DUMATING sa bahay si Veronica mula sa service vehicle na provided ni Aldrich mula sa Ilocos Sur, marahil ay na-realize nito na mali na ang ginagawa. Pero ano man ang na-realize ng binata ay huli na para sa kanya. Nasaktan na siya at iba na ang naging dating niyon sa kanya. Maraming police at may mga media sa paligid ng bahay nila. Papasok na sana siya nang may biglang humawak sa braso niya para pigilan siya. "Don't. Hindi ka safe dito. Kapag nalaman nilang isa sa band member ang kamag-anak, sigurado akong malalagay sa alanganin ang buhay mo." Napatingin siya kay Manager Jester. "Kailangan kong makita si kuya," umiiyak na sabi niya. "Wala na rito ang kuya mo." "Ano ang lagay niya? Safe ba si kuya?" "Hindi ko masasabi. Nasa ospital siya." Pagkasabi ng kanyang manager ay agad tumalima

