“SIGURADO ka ba talagang okay ka lang?" Narinig ni Veronica na tanong sa kanya ni Aldrich mula sa kabilang nakasarng panig ng pinto. Ang totoo ay nahihirapan siyang matulog, naroon kasi sa labas ang binata. She offers him her brother's room. Pero hayun ang walanghiya, kinakatok siya sa pintuan kaya lalo siyang hindi makatulog. Kasama na rin siguro ang kaba na baka pasukin siya bigla ni Alfer sa kwarto. Paano naman mangyayari iyon kung naka-lock naman ang kwarto niya? "Wala ka bang balak matulog?" Muli itong kumatok. "Namamahay yata ako. Hindi ako inaantok. Tara, inom muna tayo. Kaunting shot lang baka sakaling dalawin ako ng antok." What the hell! Pareho pa pala silang hindi makatulog. Binuksan niya ang pinto at may dala na nga itong plastic bag ng mga beer-in-can. "Please," he's ple

