On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 12 Nagsimulang bumagsak ang patak ng ulan sa wind shield ng sasakyan. Na para bang pati ang kalangitan ay nakikisimpatiya sa sakit at sa lungkot na nararamdaman ko ngayon. Yung parang pati sila ay lumuluha para sa akin. Itabi ko sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko, hilam na hilam na din kasi sa luha ang mga mata ko kaya malabo na ang paningin ko sa kalsadang tinatahak ko. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga kamay ko sa pagmamaneho ko. Basta ang ginusto ko ay makalayo lang agad sa lugar na pinanggalingan ko. Pinahid ko ang mga luha na walang patid ang pagtulo buhat sa mga mata ko. Wala na yatang magiging katapusan ang pag luha kong ito, tulad ng lungkot at sakit na nararamdaman ko. Hindi pa d

