BIGLANG nakaramdam ng inis si Aldrich nang isa-isang nag-unahan sa paggamot ang drummer na natamaan ng drumstick. Gusto niyang hampasin ng drums ang mga ito. Hindi naman malalim ang sugat, may matalas na parte lang siguro ang tumama sa noo nito na dahilan kaya nagkaroon ng hiwa at nagdugo. Binuhat niya ito kesa mapunta lang sa mga kamay ng mga hudyo na ito at nataranta naman ito sa ginawa niya. "B-Bitiwan mo ako! Anong ginagawa mo?" "Dadalhin kita sa clinic. Hindi ka safe sa mga timawa na iyon." Sa halip na sa clinic. Dinala niya ito sa sarili niyang kotse. Halatang babae naman ito dahil nagpupumiglas pa nga ito nang maisakay niya. "Huwag kang mag-alala, hindi kita kakainin. It's my fault kaya ako na ang bahala sa 'yo." Hindi ito umimik pero hindi na rin nagreklamo. Inihinto niya ang

