On-The-Love Training
Book 2
midnyt_princess
CHAPTER 7
MAKI POV
"Don't worry,. he's still alive and still kicking! Na strain lang yung balikat nya pero he's okay.", sagot ni Sir Bobby sa kabilang linya. Kinakamusta ko kasi si Jin. After kasi ng aksidente nila ni Vincent sa basketball kanina ay hindi ko na sya nakita.
"Mabuti naman po pala at okay na sya. Tinatawagan ko nga po sya sa cellphone nya kaso hindi naman po sya ma-contact. Kaya pasensya na po sir Bobby kung sayo pa ako tumawag."
"Okay lang, hindi mo naman kasi sya matatawagan at nasira yung cellphone nya. Ewan ko ba at nahulog daw sa swimming pool na ka-engotan.", natatawang sabi pa nito.
Napaisip tuloy ako, nasira pa pala yung cellphone nito malamang ay nung inililigtas nya ko. Mas lalo tuloy akong na-guilty.
"Teka, gusto mo ba syang maka usap? Nandito sya ngayon sa bahay, dito ko nga muna sya pinauwi at wala naman syang kasama sa condo nya, para kahit papano kako ay may titingin sa kanya. Sandali at kakatukin ko muna sya sa guest room."
"Ah, naku hindi po. Baka nagpapahinga na sya tsaka baka ayaw din naman nya kong kausap. Thank you na lang po ulit.", alanganing sabi ko.
"Okay sige, so pano? Sasabihin ko na lang sa kanya na tumawag ka. Anyway, katatawag ko lang kay Vincent. Mainam at okay na din yung paa nya."
"Opo. Okay naman po sya. Thank you po ulit sir Bobby."
"Sure. No problem."
Yun lang at nag end call na kami.
Napabuntong hininga ako. Mag iisang oras na akong naka upo sa kama ko ay hindi pa rin ako mapakali. Ni hindi ko man lang nga makuhang magpalit ng damit kahit gabi na rin at dapat ay magpahinga na rin ako. Iniisip ko pa rin kasi yung nangyari kanina.
Five hours ago, sa laro ng basketball sa last event ng team building bago ang awarding nangyari ang lahat.
Noon lang talaga ako nag enjoy manuod ng basketball. Parehong team kasi ay may favorite player ako, si Jin nga at si Vincent. Grabe naman kasi at ang sarap nilang dalawang panoorin. Pareho silang magaling mag shoot.
Si Jin, ang pogi nyang tignan habang naglalaro sya kahit pawis pawis pa sya. Hindi ko nga akalain na three point shooter din sya at magaling sya sa depensa. Si Vincent, di naman sya nagpapahuli. Ang ganda nga ng katawan nya eh, tapos first time ko pa syang nakitang walang salamin at naka contact lenses sya. Mukha din tuloy syang artista, tapos magaling din sya sa paglalaro nya.
Sobra nga akong namalat sa kakatili eh, makipag sabayan ba naman ako sa dalawa; kay Mama Pinky at kay ate Cha di ba? Plus pa nga si Erika, sobrang cheer sa loves nya! kay Norky.
Okay ang lahat kahit sobrang dikit pa ng laban hanggang nga sa mangyari yung isang aksidente. Hindi ko nga naintindihan yung nangyari, ang bilis kasi ng phasing. Mabilis na nag dribble si Jin papasok sa loob ng court para mag shoot kahit madaming bantay tapos biglang ayon nga, nung naharangan sya ni Vincent sa ere ay nagka bungguan sila. Pumasok yung bola kaya lang pareho silang tumilapong dalawa. Lahat ay na shock, tapos tumahimik sa buong area.
Next na nangyari, ayon at nagkagulo na. Ako nga sobrang nataranta. Una ko talagang tinakbo ay yung pwesto ni Jin, kasi sya yung mas malapit sa pwesto namin, kaso sa sobrang daming tao na nakapaligid sa kanya ay hindi naman ako makasingit.
Shet! alalang alala nga ako kasi narinig ko pa yung sabi ng iba na namimilipit sya sa sakit. Then, napalingon ako sa gawi ni Vincent. Konti lang yung lumapit sa kanya kasi syempre banyaga pa sya plus pa nga yung isyu sa plano nilang pagpapalit ng mga tauhan kaya siguro karamihan sa mga tao hindi na sya pinaki alam-anan.
Naawa naman ako sa kanya, kaya sa kanya na talaga ako nagpunta. Tsaka sya naman talaga yung kasama ko pumunta sa event di ba? Yung paa naman nya yung na injured sa kanya, na sprain nga.
Nagkatinginan pa kami ni Jin nung halos sabay silang tumayo ni Vincent. Naka alalay sa kanya sila Angel tapos ako nga kay Vincent.
Parang nakita ko sa mga mata nya yung hinanakit nya, tapos biglang deadma nalang ako sa kanya, yung parang di nya ko kilala.
Ang sakit kaya!
Sabagay, nai- intindihan ko naman sya. After all ng ginawa nya para sa akin eh sa iba pa talaga ko unang nag punta. Imagine, ginawan nya ko ng name tag, tapos niligtas pa nya ko sa tiyak na kapahamakan pero nung sya na yung nangangailangan wala ako para sa kanya. Tapos nakalimutan ko pang birthdate nya, san ka pa diba? Sobrang sablay! Kung kelan, friends na sana kami.
Sobrang guilty talaga ako, hindi ko naman sya mahabol kasi kasama ko na nga si Vincent.
"Hay nako Maki! Ano ka ba!? Nakakainis ka!", inis na sinabunutan ko pa yung sarili ko at patamad akong humiga sa kama.
Malungkot akong tumingin sa kisame, at napabuntong hininga. Tapos kinuha ko ulit yung cellphone ko at kinalutkot. Maghapon ko tong hindi nakita, kaya nung pagdating ko ay nagulat pa ko nung ma check ko. Early morning pala ay may text pa si Jin at missed call. Hinahanap nya ko para maisama nga sa team building, eh nung mga oras na yon ay naka alis na kami ni Vincent.
Minsan na nga lang nya ko i-text at tawagan ay hindi ko pa nagawang sagutin. Palpak na naman.
Naisip ko na lang, na bukas mag so-sorry na lang ako sa kanya if ever nagtatampo sya o galit nga sya.
Tapos ayon, na-isipan ko na ding magpahinga dahil pagod din ako. Sobrang nag pray ako at nag thank you dahil sa dami ng pangyayari ngayon at ka bengotang nagawa ko, ay atleast buhay pa nga ako.
****
Kinabukasan.
Sa CBE : Lunch break
Busy ako sa pag gawa ng project na popsicle house craft ng pamangkin ni Erica. Nag prisinta ako kasi medyo master ko yung pag gawa nito dahil nung nasa Nueva Ecija pa ko ay madalas nga akong gumawa ng ganito.
Tapos busy din ako sa kaka reply sa text ng kambal, syempre at kina-kamusta nilang idol nila. Balitang balita na din kasi sa internet yung nangyaring accident.
So ayon nga, yun ang mga pinagkaka abalaan ko habang hini-hintay ko si Jin. Forever na yata akong waiting ay wala pa sya, ang aga ko kayang pumasok para agad ko syang makita.
Nang sa wakas ay dumating na nga sya.
Nagka gulatan pa kami nung pumasok sya, may dala dala syang mga papel sa kamay nya na nilapag lang nya don sa sofa. Feeling ko yun yung lyrics ng korean song na pinapa kanta sa kanya sa Korea. May dala rin syang box ng cellphone yata yon, sealed pa. Nasira nga pala talaga yung phone nya kaya nagpalit pa tuloy sya.
Then ayon, dire-diretso sya sa may dressing room at may kinuha lang sya.
"Kamusta?", alanganing bati ko sa kanya.
Hindi nya ko pinansin.
Ouch talaga! Feeling napahiya ako, kaya medyo na teary eyes pa ko. Mukhang may tampo nga sa akin si Mr. Su.
Pinag masdan ko lang sya sa mga ginagawa nya habang kunyari busy ako sa pagdidikit ng mga popsicle stick.
Tapos ayun nga at after ilang minutes parang aalis na din sya kasi kinuha na nya ulit yung mga papel at gamit nya.
"Jin, galit ka ba sa akin?", di ko natiis na magtanong.
"Bakit ako magagalit sayo?", walang emotion na sabi nya tapos tumalikod na sya.
Atleast sumagot naman sya di ba?
Syempre, hindi naman ako papayag na wala akong gagawin para maka usap sya. Ang tagal ko kayang nag hintay! Kaya without thinking, mabilis ang naging kilos ko para pigilan sya. Iniwan ko agad yung mga pinagdidikit ko, nagulo pa nga yung mga yun eh.
Sa maniwala kayo at sa hindi ay talagang niyakap ko lang naman sya buhat sa likod nya, with my both arms na magka lock pa sa gawing tiyan nya para wala talaga syang kawala.
"Teka! Ano ba yang ginagawa mo?", tanong nya sa akin nung magulat sya tapos hinawakan nyang mga braso ko para tanggalin sa pagkakayakap sa kanya. Pero mas kumapit lang ako.
Ang pakipot!
"Jin, sorry na. Wag ka na sanang magalit o magtampo sa akin. Nagsisisi na ko mga maling bagay na ginawa ko sayo."
Shet! Apura yung kaba ng dibdib ko. Dinama ko yung pagkakayakap ko sa kanya para iparating ko na sincere talaga ko sa mga sinasabi ko.
Naramdaman ko na bumuntong hininga sya, tapos hinayaan na lang nya yung kamay nya sa gilid ng katawan nya at hindi na nya ko binawalan.
Katahimikan.
"Sorry! Sa lahat ng ginawa kong kapalpakan kahapon! Hindi ko nasagot yung tawag at text mo kasi naiwan kong cellphone ko, tapos na sipon ka pa at nasira yung cellphone mo dahil sa pagliligtas mo sa akin. Napilitan ka pang kantahin yung kantang napili ko para sa team! Nakalimutan ko pa yung tamang sagot sa birthday mo! Tapos nung ma aksidente ka, hindi kita sinamahan! Sorry! kasi niyakap kita ngayon! Kasi naman, gusto kitang maka usap pero aalis ka na agad.", mahabang paliwanag ko, seryoso ko kaya medyo nag c***k yung boses ko at teary eyes pa ko.
"Sorry na, pansinin mo na ko please...", paki usap ko pa. Ayaw talaga kasi kong patahimikin ng konsensya ko.
Bumuntong hininga ulit sya.
"Turtle, una hindi ako galit sayo okay? Yung mga nangyari kahapon, okay na din yon, tapos na eh. Pangalawa, hindi ako aalis. Ila-lock ko lang yung pinto kasi hindi ko naisarang mabuti.", seryosong sagot nya na parang nililingon pa nya ko.
Woo! hindi daw galit? E hindi nga nya ko pinansin. Hindi daw aalis pero binitbit na nya yung mga gamit nya. Ma- showbiz talaga!
Pero totoo nga at medyo naka awang yung pintuan.
"Totoo ba yan? So okay lang talaga tayo?", parang batang tanong ko. Kasi next day ay aalis na yung mga to, two weeks silang mawawala ni Sir Bobby. Ayaw ko naman ng patagalin pa kung may tampuhan man kami kasi as much as possible ay gusto ko na in good terms kami bago naman kami magkahiwalay.
"Yeah, so can you let me go now? Pupunta kasi dito sila Ms. V. Baka kung maabutan ka sa ginawa mong ito ay kung anong isipin non.", natatawang sabi pa nito.
"Ay ganon? Sorry naman kasi nabigla lang ako.", Parang napapahiyang kakalas na sana ko.
Kaso hindi ko magawa!
Hindi dahil sa nag enjoy na kong nakayakap sa kanya, kahit pa nga ang sarap talaga na kayakap sya haha! Ang diperensya, yung mga kamay ko nagdikit na!
"Yung mga kamay ko! anong gagawin ko?", tarantang sabi ko.
"Bakit ba?", takang tanong din nito na tinignan yung magkataban kong braso.
"Nadikit yata ako ng super glue eh.. Aray teka teka, wag mo namang biglain! Masakit eh.", reklamo ko.
Shet! kaya pala basa kanina, mainit at may sakit! Bago yata ako yumakap kay Jin ay di ko sinasadyang madiinan ko ang pindot don at nag iwan pa talaga ko sa kamay ko! Sa sobrang kaba ng dibdib ko, mas nanaig pa yung adrenaline rush ko para makausap ko sya kesa pansinin ko yung sakit ng paso ko kanina. May ganon ba talaga? Ang boba ko naman.
"Sandali, wag mo muna kasing hatakin, na glue nga yung kamay mo. Carelessness lang ba talaga to o sinadya mo para mas mapatagal yung makayakap mo ko?", pilyo pang kumento nito.
"Ganon? ewan ko sayo. Pano yan! Tulungan mo naman akong tanggalin please. Baka mamaya nyan may pumasok nga dito at may makakita pa sa atin.", pag aalala ko.
"Sa akin okay lang, ikaw naman yung nakayakap eh.", natatawang sabi pa nito.
"Grabe ka naman. Please, tanggalin natin, tubig kaya pwede?.", suggestion ko pa.
Edi ayon nga at nagtry kami pero nagdikit na talaga yung skin ko kaya ayaw ng matanggal. Pag pinipilit ko naman, ang sakit sakit lang! Ang gaga ko kasi kaya ayan!
"I think, we just have to wait and watch for it to come off together with your thick skin. Enjoy na enjoy ka naman sa ginagawa mo eh.", biro pa nya.
"Ay ang sama mo naman!",
Nagbiruan pa kami.
"What are you two doing?", gulat tanong ni Ms. V na mapasukan kaming nasa ganong ayos.
Pati si sir Bobby na kasama nito ay na shock din sa nakita nya.
Sabay kami ni Jin na napatingin sa kanila. Shet! Nahuli kami! I mean ako! Ang halay ko naman!
Mabilis ang mga kilos na ginawa nung magkapatid na isinara agad yung pintuan. Tapos pati nga yung mga window blinds ay pinagclo-close din lahat ni Sir Bob. Baka kasi may makakita pa sa amin ay maging issue pa, sa showbiz nga pala lahat may malisya.
Hindi ko na naisip na dapat pati ako ay over protective din sa career Jin, hindi yung ako pa yung maglalagay sa kanya sa alanganin. Lalo tuloy akong nakaramdam ng hiya sa mga kagagahan kong nagawa.
"Diyos ko! ang tanga ko!"
[After several minutes.]
"So, can someone explain to me what is happening here bukod sa issue ng super glue?", nagdududang tanong ni tita Virgie na nagpasalin salin pa yung tingin nya sa amin ni Jin.
Kasalukuyan kaming naka upong apat sa sofa na magkakaharap. Nung time na to, ay feeling nililitis ako, para naman kasing nahuli akong may mino-molestyang tao
Pag uusapan daw pala yung pag alis nung dalawa sa World Tour Event nila at yung tungkol sa SJT ko nga habang wala si Jin kaya sila nag punta.
Yun nga lang at may na abutan nga silang kakaiba.
Si Jin yung nag explain. Sinabi lang nya na nakikipag bati nga lang ako.
"Okay, kala ko ay may monkey business na kayong ginagawa.", medyo kumbinsido namang sabi nito.
Diyos ko! Hiyang hiya ako sa nangyaring ito! Puro katatawanan nalang yata yung mga nangyayari sa buhay ko, dinaig ko pang komedyante ah.
Alam ko na habang mga nag uusap kami, yung mukha ko pulang pula. Ano nalang yung iisipin sa akin ni Tita Virgie di ba? Sa lahat ng makikipag bati, ako yun talagang dapat ay naka yakap pa?
To cut all the story short, yung napag usapan regarding sa SJT ko ay hindi na muna ako required mag report sa office. Ang suggestion pa nga nila ay tapusin ko na ng tapusin yung mga reports or requirements na need ko para sa Graduation habang wala nga si Jin at wala akong ta-trabahuhin.
Syempre pumayag ako, pero mag re-report pa din kako ako sa office kahit papano kasi baka mamaya nyan ma issue pa ko sa school na hindi uma-attend ng training at kulangan pa nila yung hours of duty ko. Madami pa namang mapanirang tao, mainam na yung nag iingat.
Itutuloy