MABILIS naman ang paggaling ni Chilien. Nakabihis na nga siya at ibabalik na rin siya ni Icequiel sa Manila. Napahinto ang mga mata niya at napako sa kabuuhang hitsura ng binata nang lumabas ito ng bahay para ihatid na siya sa Manila. He was wearing checkered polo shirt and maong pants na lalong naghatid dito ng matinding kagwapuhan, he looks more appealing. Kung tutusin kahawig nito si Woo Chun na ngayon lang niya napagtanto.
And she didn’t understand why he affected her that much, dahil ba sa sakit niya o dahil sa kinain niya kaya pinagpapantasiyahan na niya ito ngayon.
“Baka may gayuma ang pinakain mo sa akin,” bigla niyang naiusal na dapat ay sa isip lang.
He fair her a seductive smile.“Bakit, nai-inlove ka na ba sa akin?”
Nasamid siya sa sinabi nito. Pero, na-iinlove na nga ba talaga siya sa lalaking minsan na niyang nakaaway. “Ang kapal mo noh," todo tanggi niya.
“Kinilig ka naman. Okay lang 'yan, basta sa akin lang. Swerte mo, gwapo ang kaharap mo, 'wag ka ng mahiya.”
“Tse! Mukha mo!” Saka siya nag-iwas ng tingin dito.
“Let's go.” Sabay bukas nito ng pinto ng kotse sa driver's seat para makasakay siya.
She twinked but then she stared straighty at him and she notice sadness in his eyes Nalulungkot nga ba talaga ito? Pero, bakit naman?
Ginamit niya ang damit na ibinigay nito sa kanya nakita pa nga niya ang may katandaang babae na lumabas sa bahay at may dalang mga panlinis, ito yata ang katulong na maglilinis sa kabahayan at ito rin siguro ang nagbihis sa kanya. Hindi na lang niya inusisa ang babae.
Nakonsensiya sa ginawa niya dahil wala naman pala itong nais na masama kaya napag isipan niyang mabuti ang dapat munang gawin.
Lumapit naman siya, hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa at manghang mangha ito sa kanya at sa kagandahan niya.
“Shall we?” ulit nito. Agad niya iyong isinara at pinigilan ang pintuan.
“I made up my mind, ayaw ko pa palang umuwi. Gusto ko munang mamasyal, maganda na ang panahon.” Puminta rito ang isang pilyong ngiti na nakarating sa mata nito.
“T-Talaga? Sigurado ka ba riyan?” Nagulat ang kupal, he was smiling from ear to ear. “Anong gagawin natin?”
“Alangan namang magtitigan? This is your place, so, dapat lang na ipasyal mo ako.” Inilagay niya ang mga kamay sa likuran. “Anti-boredom.”
Parang bituwin sa langit na lalong nagningningan ang mga mata nito. PInasakay siya nito at dinala siya sa isang Parke, ito ang makalumang parke ng lugar na iyon.
“Ang ganda rito noh.” Naramdaman niyang ginagap nito ang kamay niya nang hindi siya nagreklamo tuluyan na nitong pinagsalukap ang mga palad nila. “Gusto kong dalhin dito ang taong mahal ko at pag aalayan ko ng buhay ko, lumigaya lang siya.”
Napalingon siya rito. “Ang suwerte na man niya.” Nginitian siya nito at muling tumingin sa paligid. Napansin niya ang lumalim na dimple nito dahil sa pagngiti. “Salamat hah.”
Bigla itong nag-thank you sa hindi malaman niyang dahilan. Nagtatanong na tiningnan niya ito.
“Thank you because I found my soulmate.” Minsan, isip bata ito at ngayon uso pa rito ang soulmate.
“Soulmate?”
“Oo. Ganoon talaga pag gwapo na romatiko pa.”
Inirapan niya ito bilang tugon. “You’re pathetic, antipatiko.”
“Gwapo naman.”
HINDI na siya kumontra dahil totoo naman talaga, ayaw lang niyang aminin baka lalo lang nitong ikayabang. Kung tutuusin pati mga empleyada niya walang tulak kabigin sa hitsura nito, habol tingin pa nga at nagpapapansin pa rito.
“You’re cute.” Biglang umasim ang mukha nito sa papuring sinabi niya.
“Nakakasama ka ng loob.”
“Hah.” Aba, binati na, sumama pa ang loob.
“Ikaw lang ang nagsabi sakin niyan. Everyone says gwapo raw ako.”
Nang ayain siya nito sa ferris wheel, hindi na siya nag-atubili. Sinakyan din nila ang iilang rides na naroon, naglaro pa nga sila sa perya. Ilang oras din silang nawili at parang nalimutan na niya ang lahat hindi na ninais pang bumalik sa totoong mundo, ang business.
Muli silang bumalik ng bahay nang umabot na sila sa pananghalian. Nakahanda na ito ng makakain nila saka umupo sa tapat nito.
“Mr.Tamayo,” tawag niya rito.
“Call me Ice.” Nilagyan siya nito ng kanin sa plato.
“Bakit lahat ata ng gamit mo pandalawahan lang?” Wala kasi siyang ibang napansin, sa kwarto, dalawang unan, sa banyo, dalawang tuwalya, dalawang toothbrush at pati ba naman dito sa kusina nito, dalawa lang ang plato na may dalawang pares na tinidor at kutsara.
Ngumiti ito bago sumagot. “Dahil gusto kong dito tumira kasama ang babaeng mamahalin ko. Kaso mukhang malabong mapansin niya ako.”
She cleared her throat bago sumagot, "Baka naman kasi nagyabang ka na naman."
"Anyway, bagong gawa lahat ng narito. Ito ang pinagkaabalahan ko kaya madalas akong nawawala sa Bar and Coffee Shop."
"Binili mo ang buong lupain?"
Tumango ito. "Gusto ko talagang dito tumira kasama ang babaeng mahal ko, pero kung tututol siya, puwede ko namang gawing Rest House."
Sa hindi niya malamang dahilan ay parang kinurot ang puso niya tuwing may binabanggit itong iba. Kung tutusin, hindi dapat siya nanghihinayang pero bakit parang kumirot ang puso niya sa isiping may iba itong pinaglalaanan ng pag-ibig nito. Nang matapos ang pagkain nila, parang kapeng biglang nag-iba ang timpla niya.
“Mabuti pa iuwi mo na ako, baka magalit pa ang kung sino mang babaeng ititira mo rito lalo na nang gamitin ko ang mga gamit na para sa kanya.”
“Okay.”
Mabilis rin naman ang byahe nila, itinapat na nito ang sasakyan sa tapat ng gate niya. Mabilis na bumaba ito ng sasakyan umikot para pagbuksan siya at hinayaang makababa ng sasakyan. Matataas na pader ang nakapalibot sa bahay niya na animo ay isang pabrika at isang mataas din na gate.
“You can come in,” pagbasag niya sa katahimikan nito dahil hindi na ito umiimik hanggang makarating sila sa bahay niya.
“Hindi na. Magpahinga ka na.”
“Okay. Thanks.”
“Yeah.” Pero parang wala pa yata itong balak umalis at mukhang may gusto pang gawin. Tatalikod na sana siya nang bigla siya nitong kabigin at niyakap. “Thank you rin.” Mabilis lamang iyon, agad na itong umalis at sumakay sa sariling sasakyan.
Nagmamadali naman siyang makapasok dahil sa patuloy na pagkabog ng dibdib niya, na parang nakipag-marathon siya sa bilis ng t***k ng puso niya. Nakahawak pa rin siya dibdib nang tuluyan na siyang makarating sa sala ng bahay.
“Ma’am, may bisita po kayo.” Bungad ng katulong niya.
“Who?”
Ngunit naunahan nito ang katulong niya na sumagot. “Hi.”
Nanlaki ang mata niya nang makilala ang lumapit sa harapan niya ang lalaki. It’s her ex-boyfriend.
“Alejandro?”
“Yeah. Kumusta?”
“What brought you here?” Kinausap niya ang silbidora na maghanda ng makakain at maiinom nila.
“May naghatid sa’yo?”
“It’s business” Isa pa, ano namang pakialam nito kung sino man ang kasama niya.
“Ow,” Umarko ang kilay nito na mukhang hindi naniniwala sa sinabi niya. “But your secretary told me, he was your suitor.”
My God! Ano kayang pinagsasabi ni Bhea habang wala siya? “No, he’s not courting me,” mariing tangi niya dahil tiyak naman siyang may iba itong nagugustuhan at sa palagay niya'y hindi siya iyon. “Bakit ka narito? Nanggaling ka sa Resto ko?” Gusto pa sana niyang pagalitan ang katulong na nagpapasok dito, hindi na lang muna niya pagagalitan.
“Yes,” he answered the last question. “Here.” Iniabot nito ang bouquet ng flowers. “I know daisies are your favorite.” Katatapon lang niya ng mga bulaklak n aiyon, ngayon parang ghost of the past na naman.
Gusto sana niyang sabihing hindi na ngayon, kaya lang nakapagtatakang natandaan pa nito ang mga hilig niya. Matagal bago niya alinlangang tinanggap ang mga bulaklak na inabot nito.
“Baka hanapin ka ng wife mo.” At mapagbintangan pa siyang kabit ng asawa nito.
“You never heard the news, do you?”
Aba! Malay ba niya sa balita at ano naman ang pakialam niya roon? Mula nang ipagpalit siya nito, wala na siyang pakialam sa kung anong mayroon ito.
“Hindi natuloy ang wedding.” Nagulat siya sa sinabi nito, bakit naman mangyayari iyon? Ito pa nga ang nag announce ng wedding tapos hindi lang nito itutuloy. “She ran away. She gave me a letter na mas mahal daw niya 'yong James na foreigner na nakilala niya sa L.A.”