Kabanata 1
Minadali siya ni Klent na magbihis dahil nga ay dadalo sila sa isang piging ng kaibigan nila ng lalaki. Pinagmasdan niya ang damit na isusuot niya sana ngayong gabi. Sleeveless lamang ito, kulay puti ay may mahabang slit na halos abot sa baiwang.
Sinukat na ito ni Sarah ilang linggo ang lumipas. Pero lungkot ang dumungaw sa kaniyang mga mata nang makita niya sa salamin ang pasa sa kaniyang braso at sa kaniyang leeg.
"Sarah, ano pa ba ang pinagmamasdan mo sa salamin?! Your face is already good! Bilisan mo na at kailangan nating umabot doon bago mag-umpisa ang party. Alam mo naman na hindi ako dumadalo sa mga party nang huling dumarating!"
"S-Sige, Klent. Sandali lang ito."
Nakita ng lalaki kung paano hinaplos ng kaniyang tingin ang bawat detalye ng damit na dahilan ng lungkot niya ngayon.
"Sarah! Don't tell me that you still want to wear that gown! I bought you a new one already! Huwag mong suutin ito!"
"K-Klent, huwag mo namang gawin iyan," awat niya sa asawa niyang kinuha ang damit at pinunit ito. "Klent, p-please... I can still wear that next time."
"Damn you, Woman! Wala ka na ngang silbi bilang babae, nagiging dahilan ka pa kung bakit ako nahuhuli sa pupuntahan ko!" Her husband sighed. "Alam mo ba, kung hindi ka lang inimbita ni Joseph at Talia ay hindi kita isasama? And please, stop fantasising about wearing that revealing dress! Hindi ka puwedeng magsuot niyan, okay?!"
"K-Klent," daing niya nang hinila ng asawa niya ang kaniyang braso.
"Nakikita mo ba ang mga pasang ito?! Kapag nakita iyan ng mga taong dadalo sa party ay masisira ang imahe ko! Hindi puwedeng mangyari iyon dahil alam mo naman ang adbokasiya na dala ko, hindi ba?!"
"Happy Wife: Happy Life," wika ni Sarah ngunit ay sa utak lamang niya ito.
She swallowed, feeling so little as the man squeezed her arm where there were old bruises and new ones too.
Nakakatawang isipin na iyon ang adbokasiya na sinusulong ni Klent, samantala ang katotohanan ay hindi naman iyon sinasabuhay ng lalaki. She never tasted happiness since she entered his mansion. Puro pasakit ng damdamin at pisikal na pang-aabuso ang natanggap niya mula sa lalaki.
"Ano ang gusto mong mangyari, Sarah?! Ang mapahiya ako at tatalikuran ako ng publiko?! I can't afford to have dirt in my name, Woman! So please, don't embarrass me or else—" Tumigil ang lalaki. Hinagis siya nito sa kama. "I'll wait for you outside, Sarah. Kapag nag-tagal ka pa rito ay kakaladkarin kita pababa nang sa ganoon ay matauhan ka sa kakuparan mo! Nakuha mo ba?!"
"O-Oo, Klent. M-Magbibihis na ako," nanginginig na boses niyang sabi.
The bang made out of the shut door caused her heart to skip its beat. Upang hindi na siya pagalitan pa ni Klent ay nagbihis siya.
Pinagmasdan niya ang sarili niya matapos isuot ang damit na kulay itim na mahaba ang mga manggas at turtle neck pa ang disenyo ng leeg nito. She didn't like the dress, but as if she had a choice. Bumuga na lang siya ng hininga at inayos ang buhok niya.
She forced a smile before she left their room.
Kulang na lang ay tumakbo siya patungo kung saan naroon ang sasakyan nang makalabas siya sa mansiyon. Bumukas ang pintuan at pumasok siya. Masamang titig ang binato ng asawa niya sa kaniya.
"Kung hindi pa kita nakita agad pagkatapos ng isang minuto ay pinasabugan ko na ang mansiyon," anang Klent. "Manong, diretso tayo sa kina Joseph. Masyado nang late."
"Sige, Sir."
She pressed her lips to each other, thinking about what he said. Hindi pa naman sila late. Higit isang oras lang din ang biyahe mula sa mansiyon hanggang kina Joseph. Kahit na isang oras pa bago siya bumaba ay hindi pa rin sila mahuhuli.
Naging tahimik ang kanilang biyahe hanggang sa makarating sila sa mansion nina Talia at Joseph Salvera. Isa sa mga business partner ng asawa niya si Jospeh at matalik nitong kaibigan. Dahil din sa koneksiyon ni Joseph at Klent ay naging kaibigan niya si Talia.
The guard welcomed them, smiling. The man even adored Klent's gentleness. Nakita kasi nito kung paano siya akayin ng asawa niya palabas ng kanilang sasakyan.
Pinahawak siya ng lalaki sa braso nito habang naglalakad sila papasok sa living room ng mansion kung saan gaganapin ang party.
"Tingnan mo, Sarah. Dahil sa iyo ay mas nauna pang dumating ang ibang tao kaysa sa akin na matalik na kaibigan ni Joseph."
She smiled sadly in secret. Alam niya sa sarili niya na minamanipula siya ng lalaki upang makaramdam siya ng guilt kahit wala siyang kasalanan. And her husband was successful in doing so.
"Look there! The most gentleman on Earth had arrived at the venue!"
Lumapit si Joseph at si Talia sa kanila at agad nilang binati ang isa't isa.
"You look weak, Sarah. Tiyak ako na hindi ka naman pinagpahinga ni Klent. Parang si Joseph lang!" pang-aasar ni Talia sa kaniya. "But still, you're gorgeous as ever!"
"Talia, my wife is so beautiful. I can't resist her charm," wika naman ni Klent.
"Kasinungalingan, Klent," wika ng isipan niya.
Gusto niyang sabihin kay Talia ang dahilan kung bakit mahina siya. Gusto niya ring aminin sa kaibigan na hindi siya pinagpahinga ni Klent, pero hindi ito sa paraan na iniisip ni Talia. Bagkus, sa paraan na halos hindi niya kayanan pang umahon mula sa pagkakalugmok.
Sampal, sipa, suntok, at pambabastos gamit ang masasakit na salita ang dahilan kung bakit pagod na pagod siya. At ang nakakalungkot ay wala siyang karapatan na magpahinga at wala siyang takas mula kay Klent. She thinks of herself as the man's prisoner rather than being his wife.
"Talia, ikaw na ang bahala kay Sarah. Dadalhin ko lang at ipapakilala sa mga pinsan ko itong guwapo at gentleman kong kaibigan."
"Oh sure, Joseph."
Lumakad sila ni Talia patungo sa nagkukumpulang kababaihan na naghihintay sa kanila, magkahawak ang kanilang mga kamay. Para na kasing magkapatid ang dalawa. Sa unang araw pa lang na nagkasama sila ay naging magkasundo na sila.
"The ever beautiful and ever lucky woman is here!" bati sa kaniya ni Doña Elina.
Sumunod namang kumaway sa kaniya ang ibang babae na ngayon ay nasa harapan na nila ni Talia.
"Good evening sa inyong lahat."
"Sarah, I hope my husband is like yours."
"W-Why?"
"Sarah, magtatanong ka pa ba? Look at your husband," wika ni Nilda sa kaniya. "He's handsome, he's lean, healthy, and everything a woman could ask for. Look at his perfect set of teeth when he smiles," puno ng pagnanasa na wika ng babae habang nakatingin ito kay Klent.
"Ikaw talaga, Nilda! Your husband is kind, right?" tanong ni Talia.
"Yes! But Klent Morgan is a different story! He's the standard!"
"We agree!" sabay pang wika ng mga kasama nila.
Kung alam lang ng mga babaeng ito kung paano siya tratuhin ni Klent at kung ano ang totoong ugali ng asawa niya ay tiyak hindi nila ito pagnanasaan. Kung ang nakikita nila ay ang perpeksiyon ng lalaki base sa panlabas na anyo nito ay iba naman ang napagmamasdan niya.
Isang malaking trahedya sa buhay niya kung tingnan niya si Klent. She couldn't even see the perfection they all cried about. Klent was her total nightmare and not a dream.
"By the way, you're married to him within five years, right?"
Lumingon sila kay Rebecca—Ang babaeng kating-kati kapag nakikita nito ang asawa niya. Ayon sa kuwento ni Talia sa kaniya ay gusto ni Rebecca Reyes na siya ang pakasalan ni Klent. That's why the woman was still hoping to have Klent.
"Rebecca?"
"Hindi ba ay masyado nang matagal na panahon ang limang taon para mabigyan mo siya ng tagapag-mana? I heard, wala pa rin kayong anak ni Klent, Sarah. I think you've got the problem."
"Rebecca, stop making a scene. The night just started. Hindi pa nga nagsisimula ang party para sa announcement ni Talia at Joseph."
"Nilda, I'm just stating the fact. Kawawa ka kapag nagsawa sa iyo si Klent. Baka mamaya ay hahanapin niya sa iba ang pagkukulang mo sa kaniya. Magpa-albularyo ka kaya? Baka nasa-demonyo ang matres mo."
She swallowed, trying to be calm.
"Talia, tell us something about what's going on here," pag-iiba ni Doña Elina ng pinag-usapan nila. Tinalikuran nila si Rebecca at pilit na inaangat ng mga ito ang mood ni Sarah.
Tango na lamang at ngiti ang naging tugon ni Sarah sa mga kaibigan niya sa tuwing kinakausap siya ng mga ito. Malaki ang epekto ng sinabi ni Rebecca sa kaniya. Nasaktan siya. Sa tunay na sabi ay nais niyang umuwi na lang at humagulhol ng iyak sa kanilang silid.
Nagsimula ang piging. Mayamaya pa ay tumuntong sa maliit na etablado ang mag-asawa na sina Talia at Joseph.
"Good evening, everyone. Maraming salamat sa pagtanggap niyo ng aming imbitasyon," panimula ni Joseph.
"Well, we invited you to celebrate with us tonight because...."
"We are having a child!" sabay na wika ng mag-asawa
Naghiyawan ang mga tao nang marinig ang magandang anunsyo ng mag-asawa.
Nakaramdam ng hiya si Sarah, lalo na nang tumingin sa kaniyang gawi ang mga tao. Umatras siya at hinayaan niyang lamunin siya ng distansiya.
Kahit na nasa madilim na bahagi na siya ay nakita niya kung paano lumusot sa kaniyang kaluluwa ang matalim na titig ni Klent.
Tinantiya niya na hindi makita ng mga tao ang pagluha niya at doon niya hinayaang pumatak ang kaniyang mga luha.
Masaya siya para kay Talia. Alam ng Diyos iyon, at nakikita ng nasa Taas ang ligaya niya para sa kaibigan. Subalit ay nalulungkot siya at nakaramdam ng inggit.
"Buntis na si Talia...sana a-ako naman."
Humawak siya sa kaniyang pisngi at agad na inalis ang bahid ng luha niya.