NAPAMULAT ng mga mata si Veronica para tingnan ang nangyayari. Aldrich was there, lying above her. Nakapikit ang mga mata at tila wala ng malay. Bigla siyang nataranta at agad itong niyogyog. "Aldrich! Hoy, gumising ka!" Nakita pa niya ang kapirasong nabasag sa sahig at nang kapain niya ang ulo ni Aldrich ay may dugo iyon. Lalo siyang nataranta, saka ito pinahiga at siya naman ang nasa gilid na nito. "Aldrich! Gumising ka na! Ano ba! Kapag hindi ka dumilat, papatayin kita! Huwag ka munang mamatay." Muli niya itong inalog pero wala pa rin itong malay. Dinala niya ang sariling tainga sa dibdib nito para malaman kung tumitibok pa ba ang puso nito. Tumitibok pa naman iyon, saka niya sinunod ang sariling daliri sa ilong nito. Doon na siya kinabahan, parang hindi na ito humihinga. Nagsimula n

