On-The-Love Training
Book 2
midnyt_princess
CHAPTER 8
MAKI POV
To cut all the story short, yung napag usapan regarding sa SJT ko ay hindi na muna ako required mag report sa office. Ang suggestion pa nga nila ay tapusin ko na ng tapusin yung mga reports or requirements na need ko para sa Graduation habang wala nga si Jin at wala akong ta-trabahuhin.
Syempre pumayag ako, pero mag re-report pa din kako ako sa office kahit papano kasi baka mamaya nyan ma issue pa ko sa school na hindi uma-attend ng training at kulangan pa nila yung hours of duty ko. Madami pa namang mapanirang tao, mainam na yung nag iingat.
So ayon nga, at blah blah blah.
Yung oras mag hapon lumipas ng napaka bilis lang tapos biglang kinabukasan na naman.
Pumunta lang kami sa isang afternoon event at nag plug sila Jin ng pag visit nga nila sa ibang Country ay biglang lumipas na naman yung buong mag hapon.
Nakakalungkot, kasi papalapit ng papalapit yung pag alis nila Jin. Bukas lang ay hindi ko na sya makikita, two weeks din yon. Ang tagal tagal non! Medyo nati-teary eyes tuloy ako.
Napatingin ako sa orasan, mag 7pm na din pala. Kanina pa dapat ako nakauwi, pero talagang nagpapaka delay ako dahil nga gusto kong magpaalam ng personal kay Jin. Kaso simula kanina na umalis sila ng hindi nga ako kasama ay hindi pa sya bumabalik.
Napatingin naman ako sa hawak kong paper bag. Yung laman nito, isang vertical stripe crochet scarf with color combination of red, ivory and grey . Hindi ko to ginawa, syempre binili ko lang. Pero hindi naman basta basta yung pinambili ko dito, salary ko yon sa first summer Job ko last semester kaya talagang pinaghirapan ko.
Naisip ko na ibigay to kay Jin since winter : season of snow sa Korea at US until February kaya baka magamit naman nya. Pinalagyan ko pa nga to ng burda ng pangalan nya para alam nya na talagang para lang to sa kanya.
Excited na nga ako na ibigay to sa kanya eh, alam ko na magugulat sya at baka ma-bully pa nya ko kaya tinatatagan ko na talaga yung sarili ko.
Hindi naman kasi masama ang magpaka sweet kahit minsan. Ito ay isang simpleng bagay lang naman, I mean pabaon ng isang kaibigan.
Nasa ganon akong pag iisip nung tumunog ang cellphone ko, si Mama yung caller.
"Hello, sweetheart? Pauwi ka na ba?", bungad nito nung mag hello ako.
"Nandito pa ko sa CBE Ma, bakit po?"
"Magluluto kasi ako ng favorite mo, kaya dapat umuwi ka na agad dito para sabay naman tayong makapag dinner.", paglalambing nito.
"Wow naman! Sige po at uuwi na ko agad agad Ma.", masayang sagot ko naman.
"Okay, see you later. Ingat ka sa pagda-drive ha."
"Opo Ma."
Masaya ko sa sinabi ng Mama ko, syempre sabay kaming mag di-dinner na madalang na ding mangyari kasi nga ay pareho kaming busy. Dapat, excited na excited na akong gagayak para makauwi na agad di ba?
Kaya nga nagtataka ako kung bakit wala man lang akong makapang excitement sa dibdib ko. Bagkus nga ay mas lalo pa yatang bumigat yung kalooban ko sa isipin kong dapat na nga akong umuwi.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko ay wala pa din yung taong hinihintay ko. Tuluyan na din akong nainip.
Kaya naman patamad na kong tumayo sa kinauupuan ko at nagpasya na ngang uumuwi na lang ako kahit pa mabigat pa sa loob ko.
Naghihintay naman kasi ang Mama ko, kung mamaya pa ko aalis ay anong oras pa ko nito makakauwi? Baka pagdating ko sa bahay ay tirik na ang mata ng Mama ko sa gutom.
Napabuntong hininga ako.
Tapos malungkot kong tinignan yung mga gamit ni Jin na naiwan nya kanina, na sure na kukunin din naman nya pagbalik nya.
Ipinatong ko yung paper bag na hawak ko sa tabi ng mga gamit nya, naisip ko na iwanan na lang at baka sakaling makita naman nya.
Kaya lang naisip ko naman na minsan kasi hindi lang may pagka manhid yung si Jin, may pagka shungak pa! Yun bang pag alam nya na hindi sa kanya yung gamit na katabi ng gamit nya, dine-deadma nalang nya. Hindi man lang ipagtanong sa mga kasama nya, iiwan nalang nya dun yon basta basta.
Kaya binawi ko na lang yung paper bag na ibibigay ko dapat.
"Tama! hindi ko na lang ibibigay! Eh ano ba kung ibigay ko o hindi? May pagkakaiba ba? Di ba wala? Wala pa rin naman syang care sa damdamin ng iba! Lalo sa damdamin ko para sa kanya!", inis na bulong ko sa sarili ko.
Ewan ko kung ano yung mixed emotion na nararamdaman ko, malungkot ba ko o naiinis ako!
Malamang ay sa nagtatampo at masama ang loob ko!
Ang walangya naman kasi nya! Kung ayaw nyang magpaalam sa akin dahil hindi naman ako importante, eh ano na lang ba kung ihambalang nya man lang yung pagmu-mukha nya tapos hayaan nya na kahit ako man lang ay makita sya!
Nakakainis!
"Goodbye na Jin. See you na lang sa youtube! Diyan ka na! nakakainis ka!" sabi ko sa mga gamit nya na inambaan ko pa yon ng suntok bago ko tuluyang lumabas ng pinto.
Tapos nung makalabas naman ako ng kwarto ay parang tanga na gusto ko ulit bumalik sa loob at maghintay pa ulit, pero pinigilan ko lang talaga yung sarili ko.
Then nag dire-diretso na kong lumabas ng building at nagpunta sa parking.
Parang ang bigat talaga ng mga paa ko sa bawat hakbang ko. Gusto ko muna talaga syang makita. Kaso, eto nga at nandito na ko sa tabi ng sasakyan ko, nakakahiya naman kung babalik pa ako.
Ilang saglit pa kong nanatiling nakatayo lang at nakatitig sa seradura ng sasakyan ko. Parang walang lakas yung kamay ko na pagbuksan yung sarili ko.
God! Ang miserable ng pakiramdam ko. Naiiyak pa yata ako.
Huminga ko ng malalim at pinuno ko ng hangin yung dibdib ko.
"Okay lang yan Maki! Don't mind. Para namang hindi na sya babalik.", kumbinsi ko pa sa sarili ko.
Pero..
Pero...
"Pero gusto ko talaga syang makita..." malungkot na bulong ko sa sarili ko.
Hindi pa ako nanghinayang sa isang pagkakataon sa buhay ko ng tulad nito.
Nakakapanghinayang dahil hindi man lang kami nagkita, at hindi man lang ako nakapagpaalam.
Sayang, kasi hindi ko man lang naibigay sa kanya yung bagay na ibibigay ko sa pag alis nya, kasama din sana yung mga importanteng bagay na sasabihin ko pa.
Sayang..
Sayang talaga..
Sayang na sayang talaga...
Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib ko.
Masakit pala ang umasa at mabigo.
Pinahid ko ang mga luhang tumulo na pala sa mukha ko sa sobrang lungkot na nararamdaman ko.
Nawalan lang ng saysay yung paghihintay ko kasi hanggang sa huli ay hindi pa rin kami nagtagpo.
Mabigat ang kalooban na nilisan ko na yung opisina.
Habang pauwi ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha ko dahil sa pinaghalo halong emosyon na pagkainis at pagkalungkot. Pero nangingibabaw pa rin ang tampo ko kay Jin dahil naghintay lang ako sa wala kahit pa nga ba wala naman talaga akong karapatang magtampo.
At dahil nga sa sobrang lungkot na nararamdaman ko ay inihinto ko ang sasakyan ko sa gilid ng daan at itinuloy ko ang bugso ng aking damdamin.
Kahit pagdating ko sa bahay namin ay hindi man lang nabawasan yung lungkot na nararamdaman ko actually ay mas lumala pa yata dahil syempre mas lumayo pa yung distansya namin ng taong gusto kong makita, tapos pagabi na. Ilang oras na lang ay pupunta na rin ang mga ito ng airport, tapos ay goodbye na talaga.
Pagpasok ng sasakyan ko sa garahe ay nagulat pa ko dahil naka park din don yung Pajero ni Mama na nakuha na ni Beth dati pa. Yung babae na nang scam sa kanya na ngayon nga ay nakakulong na pero hindi pa din tuluyang nililitis.
"Ma? nabawi mo na pala yung sasakyan mo?", sigaw na tanong ko agad pagpasok na pagpasok ko sa loob ng bahay.
"Oo, iku-kwento ko sayo yung nangyari..", masayang sagot ni Mama na nasa gawing kusina.
Patamad kong ibinato lang sa sofa yung mga gamit na dala ko, lalo na yung paper bag na ibibigay ko nga sana kay Jin. Tinabunan ko pa nga yon ng throw pillow.
Wala na rin naman yong masyadong importansya kasi nga hindi ko na rin naman naibigay sa kanya sa oras ng pag alis nya.
Pinuntahan ko nalang si Mama at tinulungan ko sya sa paghahain nya para makapag dinner na rin kaming dalawa.
"Naku alam mo ba nak, galing dito si Vincent at yung driver nya kanina lang. Sabi ko nga, dito na lang din sila mag dinner kaya lang may appointment pa daw sya.", simula ni Mama sa mga kwento nya.
"Si Vincent Ma? Bakit sya pumunta dito? Eh may injury pa sya sa paa nya, hindi nga sya nagpunta ng office ngayon.", takang tanong ko.
"Kaya pala iika-ika pa syang lumakad kanina, kawawa naman. Well, dinala lang naman nya yung Pajero kanina. Nagulat nga ako kasi imagine, na trace nya yon at nabawi pa nya. Akala ko, last time na kasama mo si Vincent sa botique at sinabi nyang tutulungan nya ko ay nagbibiro lang sya. Pero eto nga at totoo nga pala, hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala.",
"San naman daw po nakita ni Vincent yung sasakyan?"
"Ayaw nga nyang i-detalye, next time nalang daw. Kanina nga, I'm paying him with a check, bayad nga sa pagtubos nya sa sasakyan natin. Pero ayaw nyang tanggapin kahit anong pilit ko, nagagalit na nga ako sa kanya ay ayaw pa din nyang kunin. So Maki, pag nagkausap kayo help me with this okay? Kahit marami syang pera, hindi tama na hindi nya tayo pag bayarin. Nakakahiya ng masyado sa kanya.", mahabang explanation ni Mama habang magana yung bawat pagsubo nya, halatang masayang masaya sya.
"Sure Ma, yaan nyo po ako ng bahala kay Vincent. Sobrang bait naman kasi nung taong yon, pag di nya kinuha yung bayad natin ay jojombagin ko talaga sya kahit pogi pa sya!", joke ko pa na pilit kong pinasaya yung boses ko.
Shet! Ang plastic plastic ko!
"Maki, hindi ba masarap ang mga pagkakaluto ko? Hindi ka yata makakain ng maayos? may problema ka ba?", maya maya ay tanong ni Mama.
"Po? Syempre wala po. Madami na din naman akong nakain, hindi lang halata. Masarap po ang mga luto nyo Ma, the best!", tapos kunyari ginanahan ko pa yung pagsubo ko.
Napatingin ako sa pagkain ko, oo nga. Parang hindi nababawasan. Ewan ko ba parang pati pagkain ay bigla akong tinabangan.
Nagkwento pa si Mama tapos ako nakinig lang. Ewan ko ba, kasi parang lumilipad yung aking isipan.
"Iwan mo na lang diyan yung mga yan, at pumanhik ka na sa kwarto mo at magpahinga. Kanina pa kita napapansin na ang tamlay tamlay mo, masama ba ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?", tanong ulit ni Mama after naming kumain at nagtangka akong magligpit ng mga kasangkapan.
Lumapit pa sya sa akin at dinama yung noo at yung leeg ko.
"Yung puso ko, masakit Ma.", isasagot ko sana.
"Hindi po. Siguro nahahapo lang ako sa ka ba-byahe maghapon at pagod sa training.",alibi ko na nag iwas pa ko ng tingin.
Kasi mabubuko na ko sa pagiging obvious ko.
"Sige na at magpahinga ka na.", nakangiti pero nag aalalang pagtataboy nito sa akin.
Hindi na ko nakipagkulitan pa at sumunod na lang ako. Tutal parang tamad na tamad rin naman ako sa mga pagkilos ko.
Nakakainis, minsan na nga lang kami mag bonding ay ganito pa yung pakiramdam ko. Mukhang magkakasakit nga talaga ko sa pagiging matamlay ko.
Kinuha ko yung bag ko at umakyat na ko sa kwarto.
Pagpasok na pagpasok ko pa lang ay parang tangang napatulala na ako.
Ano ba naman to at nalulungkot na naman ako. Shet naman kasing pagnanais itong nararamdaman ko, halos maloka loka naman ako.
Ang daya naman kasi ni Jin!
Kinuha kong cellphone at nagbaka sakali ako na may text man lang sya pero wala. Kaya ang ginawa ko, lakas loob ko na din syang tinawagan.
It's now or never! Magpapa alam lang naman ako.
Tuut... tuut... tuut..
Number busy lang naman sya!
Dun na ako lalong nanlumo.
Tapos hindi sinasadyang napalingon pa ko sa name tag ko na nakapakat sa pader ng kwarto ko.
Nakakainis at mas naalala ko pa tuloy sya!
Automatic na nag init na agad ang gilid ng mga mata ko dahil nga sa lungkot na nararamdaman ko.
Parang nawalan ng lakas na napaupo nalang ako sa gilid ng kama ko. Kakasimula ko pa nga lang humanga ay broken hearted na agad ako.
Ganito yata talaga, kahit hindi kayo kailangan mo pa ring mag move on!
Parang pinipitpit ng kung ano yung puso ko dahil umasa talaga kasi ko tapos hindi naman pala magkakatotoo.
Sa sama ng loob ko sa nangyaring kabiguan ko ay napaiyak na talaga ko. Para kong isang artista, una unahan na sa pagtulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Shet na pag hanga yan! nakakasakit lang naman ng kalooban!
Itutuloy.