NAGSIMULA ng mag-ensayo si Nica para sa darating na launch ng Afterlife. Ipapakilala na kasi siya sa madla. Nalaman niyang kaya pala siya ang kinuha ay para maiba naman at magiging maganda ang outcome kung babae ang drummer. Nagpaalam muna siya sa Bar, kung saan ay nagpasa na siya ng resignation letter. Pati sa Kuya niya na walang kaalam-alam sa mangyayari sa kanya. "Kuya, nag-resign na ako. Tanggap na nga pala ako sa inaplayan ko," sabi niya habang ineempake ang mga damit na gagamitin niya sa paglapit sa Clubhouse. "Saan ang punta mo?" "May rehearsal kasi kami at sa Clubhouse ako pinapa-stay hanggat hindi pa nagla-launch." Lumapit ito sa kanya, hindi siya nakaimik nang bigla siya nitong yakapin. "Galingan mo roon. Ipangako mo na magiging safe ka. Kundi susuguri ko ang mga iyon." Alam

