"SIGURADO ka bang ayos ka lang 'don?" Bakas sa mukha ng ina ni Alfer ang pag-aalala. Palagi niya itong kasama saan man sila magpunta. Ngayon lang siya mapapahiwalay. Nilingon na ni Alfer ang ina na nagsimula ng magtubig ang mga mata. Magtutungo lang naman siya sa Bohol dahil sa trabaho. Pero kung magsalita ang kanyang ina ay parang sa ibang planeta ang tungo niya. "Ma, Bohol lang ang tungo ko at hindi sa Mars." Nilapitan siya ng kanyang ina saka dinagukan. "Puro ka talaga kalokohan. Lalong dumadami ang wrinkles ko dahil sa mga kalokohan mo. Kailan ka ba magseseryosong bata ka?" "Kapag bumangon si Papa sa hukay. Aray naman, Ma!" Muli siyang dinagukan ng ina. "I'm serious. Hindi nila kukunsintihin ang katigasan ng ulo mo." Niyakap niya ang ina. "I know. So, don't worry. I'll make sure

