NANG mabasa ni Terrence ang mga messages ni Ofelia sa messenger, na-excite siyang tawagan ito sa sobrang saya na pumayag na itong makipagkita sa kanya. Naging matagal rin ang pag-uusap nila sa messenger. Gusto pa nga sana niyang hingin na rin ang numero ng cellphone nito para kapag may free time ay puwede na rin niya itong matawagan. Hindi na nga niya maintindihan ang sarili kung bakit napakadaldal niya ngayon at para siyang isang hayskul na nagkaroon ng first crush. At mukhang may patutunguhan na nga ang unang yugto ng ninja moves niya. Pilit niyang tinatago ang ilang beses na pagngiti niya habang kausap ito sa phone. Baka isipin nito na may gusto na siya rito. Baka mabilisan ito sa nangyayari. Pero napaisip nga rin siya kung paano kapag napangitan nga siya sa babae? Mas mahalaga ba ang

