Chapter 10

1862 Words
On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess                   CHAPTER 10   MAKI POV   "Ano babes? Napanood mo ba? Fancam lang yung kuha pero maganda.", pangungulit sa akin ni Bambi sa text.                               Sabi kasi niya ay panuorin ko daw yung video clip na in-upload ng isang fan na kuha ni Jin sa Korea.   Syempre ako naman kunyari hindi excited, pero deep inside ay gustong gusto ko na nga ring panuorin. Galing kasi ako ng CBE, kaya kakadating ko lang din sa bahay. Diretso nga ako sa kwarto ko, kinuha ko agad ang laptop at binuksan ko.   Hindi na muna ako nagpalit ng damit, ang ginawa ko ay kinuha ko si Mr. Gong Pagong. Yung stuffed toy na bigay ni Jin at niyakap yakap ko sya.   "Na miss kita! na miss mo ba ko? Lika at panuorin natin yung amo mo! Ay no! Ako na nga pala yung amo mo ngayon kaya sa akin ka lang susunod, okay?", parang tangang kausap ko dun sa laruan. Naging libangan ko na kasi na kausapin talaga sya, bago ko umalis at pagdating na pagdating ko ng bahay.   Hinahalikan ko pa nga sya kaya minsan nalalagyan ko pa sya ng lipstick sa katawan.   Sige lang Maki, kausapin mo pa yan! Sige ka! pag yan sumagot baka himatayin ka sa takot! Warning sa akin ng isang side ng utak ko.   Grabe! talagang kailangan manakot?   Edi ayon nga, pinanuod ko yung video. Hindi lang isang beses pero madaming beses!   Wow! Dun sa video, madami pala talagang nanunuod sa kanila, talagang dinayo pa sila.   Seryoso akong nanuod ng video, halos hindi ko na nga tinatanggal yung mata ko sa screen. Ang gwapo lalo nya sa stage.   Gosh! I missed him! Two days palang syang wala ay parang kay tagal na.   "Diyos ko Lord! Sumalangit nawa ang kaluluwa kong patay na patay sa kanya!", kinikilig na dalangin ko pa.   Nung nawala sa paningin ko si Jin ay mas na-realized ko yung tunay na nararamdaman ko para sa kanya. Hindi na bali kung isa lang ako sa taga hanga nya, basta ang alam ko ay gustong gusto ko na talaga sya.   Nakaka inis nga!, dati rati kasama nya ko sa mga performance nya kahit sa backstage lang ako, ngayon isa na lang din ako sa nanonod sa kanya sa site na to.   Nasa moment ako na feel na feel ko ang panunuod ng bigla namang may nag pop up sa messenger ko.   Si Tito Tim yon, actually ka chat ko sya last day pa. Good na kaming dalawa kasi naka hingi na ko ng pasensya sa kanya. Regarding dun sa chakang ugali na pinakita ko dati sa kanila. Tsaka payag na din ako na ligawan nya si Mama, tutal naman parang nai-intindihan ko na sila. Mahirap naman humadlang sa dalawang taong may pagtitinginan di ba?   Si Tito Tim nasa Cebu pa din pero sabi nya malapit na rin syang bumisita. Kaya ang sabi ko sa kanya pagbalik nya ay tutulungan namin syang magkakaibigan sa pagporma nga nya kay Mama.   "Ano yang ginagawa ng dalaga ko ha!", pang guguglat ni Mama sa akin na sumilip silip pa sa screen ng laptop ko.   "Ma naman eh! Bigla bigla ka na lang sumusulpot.", gulat na sabi ko dito na agad kong pinindot yung laptop para ma-minimized yung chat screen namin ni Tito Tim. Baka kasi hindi pa naisasakatuparan yung plano namin ay buking na agad kami.   "May kailangan ka ba Ma?", deadma na sabi ko sa kanya tapos ay pina ikot ko pa ang swivel chair ko paharap sa kanya. Papatalikod sa laptop ko para mawala yung pansin nya don.   "Ano yung kailangan ko? Madam, kakain na po kasi tayo. Dati rati pagdating mo galing ng training mo at pag nandito ako, ako agad ang hinahanap mo. Pero ngayon, diretso ka na agad dito sa kwarto mo at laptop agad ang kaharap mo. Parang may tinatago yata sa akin ang anak ko ah, ano ba yang pinagkaka abalahan mo? at sino yung ka chat mo? Si Vincent o si Jin?", may pagdududa syang tumingin pero ngiting ngiti. Naupo sya sa gilid ng kama ko.   "Ma, wag mo na kong kantiyawan, kasi si Vincent, hindi na sya ganong nag cha-chat, call and text na lang. Tapos si Jin, wag mo ng idinadamay kasi deadma lang sya, kaya walang wala talaga.", depensa ko pa.   "So, si Jin? walang wala?"   "Walang wala po talaga."   "Okay, sabi mo eh. Pero infairness nak ha. Ang gwapo nya diyan sa wallpaper ng laptop mo.", natatawang sabi pa nito at nginuso nguso pa yung laptop ko.   Ay shet! Agad kong itiniklop yung screen ng laptop ko, halos masira ko na nga ata. Nahuli nya pa tuloy ako! nakakahiya!   "Ma naman eh! Sinubukan ko lang naman kung okay yung picture, kung HD ba talaga pag ginamit na wallpaper!", alibi ko pa.   Parang nabinat yung mukha ko tsaka nag init pa.   "Okay,okay! wala na kong sinabi. O magbihis ka na muna, tapos bumaba ka na at ng makakain na.", nang aano pa ring sabi nya. Tapos tumayo na ulit sya.   "Yung stuffed toy na bigay nya na yan, aba'y kawawang kawawa sayo yan ha! tignan mo at bugbog na sa kaka-yakap mo.", naa-aliw na hirit pa ulit nito bago tuluyang lumabas sa pintuan.   "Mama talaga! ang bully!", sigaw ko na natatawa din ako.   So after nga ng kulitan namin, nagbihis na ko ng pang bahay at nanaog na. Kumain kami at nagkwentuhan. Na miss ko talaga yung ganito kaming mag ina, masaya at laging may time sa isat isa.   "Ma, gusto mo ng horror?", sigaw kong tanong habang namimili ako sa mga files ng movie sa tv.   "Okay lang, basta wag kang matatakot mamaya ha.", ganting sigaw pa nito.   Nasa sala kasi ako tapos sya nasa ironing. Masipag din kasi Mama ko sa gawaing bahay, ako lang talaga yung tamad hoho.   Lalo ngayon at wala si aling Myra na nagse-serbisyo sa aming mag ina. Umuwi daw ito sa probinsya nila dahil nagkaron ng konting problema.   "Ma, ako na yung magsasalang ng popcorn!"   "Sige, tama lang at ilalagay ko muna sa kwarto mo tong mga damit mo.", sagot naman nito na nakita kong paakyat na sa hagdan dala dala yung mga bagong tiklop na mga damit.   Edi ayon nga, nagsalang ako ng popcorn sa microwave. Pakanta kanta pa ko kasi syempre happy, bonding moments namin ni Mama. Kahit madalas nya kong biruin ngayon about sa mga boys ay hindi ko na lang ini-inda. Kasi alam ko naman na ang point lang nya ay yung, pinapa alalahanan lang nya kong talaga.   Madaming minuto na ang nakalilipas ay hindi pa din bumabalik si Mama, nagtaka na talaga ako. Kaya ang ginawa ko, sinundan ko na lang din sya sa kwarto ko.   "Ma!, bakit ang tagal mo naman, hindi na masarap yung popcorn ma.."   "maya..", halos hindi ko na naituloy yung mga sasabihin ko kasi na abutan ko sya na nakaupo sa gilid ng kama ko at may binabasa.   Biglang kumabog na naman yung dibdib ko, kasi yung hawak lang naman nya ay yung papeles na padala sa akin ni Senadora. Yung may pirma ko, na pinagkatago tago ko pa sa ilalim ng kama ko.   "Kaya ba apura ang tawag dito ni Julius, at gustong gusto ka daw makausap ng Papa mo? May mga sinisikreto pala kayo.", sabi agad ni Mama sa nagpapakahinahon nyang tinig pero bakas sa boses nya ang pagdaramdam.   Ako naman, parang ipinako na ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang sasabihin at hindi ko alam ang tamang gawin.   "Ano na naman to Maki? Akala ko ba nagkaintindihan na tayo na wala ng lihiman pa? So ano nga to? Matagal na ba to? Wala kang balak na ipa-alam sa akin to ha?", galit ng sabi nya habang winawasiwas pa nya yung dokumento.   "Ma, sasabihin ko naman, kaya lang kasi.. ano eh.", alanganing sabi ko. Ni hindi ako makatingin sa kanya.   Yari! problema na naman to!   "Kasi nga ay ano? iniisip mo na wala naman akong maitu-tulong sayo kahit pa sabihan mo ko?"   "Hindi sa ganon Ma! hindi ko kahit kailan inisip na hindi ka makakatulong!".   "Kung ganon ay ano nga? Matagal na ba to sayo? Matagal ka ng iniipit ng Abby na yon? At anong sabi ng Papa mo? hinayaan lang nya na ganito? Diyos ko Maki! hindi ka na elementary! Hindi ka na bata para hayaan mo lang na paikot ikutin ka ng kahit sino! lalo na yung babaeng yon!", galit na talaga sya. Kasi a-alon alon ang dibdib nya sa sunod sunod na paghinga.   "Ma, tama na po! Okay na sa akin yan. Tanggap ko naman na eh. Please, kumalma ka na. Hayaan nalang natin sila sa kung anong gusto nila. Ang importante lang naman sa akin yung tayong dalawa! Yung tahimik tayo tsaka masaya.", lumapit ako sa kanya at inamo amo ko sya para nga kumalma na sya.   "Ano yung tanggap na sinasabi mo? Anong kumalma? Hindi ba lagi kong sinasabi sayo na wag mong bibitiwan ang Papa mo. Pamilya mo sya! Hindi mo na ba yon natatandaan?", tumingin sya sa akin na may hinanakit sa mga mata nya.   "Hindi ko na mapapalagpas yung kasamaan ng babaeng yon! Matagal na kong nagtitimpi!", tinanggal nya bigla yung pagkakayakap ko sa kanya na ikinagulat ko. Tapos ay nagmamadali na syang lumabas na ng kwarto ko. Nasa mukha nya yung galit.   Napatanga naman ako. Alam kong mangyayari yung araw na to, pero hindi ko ine-expect na ngayon na mismo.   "Diyos ko! eto na naman po kami.", napapikit ako sa sobrang depresyon ko sa pangyayari.   Nakarinig ako ng parang may patakbong bumababa sa hagdan, syempre napalabas ako ng kwarto.   Natanawan ko nga si Mama, parang nagsuot lang ito ng trench coat at kinuha ang kanyang bag at nag nagmamadali ng lumabas ng bahay.   Mabilis akong napasunod dito, paglabas ko ng bahay ay naabutan ko na itong binubuksan yung gate at naka umang na sa labasan yung kanyang sasakyan.   "Ma!"   "Ma! san ka pupunta ma?", rush na sigaw ko habang tinatapik tapik ko yung window car ng sasakyan nito.   Pero hindi lang nya ko pinansin, bagkus ay nagdire-diretso sya sa pag alis.   "Ma!!!!", hihingal hingal ako dahil bahagya pa kong napa habol sa sasakyan nito na tuluyan na ngang naka alis ng pa barurot.   Nakaramdam ako ng takot at pag aalala, lalo at naisip ko yung galit ni Mama. Bigla akong kinutuban!   Naisip ko na baka pumunta sya sa La Crixia, sa mansion nila Senadora!   May bumundol na kaba sa dibdib ko ng maisip ko talaga yon. Kaya nagmamadali ang kilos ko na pumasok ako sa bahay at sinecure ko lahat ng pintuan bago ko tuluyang sundan si Mama.   Hindi na ko nagbihis pa, kinuha ko lang yung susi ng kotse ko at umalis na din ako.   "Diyos ko, wag naman po sana...", bulong ko habang hinahawakan ko yung nakalawit na rosario sa rear view mirror ng sasakyan ko.   Pinasibad ko yung pagpapatakbo ko! Nag aalala kasi ako sa pwedeng mangyari ngayong gabi.   "Sana mas pinagbutihan ko yung pagtatago sa papeles para hindi nya yon agad nakita. Sana sa ibang lugar na lang pumunta si Mama, sana hindi kila Papa. Sana hindi magkagulo.. Sana walang iskandalo.. sana.. sana..", kausap ko sa sarili ko habang tinatalunton ko yung kahabaan ng highway.   Itutuloy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD