NAHULOG si Veronica sa stage. Sinumpa nga yata talaga siya nito. Napapikit na lang siya habang hinihintay na lalagapak ang sariling katawan sa malamig na tiled floor na hindi nangyari. "I got you! Ako talaga ang Hero mo. Love story na lang natin ang kulang." Napadilat siya sa tinig na iyon at agad kinuyakoy ang mga paa. "Ibaba mo nga ako!" reklamo niya kay Aldrich. Ayaw niya sa mga lalaking mabulaklak magsalita, sila ang mas matindi kung makasakit at mas lalong ayaw niya sa lalaking ito. Dahan-dahan siya nitong ibinaba. "Mag-iingat ka sa susunod lalo na pag wala ako sa tabi mo." Paano'y lagi ka kasi sa ibang babae nakadikit, nais pa sana niyang idagdag pero nanatili na lang siyang walang imik. "Hindi mo man lang ba ako yayakapin para magpasalamat?" "Oy, tama na pangmamanyak," gaga

