CHASE 6

2195 Words
PAKIRAMDAM ni Edina, dahil siguro sa taas ng lagnat niya nagha-hallucinate na siya na nakikita niya si Chase na bumubulong o kinakausap siya. Iba nga talaga ang pakiramdam ng may sakit. ‘Yong mga bagay na imposibleng mangyari ay parang nagkakatotoo. Is this fantasy? Or this is for real? Alin man ang piliin niya, dapat ay alam na niya ang consenquence. Lalo pa ngayon, guminhawa ang pakiramdam niya, may nagbantay at nag-alaga yata sa kanya. Hindi na rin niya nararamdaman ang lamig, dahil kumportable siya sa makapal na kung ano na nakabalot sa kanya. Hindi niya alam kung anong oras na, hindi na niya namalayan hanggang sa naramdaman niyang parang gumagalaw ang kung ano mang nakabalot sa kanya. Nang tuluyan na niyang idilat ang mga mata at makita nang malinaw ang kung ano mang gumagalaw hindi na siya nakapagpigil na mapasigaw. “AHHH!” Naalerto rin ang tinutukoy niyang gumagalaw. “I-Ikaw! Ba’t nandito ka! m******s ka! Sabi na nga ba at may binabalak ka talagang masama sa akin.” “Inaantok pa ako. Akala ko naman kung ano iyong sinisigaw mo,” balewalang sabi nito na hindi man lang napansing malapit nang kumulo ang dugo niya at aabot na sa highest boiling point. “Anong kung ano!” Agad niyang hinila ang kumot na nakabalot sa kanya kanina, ibinalot sa katawan niya at nagsumiksik sa kanto ng deck. “Ikaw! Paano ka nakapasok dito? Saka anong ginagawa mo rito?” “Ako ang nag-alaga at nagbantay sa’yo. I am your saviour.” “Tse! Mukha mo saviour! m******s ka! May mag-aalaga bang grabe kung makayakap?” Bigla siyang namula nang maalala niya ang puwesto nila kanina.—Nakaharap siya dito, pareho silang nakatagilid at mahigpit itong nakayakap sa kanya, habang pati ang binti nito ay nakadantay din sa katawan niya. “You ask me that, sabi mo.” “Ano?” Sa inis niya, dinampot niya ang unan at hinampas dito. “Wala akong hinihinging kahit ano sa’yo! Tumigil ka!” “A-aray! T-tama na! Masakit. Sige bugbugin mo ako. Bugbog ka rin sa akin,” saka sumilay ang isang mapang-akit na ngisi.”Ng halik.” “Talagang masasaktan ka sa’kin—Anong sabi mo?” Natauhan na naman siya sa binitiwan nitong salita. Pinanlakihan niya ito ng mga mata. “Tandaan mong nasa pamamahay ka namin,” paalala niya sa binatang mukhang hindi naman naapektuhan sa pagtataray niya. At siya pa ngayon ang mas apektado sa ginagawa nito ngayon. “Okay. Okay. Just calm down. Kalma lang pwede.” Kumalma rin siya para marinig ang sasabihin nito. “Oo niyakap kita. Kasi nakita kong Human Blanket ang kailangan mo.” “Eh, bakit wala ka ng damit?” “Hinubad ko ang mga damit ko at ibinalot sa’yo. Nilalamig ka pa rin kasi. I swear I go crazy when I’m looking at you. You were convulsion, and I don’t know what to do. Kahit anong ilagay kong tela di na umuubra then naisip ko, yakapin ka na lang.” “m******s ka pa rin, Hmp!” “Fine! Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin.” Tumayo ito mula sa pagkakasalampak paupo sa sahig ng kwarto nila. “Saan ka pupunta?” “Uuwi na. Mukhang okay ka na, lakas mo manipa eh.” Naglakad na nga ito palabas ng Bahay, ngunit huminto rin nang pigilan niya. Napangiti pa ito dahil sa ginawa niyang pagpigil ‘Hah! Akala mo siguro pipigilan kita, manigas ka!’ Agad niyang hinila ang damit nito na nakakalat sa kama. Inihagis niya iyon dito. “Magbihis ka, baka pagpiyestahan 'yang katawan mo!” “Uuy.. concern.. Wag kang mag-alala promise para sa’yo na lang ‘tong katawan ko—aray!” Sa inis niya binato nga niya ‘yung Deck. Chos! Binato lang niya ang nahagip niyang alarm clock, swerte namang tinamaan ito sa balikat. Agad siyang tumayo para isara at harangan sana ng mabigat na bagay ang pintuan nila dahil baka makapasok na naman ito. Para itong daga, magaling lumusot sa kahit anong butas. Ngunit nang tuluyan siyang makabungad sa sala, halos hindi na ito madaanan. “Anong nangyari dito?” Nagulat siya nang makitang may mga bagong appliances ang nasa loob ng bahay nila. Imposibleng nakabili ng appliances si Aleja Nilapitan niya ang halos nasa balikat ang taas na Ref. “LG?” “Nagustuhan mo ba?” Naningkit ang mga mata niya, nasagot na ang katanungan sa isip niya. “Hindi namin kailangan ng mga ‘yan. Dahil kahit wala ‘yang mga ‘yan, masaya kami sa ordinaryong buhay. Kunin mong lahat ‘yan. Bago ko maisipang basagin ang lahat ng yan sa harapan mo.” “Galit ka pa rin ba sa nangyari? Hindi ka ba pwedeng magmove-on?” Sa asar niya sa lalaking ito, pinagdadampot niya ang mga magnet na nakalagay sa Ref at inihagis dito. “Tigil-tigilan mo ako Mr.dela Torre! Grr! Nakakapanggigil ka. Akala mo ba, ganun lang kadali ang lahat. Pinagmukha nyo akong tanga. Ginawa mo akong katatawanan. Naisip mo ba ang mararamdaman ko bago mo naisipang gawin ang mga bagay na’yon? Hah? Naisip mo ba?!” Hindi na niya kinaya, nagpakawala na ang luha at bumagtas sa kanyang pisngi at nagtaas na rin siya ng boses. “Kaya nga ako nandito. I am hoping for a chance. I’m sorry, nangyari na, hindi ko na ‘yon pwede pang ibalik para baguhin.” “Alam mo pala eh.” “Kung ganun, mas lalo akong hindi aalis dito hangga’t hindi mo pa rin ako pinatatawad,” nakangising sabi nito habang naka-cross arms pa. Feeling naman nito nakadagdag iyon ng appeal. Well, tama ang pantaha niya, he looks more appealing, may pa pout-pout pang nalalaman ang hinayupak—sa kagwapuhan. She wants to appreciate his damn and sexy appearance but when PAST HAPPENINGS came to the picture, her heat boils again. Naiinis na talaga siya. How could a Chaser dela Torre being like this and deceives her? Wala na, suko na ang depensa niya. She needs to give up, wala na siyang lakas dahil bukod sa kagagaling lang niya sa sakit, bagong gising pa siya. "Bakit mo ba ako pinahihirapan hah?" Lumapit ito sa kanya nang makaupo siya sa maliit nilang sofa. "I'm sorry kung iniisip mong pinahihirapan kita. Hindi ko alam. I swear I didn't know why I am doing this." And this time he can't control the emotions not to bring this lady into his arm. "Please forgive me. Ipapakita ko sa'yong mabuti akong tao. At wala akong balak makapanakit." Bahagya niya itong itinulak at kumawala sa pagkakayakap nito. Pakiramdam niya mamamanhid ang katawan niya at magpapaubaya na lang dito kapag hindi niya ito pinigilan. "Kung patatawarin ba kita ngayon mismo, titigilan mo na ako?" seryosong sabi niya rito na nakatingin sa mga mata nitong blangko ang expresyon bagaman nakakapanghipnotismo. Tinitigan niya ang mata nito upang makita ang emotion at kasagutan nito. Ngunit lumamlam lang ang mga mata nito at nakikipagtitigan din sa kanya. "Hindi ko maipapangako, Edina." "Bakit naman hindi mo kayang gawin?" Nakipagsukatan din siya ng titig dito. Sa totoo lang, naguguluhan siya sa lalaking ito, siya na nga ang umiiwaas dahil ayaw niyang masaktan at takot siyang masaktan. Pero bakit ito naman ngayon ang lumalapit sa kanya? Kung anu-ano pa ang mga bagay na ino-offer nito sa kanya. Hindi naman siya mukhang pera at mas lalong mas mataas ang prinsipyo niya, hindi natutumbasan ng salapi. Hinintay niya lang ang sasabihin nito. "Gusto kita." HINDI pa rin makapaniwala si Edina sa ipinagtatapat ni Chase sa kanya ngayon. Paanong sa isang iglap ay nahulog ito sa kanya? Hindi naman pang Miss U ang peg niya, maihahanay nga siya sa mga simpleng babaeng matatagpuan sa Mall. Wala siyang bagay na maipagmamalaki sa binata.Pwede na nga siyang himatayin sa kilig. Oo, kinikilig siya. Isang gwapong lalaki, magtatapat sa simpleng tulad niya. Ngunit bigla namang sisingit sa utak niya ang salitang ESTADO, ang estado nila sa buhay. Dahil nagugutom na siya, napipilitang pumayag siya na sumama dito para kumain sa mamahaling Restaurant. Nag-ayos siya saglit, nagbihis at saka sumama dito. Nakatingin lang siya sa pagkaing s-in-erve sa kanila ng Waiter. Parang nawala bigla ang gana niya nang makita ang kakaibang hitsura ng pagkain. Hindi kasi ito ang pangkaraniwang pagkain na binibili niya sa mga turo-turo o fastfood. Mamahalin at hindi siya sigurado kung magugustuhan niya ang lasa. Nang hindi pa rin niya ginagalaw ang pagkain, tinanong na siya nito. "Hindi mo ba nagustuhan ang pagkain dito? Lilipat tayo. Saan mo ba gusto?" "Hindi ko kilala ang food na sini-serve nila. Sa iba na lang tayo kumain." Hindi na niya hinintay na magsalita si Chase. Tumayo na siya at naglakad papunta sa entrance ng Restaurant. Nakalabas na si Edina habang nakasunod sa kanya si Chase. "I think I throw my self up in hunger. Nagugutom na ako. Saan ba talaga tayo kakain?" Hindi niya ito inimik, naglakad lang siya ng naglakad hanggang makarating sila sa isang Carinderia, na madalas niyang kinakainan kapag napapadaan siya dito. Paminsan-minsang may mga sumusulyap sa kanila, lalo na sa kanya. Gwapo ba naman ang kasama niya at siya ay isang ordinaryong babae lang. Ewan na lang kung hindi pa nga siya pagtinginan. Katulad niya wala na rin itong pakialam. Hindi nito pinapansin kung may mga babaeng nagpapa-cute dito, mukhang gutom na nga ito "Tara, masarap ang bulalo nila dito," sabi pa niya na parang wala itong balak na sundan siya. Napipilitan din namang itong sumunod sa kanya nang pumasok siya sa loob. Siya na rin ang umorder para dito. "O, ba't di ka na umiimik dyan? Magsalita ka kaya, mapanis yang laway mo. Wala kang pake kung dito ako kakain at wala kang pake kung ano ang kakainin ko." Bigla itong natawa nang umarte siyang pabebe. "Bagay pala sa'yo." Saka ito ngumiti. "Hindi pa talaga ako nakarating dito, this is my first time," pag-amin nito. Sa hitsura nito, Malabo nga namang mapakain o madala mo ito sa mga turo-turo lang. Siguradong fine dine-in at mamahalin talagang Restaurant ang kinakainan nito. "Pss.. ang arte nakarating ka nga sa bahay namin eh. Wag ka pong mag-alala walang lason ang pagkain nila dito." Mukhang nagtitiwala naman ito sa kanya. Siya ang nag-ayos ng kakainin nito. Sa una ay nag-aalinlangan pa ito pero nang sabihin niyang tikman muna at ginawa rin nito. Aba, mantakin mong nakadalawang order pa ito nang matapos. "Tsk. Kanina paayaw-ayaw. Tas ngayon napadighay pa." Natatawa na lang siya dito. "Simple lang ang buhay ko Mr.Chase dela Torre. Hindi ako sanay sa mga mamahaling bagay at pagkain. Dahil simple lang ang buhay na kinagisnan ko sa probinsiya namin." mahabang paliwanag niya rito. Hindi pa sila tumatayo sa kinauupuan nila. Gusto niyang malaman nito kung ano bang buhay mayroon siya, dahil hindi niya kayang makipagsabayan dito lalo na sa yaman nito. Para habang maaga ay alam na nito ang mga bagay na kaya niya at limitasyon niya. "Hindi ko alam kung bakit mo pa ako pinuntahan. Pero kung iniisip mong magugustuhan ko ang sinabi mo, nagkakamali ka. Galit pa rin ako sa'yo—masama pa rin ang loob ko sa ginawa mo." "Alam ko naman 'yon. I can wait. Maghihintay ako kung kelan mo ako mapapatawad. Walang problema sa ’kin ‘yon." Nginitian na naman siya nito. Hindi ba nito alam kung gaano siya naaakit sa mga ngiti nito. Isa yatang lason ang ngiti nitong unti-unti ng pinaparalisa kasama ang puso niyang biglang nagkandirit. Paano na lang kung bumigay siya? Handa ba siya? "Isa pa Chase, hindi ko alam kung paano makipagsabayan sa'yo. Magkaiba tayo ng mundo. Para kang langit at lupa ako. Hindi ko kayang pumasok sa mundong mayron ka." Tumayo na siya at hindi ito hinintay na tumayo. Naglakad siya palayo dito. Narinig pa niya itong nagbayad sa kinain nila saka malalaking hakbang na naglakad palapit sa kanya. Tama nga siya, lumapit ito para pigilan ang braso niya. "Ihahatid na kita." Walang imik na sumakay siya sa kotse nito. Tahimik silang binabaybay ang kahabaan ng Edsa nang muli itong magsalita. "Hindi ko naman hinihingi na magustuhan mo agad ako kung iyon ang iniisip mo. I-I just want to spend times with you." She notice there was a hint of sadness in his voice pero parang mas matimbang pa rin ang panghihinayang. Hindi kasi niya alam kung tama bang magtiwala siya dito at ibigay ng buo ang sarili niya. Natatakot siyang masaktan dahil ito pa lang ang una niyang pag-ibig. Oo nga at hindi malalaman kung hindi susubukan, pero kung ayaw masaktan, ‘wag ng ipagpatuloy, ’iyon ang mas tama at dapat. "C-Chase..." Tumingin ito sa kanya para hintayin ang sasabihin niya. "Pwede bang.. iba na lang?" Iba na lang ang gawin nitong laruan. Bagsak ang balikat nito na bumalik ang tingin sa kalsada at tahimik na nagmaneho. Oh ow, looks like she made him upset. But then she realized, it was up to him. Kung kahit pigilan niya ito at nagsumige pa rin ito then that's the time she will thinks this man is deserve to love her. "Sorry, I won't follow you." Bigla itong nagmaniobra at kumable para mag u-turn. Kakaibang kaba ang biglang lumukab sa kanyang puso. Kabang nananabik at natatakot. Kaya ba niyang magtiwala sa lalaking kailan lang niya nakilala? Sa dami naman kasi ng babae, bakit naman siya pa ang naisip na lapitan nito? Bakit hindi na lang ito manahimik kung saang lupalop ito nanggaling. Nang sa ganoon ay manahimik na rin ang nagsisirko niyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD