Chapter 9

2217 Words
On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess                   CHAPTER 9   MAKI POV   Gabing gabi na nung ginising ako ng pagtawag at pagkatatok ni Mama sa pintuan ng kwarto ko.   Sure ako na iche-check nito yung kalagayan ko kung natuluyan na ba yung pagkakasakit ko dahil sa sobrang pananamlay ko kanina.   Wala itong ideya na nababaliw lang ang anak nya sa pag nanais na makita ang isang tao na wala namang pakialam man lang sa kanya.   "Maki, anak? Gising ka pa?", tawag nito ulit sa akin.   Nagkulubong ako ng kumot at wala na talaga akong balak sumagot. Una dahil sayang naman yung pagpapa antok ko kung babangon pa ako, ilang libong tupa din yung nabilang ko.   Plus pa nga yung feeling ko na medyo bural na yung mga mata ko sa kaka iyak ko kanina.   "Anak?", katok ulit ng Mama ko.   Napatingin ako sa alarm clock.   Sa tagal kong nakapikit ay 11:38pm palang pala. Kala ko ay madaling araw na. Ang oa ko talaga.   Biglang may kumirot ulit sa dibdib ko, siguro sa mga oras na to nagre-ready na sila Jin na mag punta sa airport.   Nakakainis! Sa isipin kong yon ay bumaha na naman ang lungkot sa aking dibdib.   Tinatamad na bumangon ako at pinagbuksan ko si Mama ng pinto.   "Ma?"   "Buti at gising ka pa. May naghahanap sayo sa ibaba. Puntahan mo na lang ha.", inform lang nito sa akin at tumalikod na.   May naghahanap daw sa akin? Sa ganitong oras ng gabi? Sino naman kaya?   Huminga muna ko ng malalim at napipilitang sumunod na lang din ako. Sinipat ko muna sandali yung itsura ko tapos ay bumaba na ako.   Nasa kalagitnaan pa lang ako ng pagbaba ko ng hagdan ay may nakita na kong tao na naghihintay nga sa akin sa may sala. Medyo naka pa side sya pero hindi hadlang yon para hindi ko sya makilala.   Si Jin.   Shet! Napahinto ako sa paghakbang ko.   Nabigla kasi ako.   Parang tumigil sandali yung pagtibok ng puso ko at nahigit ko pa yung paghinga ko. Tapos pagkatapos ng ilang segundo ay para namang may nagtatatakbo ng kabayo sa dibdib ko, sa lakas ng kabog at bilis ng pintig nito.   Ano yung ginagawa nya dito? Di ba dapat ay papunta na sya sa airport dahil malapit na yung flight nila?   Obviously ay nananaginip lang siguro ako dahil sa sobrang lungkot ko ay gumagawa nalang ako ng sariling pantasya ko. Kasi imposible naman talagang puntahan pa nya ko ngayon, sino ba ko di ba?   Pero lahat ng agam agam ko ay biglang sinagot nya.   Automatic na napa angat kasi yung paningin nya nung naramdaman nya yung presensya ko.   Lumingon si Jin sa gawi ko, at napatayo pa sya sa kinauupuan nya nung makita nya ko. Tapos hinintay nya yung pagbaba ko.   Shet talaga! Totoo nga kasi eto sya at malapit sa akin.   Nagkaroon pa ako ng pagkakataong pagmasdan sya habang pababa nga ako ng hagdan.   Nakabihis na siguro sya ng pang alis nya. Kasi ang porma ng itsura nya o talagang sobrang gusto ko lang syang makita kaya biglang ang gwapo gwapo nya kahit naka simpleng damt lang sya. He's just wearing a gray sweatshirt na nakalilis ng 3/4 sa braso nya yung manggas at loose pants.   Lumapit ako sa kanya. Pinilit kong itago yung kaligayahang nararamdaman ko pagkakita ko palang sa kanya.   "I'm sorry nagising kita.", sabi nya agad sa akin.   Nung marinig ko pa lang yung boses nya ay parang gusto ko ng maiyak! Ano ba naman ako! Wag naman sana akong magpakalunod sa emosyon ko.   "Bakit nandito ka? Hindi ba dapat paalis na kayo?", dinaan ko sa medyo pagsusungit yung tono ko para pagtakpan ko yung totoong nararamdaman ko.   Umupo din ako sa sofa na medyo paharap sa kanya.   "Yeah, paalis na nga kami pero tumakas lang ako sandali. Sabi ko may nakalimutan lang ako sa condo, pero ang totoo mag papaalam lang talaga ko sayo. I don't care if it's 5 minutes or less. I just wanna see you." parang desperado pang sabi niya na nakatitig pa sa akin.   Ako naman parang na shock sa sinabi nya at hindi ako nakahuma. Biglang mas lumakas pa yung kabog ng dibdib ko.   Ano daw? He just wanna see me? nagbibiro ba sya? o talagang gusto nya kong makita?   "Bakit naman?", naisipan kong itanong.   "Wala lang. bakit masama ba kung gusto kitang makita bago ko umalis?"   Diyos ko Lord! Ang sarap naman sa pakiramdam ng mga naririnig ko! Tumataba ata ang puso ko, speechless tuloy ako.   "Ikaw ba? Hindi mo ba ko gustong makita?", seryosong dagdag pa niya.   "Syempre.. gusto ko.", nahihiyang sagot ko.   Tapos nakita ko na napangiti sya.   "The truth is, mami-miss kasi kita. Kung pwede lang kitang isama, binitbit na talaga kita. Kaso bawal pala yung mga turtle don, no pet allowed kasi.", biro pa nya.   Okay. ang ganda na sana ng start ng dialog nya eh. Ayun na eh, mami-miss na daw nya ko. Tapos biglang may karugtong pang panira.   "Pumunta ka lang yata dito para mam-bwiset eh.", reklamo ko at napa irap pa ko.   Pero hindi ko masyadong maipakita yung pagtataray ko kasi si Jin nakatitig lang sya sa akin.   May humaplos tuloy sa puso ko. Yung lungkot, inis at tampo na nararamdaman ko agad agad ay napawi sa pagpunta palang nya.   "Bakit?", hindi ko naitiis ang hindi magtanong.   Hanggang ngayon, hindi pa rin tumitigil yung dibdib ko sa pag kabog.   "Nothing.", umiling lang sya pero nanatiling naka titig pa din. Yung parang kinakabisado nya yung bawat part ng mukha ko.   Medyo nailang ako kaya lumingon na lang ako sa ibang direksyon. Parang narinig ko na natawa sya ng bahagya kaya ibinalik ko din yung tingin ko sa mukha nya.   "Thank you nga pala dito.", nakangiting sabi nya tapos ay inangat nya yung paper bag na may laman nga na scarf.   Nagulat ako kasi pano napunta yon sa kanya?   Ay tanga!   Hindi ko pala yon naisamang iakyat kanina sa kwarto kasi nawala na sa isip ko dahil nga tinabunan ko pa yon ng throw pillow.   Parang sinasadya naman na dun pa na upo si Jin kung san nga ito naka pwesto. Siguro ay nakita nya yon nung mai angat nya yung throw pillow.   "Ah! Hindi naman sayo yan.", pilit kong pinagtakpan yung pagkapahiya ko. Pakiramdam ko kasi namula yung mukha ko.   "May pangalan ko kasi, ibibigay mo ba talaga sa akin to?", panghuhuli pa nya.   Hala! tinignan naman na pala nya.   Nakakainis! huli na ko kaya there's no need na magpabebe pa. Di ba eto naman talaga yung gusto ko mangyari kanina pa.   "Akin na nga yan.", kinuha ko yung paper bag sa kanya, inilabas ko yung scarf na nasa loob tapos tumayo ako at lumapit sa kanya nag lean forward ako at ako na mismo yung naglagay non sa leeg nya.   "Yan.. Bagay pala eh. Ingatan mo yan ha.", nakangiting sabi ko.   Nagulat ako kasi bigla nyang hinuli yung kamay ko. Basta hawak hawak lang nya yon habang nakatingin sya sa akin ng seryoso.   Lalong bumilis yung t***k ng puso ko.   Walang salitang namagitan sa amin, basta yung mga mata na namin yung nag usap. Yung oras na to ay parang nakaramdam ako ng kakaibang damdamin sa pagitan naming dalawa...   Nakakaloka! ano ba to? seryoso na?   Kinikilig ako!   Tapos biglang tumunog yung cellphone nya.   Ang panira!   "Hinahanap ka na yata nila.", nahihiyang binawi ko yung kamay ko.   Sya naman, parang napa buntong hininga sya.   "Yeah, I think I should go."   I should go daw, pero parang ayaw naman na nyang tumayo.   "Sige, ihahatid na kita sa labas.", sabi ko naman.   Edi ayon nga, naglakad kami papunta sa may gate. Yung sasakyan nya naka park sa kabilang side nung kalsada.   "Anyway, wait. I gonna get something.", parang bigla ay may naalala sya.   Tapos tumawid sya sa kabilang kalsada, binuksan nyang sasakyan nya sa gawing likuran tapos may kinuha sya. Malaking bagay eh.   "Here. Take this." sabi ni Jin sabay abot sa akin nung hawak nyang stuffed toy na tatlong ruler yata ang haba , medyo nahihiya pa sya.   Naka cover kasi yon sa likod nya kanina kaya hindi ko napansin kung ano yung itsura nung dala dala nya. Basta malaki!   "Ano to? hindi naman akin to.", sabi ko habang sinisipat sipat ko yung inabot nya. Ang intindi ko kasi, pinapatignan nya sa akin kung pag aari ko ba yon.   "Ofcourse hindi sayo yan. Pero ngayon sayo na. Turtle yan, ang cute no? Kamukha mo kaya binili ko.", nakangiti at natatawang sabi pa nya na sya na mismo yung nagtanggal sa pagkaka sealed at inabot ulit sa akin.   "Ang cute nga!", natutuwang sabi ko habang sinisipat ko yung itsura ng pagong. I don't mind kung kamukha ko ba to o hindi. Basta bigay sya ni Jin.   "Thank you ha.", nakangiting sabi ko habang niyakap yakap ko ulit yung stuffed toy na bigay nya.   Ang sweet mo naman!, gusto ko sanang sabihin kaso baka mahiya ito bigla at bawiin ulit. May topak pa naman sya!   Tapos sya nakatingin naman sa akin na parang siyang siya din sya sa idea na nagustuhan ko yung bigay nya.   "Hey Maki!", sabi nya sa akin maya maya habang seryoso na syang nakatingin sa akin.   Biglang parang kumabog na naman yung dibdib ko sa paraan ng pagtitig nya.   "Bakit?", naghintay naman ako sa mga sasabihin nya sa akin.   "Well, I, uhm.. I ***@.@*****...", sabi niya.   Ha? ano daw? Kahit nakita kong bumuka buka yung labi nya ay wala talaga akong narinig kasi kinain ng ingay yung boses nya. Bakit kung kailan importante yata yung sinasabi nya? Napaka wrong timing naman!   Bakit ba kasi bigla nalang may sasakyang bumusina ng pagkahaba haba buhat sa kalsada, san naman kaya galing yon at bakit talagang dapat ay natapat pa?   Baka hindi lang ako yung na windang don! kundi buong subdivision pa. Haler! eh gabing gabi na kaya. Epic failed!   "Ah, ano yung sabi mo? hindi ko kasi naintindihan.", tanong ko sa kanya sa himig na gusto kong ipa-ulit sana.   Napakamot sya sa batok nya. Medyo tingin ko sa kanya, pumula yung mukha nya. Ang cute nya, nag ba-blush ba sya?   "Ano na yung sabi mo kanina?", tanong ko ulit. Nagbabaka-sakali lang ako na ulitin pa nya.   "Wala. Sabi ko thank you sa scarf. Isusuot ko to lagi."   "Ah. okay."   Yun lang pala yon? Medyo disappointed ako.   "So, pano? I have to go. Anyway, i'll keep in touch with you. don't worry."   "Totoo ba yan?"   "Yeah.", nakangiting sabi nya.   Lalo tuloy na ang gwapo nya.   "O ikaw turtle, bantayan mo yang amo mo, suicidal pa naman yan tsaka maraming ka praningan. Mamaya nyan, maisipan pa nyan makipag tanan!", parang tangang baling pa nya sa stuffed toy. Bahagya pa nga syang yumukod kasi yung pagong yakap yakap ko ng patihaya sa katawan ko.   "Hoy! anong tanan yang sinasabi mo!?", natatawang tanong ko.   "Wala. I mean, wag kang basta basta nakikipag lapit sa mga boys. Hindi maganda yon tignan, babae ka pa naman. And please, don't miss me too much, okay?", yung tingin nya yung parang he's flirting with me pero nagjo-joke lang naman sya.   Hindi ako nakakibo kasi, parang nabasa niya sa mga mata ko na mami-miss ko nga sya. Para na din nyang sinasabi sa titig nya na : don't miss me while I'm gone or don't kill your self with not being with me.   "Take care turtle.", sabi lang nya na nakangiti, after nya kong tignan ng tignan tapos ginulo pa nya yung bangs ko at tatawa tawang tumalikod pabalik sa sasakyan.   "Ay! Ang grabe mo ha! Boys ka diyan, parang ang lalakero ko naman.", natatawang inayos ko yung buhok ko na ginulo niya.   Nakita kong itinaas pa nya yung isang kamay nya na parang nag goodbye na nga sya.   Biglang bumigat yung pakiramdam ko sa dibdib ko.   Habang pinapanuod ko yung paglakad nya palayo ay parang gustong gusto ko syang pigilan. Tapos gusto kong sabihin na, gusto ko ulit syang makita bukas at sa araw araw.   Asar! Nag init yung gilid ng mga mata ko. Ngayon pa lang ay parang nami-miss ko na agad sya.   "Jin!", tawag ko sa kanya.   Tapos humarap naman sya at hinintay nya yung sasabihin ko.   "Galingan mo sa mga performance mo ha! Wag kang magsu-sunget don, at wag kang suplado! Kasi syempre, matagal kang hinintay ng mga fans mo, para sulit yung paghihintay nila sayo!." sigaw na bilin ko pa sa maluha luha kong mata.   Sa wakas nasabi ko din.   Napangiti sya at tumango tango.   "O sige na! Bye bye! Ingat ka!", nakangiting kaway ko habang hinawakan ko pa yung kamay nung stuffed toy para kunyari ay dalawa kaming kumakaway.   "Yeah. So pumasok ka na sa bahay nyo, ano pang hinihintay mo? Pasko?", taboy pa nito sa akin.   Sumunod naman ako, nung mai-lock ko na yung gate tsaka ko lang narinig na umandar yung sasakyan niya at bumusina.   "Iniwan ka pa sa akin nung bugok na yon, para masiguro nya na sya lang ang iisipin ko twing makikita kita? Ang sama na nga nya! Ang unfair pa nya!", kausap ko sa stuffed toy na taban taban ko. Inalog alog ko pa yon na para ko na ding pinapagalitan pero niyakap yakap ko ulit.   Tapos pinahid ko yung luha ko sa mukha ko. Ang arte ko at naiyak pa ko. Nakakainis! Ang lungkot lungkot naman kasi ng pakiramdam ko sa pag alis nya. Sure na mami miss ko talaga sya.   Itutuloy.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD