dahil stepping on the line sya. Which is good dahil kung makakabawi kami ng three points pa ay baka manalo pa kami.   Score board: 90-92   Ilang segundo na lang ang nalalabi sa oras..   And then the long run starts..   Nonstop dribbling, guarding, uses of short bursts of speed and even sneaking. Kasama na lahat don.   Basta walang ibig magpatalo sa amin.   When I got the chance to hold the ball, talagang isinaksak ko na sa utak ko na kailangan kong maka score.   But it easier said than done. Dahil alam ng mga kalaban na I'm going for the three to win kaya sobra yung ginawa nilang pagbabantay sa akin.   Shet! This really sucks! Masyado kasi silang porsigido na hadlangan ako.   Kaya naman when I got this small chance, using my high speed ay iniwanan ko ang three point shot line and I go for the riskier two points.   Wala eh, sa sobrang dami kong bantay sa labas I had no choice kung hindi ang pumasok sa loob at i-execute ang favorite kong moves.   Ang tinatawag na Drawing contact, this is actually a very effective offensive move intended to produce a foul call on the defensive player. So kung su-swertehin ako na maka shoot, I will get the basket and one foul shot. At sa malamang ay manalo pa kami.   Napangiti ako sa naisip ko.   "Jin, ang talino mo talaga.", puri ko pa sa sarili ko sa isip ko.   Kaya lang ay may malaking sagabal sa plano ko, si Vincent. Ang laki naman nya kasing bantay, pero I have no choice kung hindi ang makipag sapalaran na banggain na sya.   Wala na rin kasi akong oras.   I feigned an attempt to jump shot, I restrained myself before my feet leaves the ground para tumalon agad si Vincent before me. And then I jump towards him, make contact, this really gets me to the foul line and then I shoot.   Hindi ko inalis ang tingin ko sa basket ng mga oras na yon, kaya alam ko na pumasok yung tira ko. And the scores are finally equal.   Score board: 92-92   But that crazy moves come into violent contact. Vincent and I collided with an ear-splitting crash.   "Jin!"   "Vincent!"   Nagkagulo na yung mga tao.   Natagpuan ko na lang ang sarili ko na namimilipit sa sakit dahil sa nasaktan kong balikat habang nakahiga ako sa sahig.   "Shet! Na injured pa ata ako!", sabi ko sa isip ko.   "Jin, punta tayo sa medics please.", nag aalalang sabi sa akin ni Angel.   Tinulungan ako ni Bobby at nila Norky na tumayo. Hawak ko ang masakit ko pang balikat ay napilitan na kong tumayo. Sa injury ko ay hindi ko na tuloy magagawa pa ang foul shot na inaasam ko kanina. Kung makaka free throw ako ng isa pa ay panalo pa kami.   Kung sino sino na yung mga taong nag usyoso, pero yung taong hinahanap ng mata ko ay hindi ko naman makita.   Kaya naman pala, kasama sya ng iba. At sya pa talaga yung naka alalay kay Vincent na injured naman ang paa.   Saglit na nagtagpo ang mata namin ni Maki but I chose to pretend that I didn't see her.   "Ano brad? Masakit ba?", tanong sa akin ni Bobby.   "Oo masakit, and it's killing me." sagot ko kay Bobby.   Hindi ako sigurado kung para saang sakit yon.   Para kasing may kung anong bagay ang parang tumusok sa dibdib ko pagkakita ko kay Maki.   At shet! mas masakit pa yata yon sa sakit na naramdaman ko sa strained shoulder ko.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD