Elisse can see herself on the mirror. The reflection was looking at her. Alam niyang hindi siya nakangiti pero...bakit nakangisi ang reflection na iyon sa kanya? She touched the mirror at ganoon na lang ang gulat niya nang hilahin siya nito papunta sa loob ng salamin. "Teka, ano 'to?" Sinubukan niyang kalampagin ang salamin pero nagmistulan itong hawla dahil ni hindi man lang niya ito mabasag. Tiningnan niya ang kamukha na nagpasok sa kanya sa loob. The woman crossed her arms and licked her lower lip devilishly. "S-sino ka?" Tanong niya rito. The reflection really looked like her pero parang ibang tao ito. "Ako? Ako ay ikaw...iisa tayo." Unti-unti siyang naalimpungatan nang maramdamang may gumalaw sa kanyang tabi. Nagmulat siya at napangiti dahil si Adrienne ang una niyang nakita. N

