NAPANSIN ni Ofelia ang pasilip-silip ng lalaking nakabangga niya minsan. "Anong ginagawa mo rito?" agad na tanong niya na ikinagulat nito. "Mga kapit-bahay! Nandito si--" Bigla itong nataranta at hindi alam ang gagawin. Tinakpan nito ang bibig niya at hinila siya sa kung saan na tago. Kinagat niya ang kamay nito, napahiyaw ito sa sakit. Pagkakataon na sana niya iyon para makatakas. Nang hawakan nito ang magkabila niyang braso at ilagay sa likuran niya habang nakaharap parin ito sa kanya. Nahirapan na siyang makapalag, tinakpan pa ng libre nitong kamay ang bibig niya at inipit ng binti nito ang mga binti niya. Sa liit niya, imposible ngang makalusot pa siya. "Shhh.. Wala naman akong masamang pakay. Gusto ko lang kayong balaan na may masamang mangyayari kung hindi pa kayo umalis." Napah

