"Hinahanap ka ni Diamond." Kalmadong sabi ni Sam kay Asha. She sighed and held her chest. Madalang lang ang pagtibok ng puso niya ngunit ramdam niya ang takot at kabang nanunuot sa sistema. Hindi pa rin ba siya nasasanay? Nilingon niya ito at nginitian. "Pupuntahan ko siya mamaya." "She loves you." Napabuntong hininga siya. Alam niya 'yon. Kaya nga natatakot siya. Takot siya dahil...hindi dapat. Mali. Sa ginawa ni Diamond noon, hindi siya dapat nito mahalin. "Galit ka pa rin ba?" Ang sumunod na tanong ng kausap. Galit nga ba? Oo. Nagalit siya, pero matagal nang panahon 'yon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na sila ang mas matanda sa mga kasama. Bago pa ipanganak amg mga ito ay nabubuhay na siya, sila ni Diamond. She's mad because Diamond played with death. Tanggap na niya an

