b****a pa lang ng Clubhouse ay kumukulo na ang dugo ni Veronica. Gusto niyang suntukin ngayon mismo si Aldrich at ipamukha rito ang kabulastugang ginawa nito. She hates him, really hate. Kinababawan na talaga siya ng galit niya para kay Aldrich at handa niyang kalkalin ang lahat ng lungga nito, makita lang ito. "Nasaan si Aldrich?" walang galang na tanong niya sa receptionist. "Kayo si Miss Veron Quijares?" "Oo at gusto kong makita at makausap ngayon din si Aldrich Carvajal." "Saglit lang po at iche-check ko kung kasama po kayo sa list ng VIP ng owner." Nag-browse ito sa sariling computer at hinanap ang pangalan niya. "Sorry Ma'am, pero hindi po kasama ang pangalan n'yo. Invited po ba kayo?" "Hindi. Pero gusto ko siyang makausap." "May invitation po ba kayo? Or na-invite ng ibang me

