PAKIRAMDAM ni Chilien ay gumaganti na nga rito ang tadhana. Ito siguro ang tinatawag na karma. Mabuti nga! She have done enough. Past is past. She cried a million tons.
“I’m sorry for you,” malungkot na saad niya ngunit ang totoo ay nagdidiwang ang utak niya. He deserve it.
“It doesn’t matter. Hindi ko rin naman siya gusto. Mag-bestfriend lang ang parents namin kaya kami pinakakasal. Ikaw pa rin ang gusto ko.”
“Sinungaling!” Hindi na niya napigilan ang sarili, napagtaasan na niya ito ng boses. “Stop it! Tapos na 'yon.” Baka mapaiyak lang siya. Dahil lamang namatay ang parents niya at nalamang naghihirap na siya, nakipag-break ito sa kanya. Such a jerk!
“Look, Chil. Hindi ko kagustuhan ang pakikipag-break sa 'yo.” Wala na ba siyang maririnig dito kundi puro kasinungalingan. “It’s my parent’s decision,” patuloy nito.
“Kung mahal mo talaga ako, hindi ka papayag at ipaglalaban mo ako,” she started. Ayaw niya sanang mapag-usapan pa iyon, pero heto na naman ito and open the topic.
“I’m so sorry. Sorry, because we let go our three years relationship.” Bullshit! Ipapaalala pa talaga nito ang tatlong taon nilang naging magkasintahan. She was eighteen years old way back, nang sagutin niya ito sa debut niya. Very romantic at sa sobrang romatic, ayaw na niyang maalala maski katiting. Nakakuyom na ang sarili niyang palad at napahigpit pa ang pakakahawak niya sa bulaklak na iniabot nito.
“You know what, I really want to slap your face right now very hard.”
“I know,” balewalang sabi nito. “I’m such a fool to let you go.”
“I’m sorry Alejandro, wala pa ako sa mood para makipagKWENTUHAN sa’yo.” She emphasized the word, para naman matauhan ito. Hindi naman sila nag-cool off lang o nag-away sandali at bati na uli.
“Alam kong masama pa ang loob mo. I know you Chil, dahil Alejandro ang tawag mo at hindi Ally.” Iyon naman pala, bakit hindi pa ito lumayas sa harapan niya? Gusto na niya itong sipain.
Tumalikod na rin ito sa kanya. “I will give you time to think. I know you still love me.” At tuluyan na rin siyang iniwan.
Hinabol niya si Alejandro saka mabilis na hinampas sa dibdib nito ang mga bulaklak. "Huwag mong hayaang bumait ako, baka hindi mo magustuhan kapag nagpakabait ako sa 'yo," mahinahong sabi niya saka ito iniwang napakaawang ang bibig.
Hindi na niya hahayaang makapasok pang muli ito sa puso niya. Lalo na kapag unti-unti na niyang malilinaw ang tunay niyang damdamin para sa isang tao mukhang mawawalan siya ng pag-asa.
Akala niya ay tanging si Icequiel lang ang may maikakapal ng mukha, pero kasing kapal pala ng narra ang mukha ng animal na si Ally. Ano ba siya game boy? Dota? COC? o computer game na pagkatapos matalo o magsawa, puwedeng balikan para laruin muli? Hindi na siya kagaya ng dati, masyadong mabait kaya mabilis naloloko. She changed. A lot.
Tuwing maiisip niya ang sinabi nitong naghihirap na raw siya, ulila na sa magulang kaya wala ng dahilan para magustuhan siya nito ay lalo lang siyang naiinis at hanggang nabubuhay yata siya hinding-hindi niya iyon malilimutan. Ngayong mayaman na muli siya, hindi na niya babalikan ang mga bagay na iniwan at nang-iwan sa kanya.
Kinabukasan, pinilit niyang pumasok sa Restaurant kahit ang totoo ay badtrip siya. Naroon na si Bhea nang dumating siya, gusto sana niya ito sabunutan pero kahit paano nakatulong naman ito dahil siya naman ang magda-dumped sa Alejandro na iyon.
Ngiting-ngiti pa ito para batiin siya kahit gusto na niya itong sapakin.
“How’ s your day with Adonis?” At binigyan pa siya ng makahulugang ngiti saka paulit ulit pang nagtaas-taas ng kilay.
“Tse! Magtigil ka nga riyan. Walang nangyari sa aming iba.” Naupo na siya sa swivel chair matapos ilapag ang bag. Kahit ang totoo ay hindi niya mawari kung bakit nag-i-slow motion sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Icequiel.
“Hmm.. Talaga lang hah. Eh, bakit defensive ka?” Parang hindi ito naniniwala sa kanya. Hindi naman siya makakapagtago rito kaya sinabi na rin niya.
“Wala nga. And I don’t really like his idea of bringing me into somewhere because of that nagkasakit pa ako,” dahilan niya para hindi na siya nito tuksuhin.
“Okay.” Nag-iba ito ng tono. “By the way, hinahanap ka ni Ally kahapon pa.”
Pinandilatan niya ito ng mata. “Don’t call him Ally, He’s liar. Call him Alejandro or Mister Dominguez.” That person will never have same treatment as before.
Nanggigil talaga siya, dahil babalik lang ito kung kailan sawa na. Biglang may nabuo sa isip niya. Magkasundo naman sila ng kupal na iyon, tingnan lang niya kung hindi rin masaktan ang Alejandro na iyon sa gagawin niya.
PANGITI-NGITI pa rin si Icequiel tuwing sasagi sa isipan niya ang sandaling nakasama niya ang mataray na si Chilien kahit sandali lang. Tuluyan na yatang tinunaw nito ang magmamatigas niyang puso dahil siya na ang unang nahuhulog sa dalaga. Love at the first fight. At hindi ang tipikal na Love at first sight. Ito na mismo ang gumiba sa plano niyang paibigin ang dalaga para makabawi sa naranasan ng kanyang ama. Kaya lang ay paano kapag nalaman ni Chilien ang lahat.
Napailing si Icequiel. Hindi na dapat siya magpapatuloy. Tama. Dapat na niyang itigil ang kahibangang iyon. Hindi niya dapat mahalin si Chilien dahil masasaktan lang niya ito.
Napatingin siya nang may umupo sa harapan ng Bar counter at walang iba kundi si Chilien Fabregas. Kagaya ng dati, ibinigay niya ang alam niyang paborito ng dalaga. Hindi naman ito nag-inarte pero parang may sakit ito na hindi siya iniimik. Hanggang sa matigagal siya nang damputin nito ang kamay niya. Pinagsalukap lang naman nito ang palad nila.
“Cute,” sabi pa nito.
“Syempre naman, bagay na bagay talaga ang gwapong tulad ko.” Hindi talaga niya maiwasan ang hindi magre-act para asarin ito.
Ngunit natauhan din si Icequiel nang mapansing may pasimpleng sinusulyapan ang dalaga. Napatingin siya sa lalaking madilim ang anyong matamang nakatingin sa kanila, hindi kalayuan.
“Chili.” Napukaw ang atensyon nito nang magsalita siya at naglakas-loob ng pansinin ang pagpapanggap nito saka ito binulungan, “The man over there, he was staring us.”
“And so?” Mukhang wala itong pakialam sa lalaki.
“Do you know him?” tanong na ni Icequiel sa dalaga. Sigurado siyang nakita na niya ito, kamukha kasi nito ang nakita niyang tao na sarap na sarap patikimin ng upper cut at ibaon ng buhay sa aspalto.
“No,” tipid na sagot nito sa kanya na halatang nagsisinungaling.
Kamukha talaga ng animal na lalaki ang kilala niyang minsang nang-iwan at nanloko dahil ipinagpalit ang nobya sa mas mayaman.
Galaiting-galaiti na ang anyo ng gago at hindi na nakatiis na tumingin. Kumilos na ito at pinaghiwalay ang magkaumang nilang palad.
“Get off her, Dude” baling ng gago sa kanya.
Nakaramdam siya ng iritasyon, mas bastos pa yata ito sa inaakala niya. Sino ba ito para utusan siya? “I have my name and beside’s she not your property.”
“Ano naman ang pakialam mo? As long as I’m here, she’s mine.” Bigla nitong hinila ang braso ni Chilien dahilan para mapalabas siya ng bar counter.
“Bitiwan mo nga ako!” pagpupumiglas nito. “Kahit kelan hindi ako sa ’yo and I don’t even know you.” Saka pa nito pilit inialis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa braso ng dalaga.
Hindi niya hahayaang mapahamak ito lalo na at bati na sila. Bakit ba hindi niya ito matiis kahit saglit?
“Chil, ano mo ba ang pakialamerong lalaki na ito?” Nagkalkal nang maisasagot si Chili pero huli nang maunahan niya ito.
“I’m her fiancé,” biglang sagot niya.
Tahimik pareho sina Icequiel at Chili wari mo ay nag uusap sa utak nang biglang magsalita si Alejandro. “Your lying.” Masamang tingin pa ang pinukaw nito sa kanya na akala naman niya ay ikababawas ng kgwapuhan niya.
Ginantihan din niya ito ng masamang tingin. “I’m not.”
“Yes you are! I never heard na nagkanobyo si Chilien. Matagal ko siyang hinanap at nakikibalita and that is very impossible that you are engage with her,” Nakatiim-bagang at tuloy tuloy na sabi pa nito na may bahid talaga ng pagduda sa kanila.
Talagang gusto nito ng proof. Kinabig niya ang baywang ni Chilien and he hold her nape. That was a very passionate and he intended to deepen the kiss. Pulang-pula at hinihingal pa na pinakawalan niya si Chili. She also felt a slight trembling with this man brought from the kiss.
Nakita naman niyang namula rin si Alejandro dahil sa pagkapahiya at sa galit. Padabog pa itong lumabas ng Bar and Shop ni Icequiel. Lahat ng naroroon ay sa kanila na ang atensyon, may nakangiti, nakangisi, may mga nagtaka at lumaki ang mga mata sa naksaksihan.
Tila nagdidiwang na naman ang sistema niya. Nakaisa na naman siya. Sa inis yata nito sa kanya ay binulungan siya sa tainga niya.
“Thanks for the spare.” She grimaced. “I will kill you for this, I swear.”
Mabilis na tinalikuran siya at diretsong naglakad palabas ng Bar and Shop niya. Ngunit bago pa man siya tuluyang lumabas, malutong na tawa na ang pumailanlang sa lugar na 'yon.
Is he making fun of her? He even know too. Gusto pa sana niyang pigilan ang dalaga pero mukhang hahabulin nito ang gagong iyon para magpaliwanag sa ginawa niya.