HINAGILAP ni Veronica si Aldrich sa lungga nito. Hindi siya mapakali na hindi pa nito nababayaran ang atraso nito sa kanya. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit nanadya ito at nagpanggap na nasiraan ang sasakyan nito para makapag-stay sa kanila. Nakasalubong niya si Alfer. Tinapik pa siya nito sa balikat. "Tol, napasyal ka?" "Nakita mo ba si Aldrich?" "Bakit, ano atraso sa'yo? Nahalay ka ba, hindi ka pinanagutan?" Kahit kailan gago talaga ang isang ito. "Sira! May atraso sa akin, hindi ga'non?" "Paktay tayo diyan! Nagtatago pa naman ang isang iyon." "Nagtatago? Bakit?" curious na tanong niya. "Nakabuntis yata ang gago." Hindi niya alam kung bakit umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya at tila gusto na niyang sugurin ito. "Nasa tabi-tabi lang 'yan si Drich. Madalas nasa Casa niy

