On-The-Love Training Book 2 midnyt_princess CHAPTER 44 MAKI- POV Kinabukasan, maaga palang ay nagpunta na ko sa CBE para kuhanin ang mga gamit ko na naiwan nung nakaraang gabi tapos ay pumasok nga ako ng school. Ang una kong ginawa pagkakuha na pagkakuha ko palang ng bag ko ay tinignan ko agad ang cellphone ko. At shocks talaga! Dahil may mga messages nga at missed calls ni Vincent, nakaramdam talaga ako ng pagkahiya sa kanya. Imagine ay ako pa naman ang nag imbita sa kanya, and to think na, sa kabila ng busy schedules nya ay talagang isiningit nya na makasama ako pero anong ginawa ko? Pinaghintay ko lang sya at ako pa yung hindi talaga nakapunta. Ewan ko ba naman kasi at pagdating sa pag iisip ko kay Jin ay nakakalimutan ko na kasi yung ibang bag

