NAALARMA si Edina nang ibang daan na ang tinatahak nila.
"U-uy teka. Saan tayo pupunta?"
Bigla siyang kinabahan. Hindi pa niya gaanong kilala ang lalaking ito. Kaya hindi pa niya alam ang kaya—at hanggang saan ang gagawin nito.
Paano kung may balak nga talaga itong masama sa kanya at ngayon na niya isasakatuparan? Napailing siyang sumandali at tiningnan ito.
"I told you, I want to spend time with you. 'wag muna tayong umuwi. Gusto ko pang makasama ka."
Namula ang mukha niya sa sinabi nito. Kung seseryosohin niya ang mga narinig, baka nagdiwang muli ang malalandi niyang organs.
"Chase, bakit ako? Bakit ako pa? Tingnan mo, hindi ako maganda. Hindi maputi, walang kurba at isa pa flat chested.” Napayuko siya sa huling salitang sinabi.
Nakakahiyang aminin pero iyon naman talaga ang totoo. Wala siyang maipagmamalaki dito. At wala siyang makitang magandang katangian sa sarili niya.
Tumingin ito sa kanya at iniangat ang baba niya, "Wala akong pakialam kung iyan ang tingin mo sa sarili mo. Paano kung hindi naman iyan ang nakikita ko sa’yo, Edina? Maganda ka man o hindi, basta sa paningin ko maganda ka."
Maganda ka.
Maganda ka.
Maganda ka.
Ilang beses um-echo sa tainga ni Edina ang salitang 'Maganda ka.'
Natahimik na lang siya but deep inside, malapit na siyang panawan ng ulirat dahil sa kilig. Ito lang ang tanging lalaking hindi tumingin sa pisikal niyang katangian. Kahit ilang beses na niya itong iniwasan, kahit ilang beses na niya itong ininsulto at kahit ilang beses na niyang nilagyan ng barrier ang puso niya. Tama bang saluhin nito ang puso niyang unti-unti ng nahuhulog.
Muli itong umimik habang ang mga mata ay nakadako na sa kalsadang tinatahak nila. “Please.. hayaan mo lang ako. Hayaan mong ipakita ko sa'yo ang isang Chase dela Torre. Then after all, saka mo sabihin kung hindi pa rin ba ako deserving."
Natahimik na lamang siya sa buong biyahe nila. Hindi rin niya alam kung ano ba ang dapat sabihin. Kung tama ba na bigyan niya ito ng time para papasukin sa puso niya.
Binaybay nila ang daan patungo sa NLEX. Wala siyang ideya kung saan siya nito dadalhin. Basta ang alam niya, nahihirapan siya kung paano ba tatanggapin si Chase o kung dapat ba niyang tanggapin si Chase sa paraang alam niya.
HIndi niya namalayang nakarating na pala sila sa sinasabi nito nang ihinto nito ang sasakyan at bumaba. Umikot ito para pagbuksan siya ng pinto.
"Nandito na tayo. This is Hotel de Palacio. Kapag gusto ko ang ingay, madalas akong pumupunta rito."
Napatingin siya sa kamay nitong sumakop sa sarili niyang kamay, napasinghap na lang siya at hindi na nakaimik. Hinayaan na lang niya ang ginagawa nitong masarap pala sa pakiramdam. Parang nakaangat ang paa niya at magaan ang pakiramdam.
Napahinto siya nang bumukas ang magarang pinto na tila isang pintuan sa Palasyo. Nakabalandra sa harapan ng mga mata niya ang mga naroroon na gayak na gayak at magagara ang kasuotan. Pasimpleng napatingin siya sa sariling kasuotan.
"C-Chase.." Makailang beses pang piniga niya ang kamay nito para iparamdam na nahihiya siya.
Bumitiw naman ito sa pagkakahawak sa kamay niya. Pumalakpak ng isang beses at voila! May dumating ng dalawang babae at agad siyang hinila palayo kay Chase. Magrereklamo pa sana siya kung hindi lang niya naalala na mayaman nga pala ang lalaking nagkakagusto sa kanya at dapat lang siyang makitungo sa mundong kinagagalawan nito-- walang iba kundi ang upper class.
Sa harap ng malaking salamin ay nakatanaw siya sa sarili, suot-suot ang evening dress na halter type tight dress na umabot lang sa hita niya ang iksi nito. Pa-V ang design nito sa likuran na litaw na litaw ang kinis ng kanyang balat. Nakatingin na lamang siya habang inaayusan siya ng dalawang babaeng tila nag-aagawan kung paano siya pagagandahin. Hindi na rin siya nakapagreklamo nang ipasuot sa kanya ang three inch high heels nang matapos ayusan ng mga ito. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa upuan kung saan naroon si Chase. Pinaghila siya nito ng upuan at malaki ang ngiting nakatingin sa kanya.
Nag-init siya bigla sa mga tingin nito. Tinging hindi lang humahanga ngunit parang sinasamba.
"C-Chase, kailangan ba talagang ganito ang ayos ko?" Sabay pinasadahan ng tingin ang katawan. "Pati ang ayos mo."
"Your beautiful the most beautiful than I've ever seen. Tama lang naman siguro na ipangalandakan ko sa kanila kung gaano ka kaganda. Isa pa, may dress code sila rito, that's why kailangan natin silang sundin," paliwanag ni Chase sa kanya.
Pumalakpak ito ng dalawang beses, saka naman ang paglabas ng dalawang lalaki. Ang isa ay may hawak na violin habang ang isa naman ay nakatayo at mukhang ito ang aawit para sa kanila.
'Time I've been passing time watching trains go by.. all of my life. Lying on the sand, watching sea birds fly. Wishing there would be, someone waiting home for me. Something's telling me it might be you. It's telling me it might be you, all of my life.'
Nagsirkus na naman ang puso niya sa labis na kaba. Lalo pa at hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin.
Nakahain na ang pagkain sa mesa nila, habang may tatlong klase ng kutsara, dalawang klase ng tinidor at dalawang klase ng kutsilyo ang naroroon. Dalawang pares lang ng tinidor at kutsilyo ang kaya niyang gamitin, ang natitira ay hindi na niya alam kung paano gagamitin. Kung hindi lang siya nakakaramdam na ng gutom ay sa malamang na nilayasan na niya ang mga ito. Dinampot na lamang niya ang isang pares ng kutsara at tinidor saka nilantakan ang pagkaing nasa hapag. Napahinto na lamang siya nang tumikhim ito at kinuha mula sa kamay niya ang dalawang kubyertos. Ito na ang naghiwa, nag-ayos at nagbigay ng pagkain sa kanya.
"Next time, tuturuan kitang gumamit ng mga iyan. But for now, hahayaan muna kitang kumain."
Dinampot niya ang basong may tubig at inisang lagok iyon, walang pakialam kung may mga taong nakapaligid sa kanila. Napadighay pa nga siya nang hindi niya sinasadya. Nakita niyang namumula na sa hiya ang kasama niya at kulang na lang ay hilahin siya patago sa lamesa lalo na nang pagtinginan sila sa kanilang mesa.
"Okay ka lang?" May gana pa talaga siyang magtanong dito upang lalo itong inisan at nang mawalan na ng interes sa kanya.
Huminto ito sa pagkain at hinila siya patayo. Agad naman siyang nagpanik at hihiwalay sana kay Chase nang hapitin nito ang bewang niya.
"I don't like your attitude, Edina. But you made me crazier and crazier over you."
Hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Aalma pa sana siya nang bigla itong umayos ng tayo at tila isasayaw siya sa gitna.
"T-Teka lang, hindi ako marunong sumayaw. Parehong kaliwa po ang paa ko."
Ngunit hindi na siya nito pinagsalita nang igaya siya nito at tila pinasusunod na lang siya. Hinayaan niya ito at naging sunod-sunuran. In the end, natapakan niya ito, napahiyaw sa sakit kaya hinayaan na rin siyang lumabas sa lugar na iyon.
Kanda hirap pa nga siya sa paglalakad, makailang ulit na natapilok at ramdam na ramdam na ang paltos sa mga paa. Hindi ito ang nais niya. Oo, minsan na niyang pinangarap maging mayaman, maging prinsesa, pero kung ganito lang at hindi naman niya magagawa ang mga nais niya. Mas okay na sigurong manatili na lang siya sa dati niyang estado.
Bibilisan pa sana niya ang paglalakad, kung hindi lang dahil sa pesteng takong ng sapatos na iyon.
"Edina, saan ka pupunta?"
Napahinto siya sa tanong nito saka siya humarap. "Nakakapagod. Ayaw ko ng ganito."
"You can do it. Tuturuan kita. Kukuha ako ng isa sa pinakamagaling na magtuturo sa iyo kung paano gagalaw sa mundo ko."
BUONG akala na niya ay ihahatid na siya nito sa sariling bahay nila, pero sa ibang lugar na naman siya nito dinala-- sa Mansion nito.
"Chase.." halos nakikiusap na ang tinig niya, pero ewan at tila hindi ito makaramdam sa nais niya.
"We'll do the basic, para hindi ka na mahihirapan kapag may okasyon tayo at may pupuntahan tayong party."
Sinundan na lamang niya si Chase hanggang matumbok nila ang dinning area nito. Lumapit ito sa malaking stall na puros alak pala ang laman. Kumuha ito ng isang bote at sinundan ng pagkuha ng goblet glass.
"Come here. Halika, ituturo ko sa iyo ang tamang pag-inom ng alak."
Lumapit din siya sa binata at pinanood ito sa ginagawa.
"Look. Kapag nagsalin ka ng alak sa baso. Dahan-dahan mong Iikot-ikot ang baso nang sa ganon ay patuloy na lumabas ang lasa. Saka mo langhapin. " Sabay langhap sa basong may alak. "'Wag mo munang inumin agad. Sa aroma ka dapat mag-concentrate. Kapag mabango, tiyak mas masarap."
"Pero 'di naman ako umiinom ng alak eh," mabilis na tanggi niya.
"That's the basic. Kailangan mong gawin muna ang una bago tayo mag-proceed sa next step. Hamo at patuturuan din kita kung pano maglakad, magsalita at makihalobilo. Give me a week. I'm sure, matututunan mo na'ng lahat."
Mukhang seryoso nga talaga ang isang ito sa kanya at sa lahat ng dapat niyang gawin. Hindi na naman siya nakaalma at hinayaan na lang ito sa nais mangyari. Isang linggo lang naman. At kapag umabot na ng isang linggo at walang nangyari. Suko na talaga siya. Hindi na siya makikihalubilo pa rito. Dahil ang katulad niya ay mayroon talagang dapat na kalagyan.
Sinundo siya nito sa trabaho at sinabihang hindi na siya dapat pang pumasok sa kompanyang iyon. Nagpumilit naman siya ngunit sa katulad ni Chase, mukhang walang lugar ang magreklamo. Hindi ito ang tipo ng taong dapat na pasunurin o almahan. Hindi pa naman niya nakikitang galit ito ngunit sa kalkulasyon niya, tiyak ibang magalit ang isang Chaser dela Torre.
Sa huli ay wala na naman siyang choice kundi ang magpasakop at sumunod dito. Nag-resign siya sa trabaho at pumayag na maging sekretarya ni Chase. Iyon nga lamang ay dalawa silang sekretarya nito. Ang pinagkaiba lang, nasa labas ang sekretarya nito at nasa loob siya. Pero hindi kagaya ng sekretarya nito, bihira itong mag-utos. Mas madalas na lagi itong nakadikit sa kanya, palaging sabay kumain at mas madalas pang bihira sila sa opisina. Kagaya na lang ngayon.
"Paano kung hanapin ka sa office?"
"'Wag kang mag-alala, pwede namang sa bahay na lang ako magtrabaho. As long as you're with me, I can do anything."
Wala na namang nasabi si Edina. She loose again with Chase.
Halos inaraw-araw na nang sila ay magkasama at madalas ma tinuturuan siya ng tutor na kinuha nito pero dahil lagi siyang nami-miss ni Chase, madalas tuloy siyang nag-i-skip ng lesson. In the end, wala siyang halos natutunan mula sa tutor niya. Bahala na lang siguro.
May dadaluhan silang party, auction daw iyon at personal pang imbitado si Chase at mukhang may tantrums si Chase na hindi dadalo kung hindi siya kasama. Wala na rin tuloy siyang nagawa, ayaw niyang mapahiya si Chase kaya sumama na siya.
Sa tarangkahan pa lang ay sila na ang pinagtitinginan at pinag-uusapan at karamihan doon ay puro negative patungkol sa kanya.
Niyakag siya ni Chase saka bumulong, "'Wag mo silang pansinin. As long as na magkasama tayo, isipin mong atin ang mundo."
Sinunod niya ang sinabi ni Chase. She tried to enjoy the party and communicate well with others. But everything came to a disaster. Hirap siyang makisalamuha sa mga ito lalo na kapag english. Wala siyang naiintindihan at allergic na rin siya sa kaartehan ng mga ito. Kahit pa nakikipag-plastikan lang ang mga ito ay hinahayaan lang niya. Kukuha na nga sana siya ng wine nang biglang may pumatid sa kanya at dahil sa nangyari, nakagawa ng ingay ang puwesto niya. Lalo na nang malamang asawa ng President ng investor ni Chase ang aksidenteng natabunan niya ng wine.
"Do you know how much worth this dress is? Bastard!"
Sasampalin na sana siya ng ginang nang biglang hinawakan ni Chase ang kamay nito at pumigil.
"It's not her fault, Madam."
"What did you say?"
"I'll pay the damage. 'Wag nyo na lang ho palakihin ang issue."
"How dare you!"
Agad na nagtatakbo palabas doon si Edina at iniwanan ang mga naroroon. Ilang beses siyang natisod dahil sa peste na namang takong ng sapatos niya. Kaya hinubad na niya iyon at binato sa kung saan. Walang pakialam kung gaano kamahal ang isang Gucci at iba niyang branded na gamit. Binato niya ang isa pa at tinamaan si Chase na hindi niya namalayang nakasunod na sa kanya at nasa harapan na niya.
"What are you doing? Bakit mo ginagawa ito?"
"Ayaw ko na Chase. Hindi ko kayang.. pumasok sa mundo mo. Hindi ako belong dito. Hindi ako ang para sa iyo." Pagkasabi ay iiwanan na sana niya ang binata nang pigilin nito ang braso niya
Hinila siya nito hanggang makarating sa tapat ng sasakyan nito.
"Chase, tama na. Kita mo naman napahiya ka na nang dahil sa akin. Ilang beses ko nang nabagsak ang libro dahil hindi ko kayang lumakad nang diretso at hindi ko na kayang suotin ang sapatos na iyon. Kung tunay ngang ako si Cinderella at nararapat sa akin ang glasd shoes. Pero bakit hindi ko ito kayang suotin sa harap mg marami?" Pinipigil na niya ang paghulagpos ng kanyang mga luha. Napayuko na rin siya para itago ang pagtutubig ng kanyang mga mata. "Alam mo kung bakit? Kasi hindi ako ang Cinderella mo," halos mapapiyok na siya sa huling mga salita.
Iniangat lang nito ang mukha niya at nagulat na lang siya sa sumunod nitong ginawa.