On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 11 MAKI POV Kumabog kabog ang dibdib ko at nanlaki yung mga mata ko pagkakita ko pa lang sa sasakyan ni Mama na naka park nga sa harapan ng mansion ng mga Calderon. "Diyos ko! sumugod nga sa kanila ang mama ko!", paulit ulit na umugong yan sa tenga ko. Mabilis ang kilos na inihimpil ko din ang kotse ko sa likod ng pajero nito at nagmamadali akong bumaba ng sasakyan. "Misis, bawal po ang ginagawa nyong ito.", bawal ng gwardya sa mama ko. Pero si Mama ayaw magpapigil, sumisigaw talaga sya dun sa gawing doorbell, mukhang naka open kasi yung monitor sa loob. "Lumabas ka dito Abby at harapin mo ko!", narinig ko pang sigaw nya sa malakas na tinig. "Ma! Ano ba tong ginagawa mo? Tama na po, u

