MAPIPILI mo ang uupuan mo pero hindi ang taong uupo sa tabi mo. Siguro nga nagkamali lang si Veronica ng naupuan kaya nagkamali siya ng taong uupo sa tabi niya. It's been a month since she'd been decided. Hindi man pinayagan ng kanyang manager na umalis siya sa banda ay umalis pa rin siya. Pero dahil nga may pinirmahan siyang kontrata at kailangang bayaran niya ang kabuuhan na kikitain ng banda kung tuluyan siyang aalis. At kung may sasalihan man siyang ibang banda ay may chance pa na makulong siya. Wala siyang napagpilin kundi ang tapusin ang kontrata. Ayaw na niyang makita pa ang kahit anino ng binata kaya nakipag-negosasyon siya sa banda na papayag siyang ituloy at hindi umalis sa banda kapalit na hinding-hindi na niya makikita ulit si Aldrich. Mukhang nagtagumpay din naman siya dahil

