On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 45 MAKI- POV "Bakit ba umiiyak ka? Mukha ka tuloy tanga. Itigil mo nga yang kadramahan mo Maki babes!", sumisinghot singhot na saway sa akin ni Bambi after ng mahaba habang titigan lang namin. "Pano nga kayo! Kala ko talaga titiisin nyo na ko tapos ay ayaw nyo na sa akin. Sorry na talaga, kasi hindi ko naman talaga sinasadya yon eh. Bigla bigla nalang nangyari.", parang batang iyak ko pa na kinusot kusot ko pa yung mata ko. "Ang oa mo talaga!, dapat pala naging oa din akong ganyan para nagustuhan din ako ni Jin.", natatawang sabi na ni Cham na nagpupunas din ng luha nya. "Tama na kasi ang drama! Pati ako naiiyak na sa inyo eh. Pwede group hug nalang?", nakangiting suggestion ni Marga na unang yum

