UMISMID si Chilien at nais pa sanang magmaktol nang ma-realized niyang may point naman ito. “Hindi porque pinakain mo ako, palalampasin ko na ang ginaw—“
Napahinto siya sa pagsasalita nang bigla ba naman nitong isubo sa bibig niya ang nahimay nitong crab.
Agad niyang inabot ang tinidor sa plato niya at itinapat dito. “Subukan mo lang na subuan uli ako, itatarak ko talaga ito sa leeg mo.” Iniamba pa niya ang hawak niyang tinidor, napatras pa ito ng kaunti, natakot yata sa ginawa niya.
'E di, nanahimik ka ngayon.' Saka pa siya muling ngumiti at inuunti-unti ang pagnguya.
“Cute.” Nabaling ang tingin niya rito na hindi niya napansin na nonood lang pala sa kanya.
“What?” Naguluhan pa siya sa iniasal nito.
“Wala. Ang ganda mo kasi.” Saka pa ito nagtaas ng dalawang kamay at inilagay sa likuran niya at bahagyang sumipol. “Sana may kasunod pa.”
Ano na naman kaya ang iniisip nito? “Hindi pa kita napapatawad sa ginawa mo.” Walang ganang sabi niya rito.
“Alam ko. Hindi naman ako magsosorry ng sobra para lang 'don.”
“What?” Bahagya yatang nagpanting ang tainga niya sa sinabi nito, ito na nga ang may kasalanan, ito pa ang may ganang magmalaki, ang kapal ng mukha ng kupal na ito.
“You did enjoy the kiss.” Iyong kaninang inis na naramdaman niya, lumala yata, nais na niyang pilipitin ngayon ang leeg nito.
Napapalo siya sa mesa. “I did not enjoy it!”
“Well, nevermind, saka mo na lang ako pasalamatan” Saka ito tumayo at iniwan siya. Hindi na siya nakapagpigil sa inis na nararamdaman, inihagis niya sa direksyon nito ang tinidor, malas namang hindi ito natamaan, tumunog lang sa sahig.
“Damn you! Grr!”
Ipinakita nito ang kwartong tutulugan niya matapos niyang makapaligo at makapag bihis na ito rin ang bumili at himalang alam nito ang sukat ng katawan niya dahil sukat na sukat ang mga iyon.
Nang lumabas siya ng banyo nakita pa niya itong inaayos ang kamang hihigaan niya. “Gusto ko ng bumalik.”
Napalingon sa kanya ang binata, umayos ng tayo saka muling nagsalita. “Don’t worry babalik din tayo.”
“Gusto ko ngayon na,” matigas na sabi niya.
“Hiniram kita ng isang araw, kaya bukas na kita ibabalik.” Lalong nagtangis ang bagang niya nang marinig niya ang sinabi nito. Sa totoo lang hindi niya nais na makasama ito nang ganoon katagal hindi lang dahil sa takot siya, kundi takot siyang magkaroon na ng meaning ang nararamdaman niyang inis para dito.
“W-What did you say?” Nangunot ang noo niya, pakiramdam niya, bangungot na makasama niya ito ng matagal.
Maraming puwedeng mangyari at hindi niya papayagang hawakan man lang siya nito.
Lumapit ito sa kanya, naalerto siya at napaatras pero na-corner na siya nito, kinuha na lang niya ang lakas sa pagsandal sa pader. Ramdam na ramdam niya ang hininga nito at amoy na amoy niya ang pabango nito, hindi masakit sa ilong at masarap sa pang amoy. Tila nakakaadik at malapit na siyang malunod sa amoy nito.
“Chili face.” Nanumbalik ang inis niya rito nang maamoy niya ang hininga nito.
“Don’t change the topic. Anong ibig mong sabihin? Bukas mo pa ako iuuwi? Are you out of your mind?"
“Yes.” Nakatingin ito sa mata niya, nagrambulan na naman yata ang daga sa dibdib niya at bigla na lang kumabog. Mukhang hindi ito nagbibiro. “Kung magpapakabait ka sana hindi dapat mae-extend. Kung magpapasaway ka pa rin, I’ll make it three days”
Three days? Maraming puwedeng mangyari at maaring mangyari sa loob ng tatlong araw at lalo namang kasama niya ito.
“No way! Uuwi ako, one day for your tantrums is enough!” Nagpumiglas siya rito pero lalo lang siya nitong kinulong at hinawakan ang makabilang niyang mga kamay and pin it above her head.
“Wala kang magagawa. Dito ako ang batas. Have you seen the environment, walang masasakyan pauwi, not unless ihahatid kita.”
Talagang pinagdiinan pa nito ang salitang batas, oo at nanalo ito pero hindi niya hahayaang magpatalo dito. Nanlalaki ang mata niya nang bigla siya nitong hinalikan uli at ang halik na 'yon, mapaghanap at nang-aakit. Lumalim ang halik nito hanggang bahagyang kagatin nito ang ibaba niyang labi, napasinghap siya, dahilan para mapaawang ang bibig niya, giving additional access to roam her mouth using his tongue.
Pakiramdam niya nanlalambot ang mga tuhod niya at kinukuha nito ang lakas niya, lalo pa nitong idiniin ang katawan sa kanya, ramdam na nga niya ang matitigas na muscles sa dibdib nito.
Wala naman sana siyang balak mag-response but she didn’t know why she’s enjoying his kisses. Ni hindi nga niya namalayang naakay na pala siya nito sa kama at ang mga kamay nito ay naglalakbay na sa legs niya, kahit pa nakasuot siya ng bestida. Unti-unting umaakyat ang kamay nito mula sa tiyan niya hanggang sa didbdib . He was massaging it inside her dress lalong nagdulot iyon ng kakaibang boltaheng nag-akyatan sa katawan niya at nang iniangat na nito ang bestidang suot niya, saka lang siya nagising sa ginagawa nitong pang-aalure sa kanya.
Agad niya itong naitulak at nagtatakbo palabas ng kwarto. Nanghihina pa rin siya, pakiramdam niya sumakit ang kalamnan niya, pero hindi siya makakapapayag na magpatuloy ang pang-iinis nito sa kanya. Patakbo siyang lumabas ng kabahayan at nang matunton na niya ang hinahanap ng kanyang mata agad siyang pumasok sa loob ng kotse ng kupal. Pasalamat na nga lang at hindi ito naka-lock, agad ay hinagilap niya ang bag.
“I’m sure, nasa loob ng bag ko ang phone ko.” Ngunit nahalungkat na niya pati comporter ng sasakyan nito, wala roon ang hinahanap niya. Paano pa siya magpapasundo para makauwi? “Hindi kaya, itinago niya.” Bigla siyang naupo at natahimik. “Teka, teka lang.” Agad niyang napalo ang sariling noo sa malalim na pag iisip. “Ang tanga mo, Chilien! Stupid!” She realized she did not bring her bag even her phone when that man pulls her.
“Grr.. kaasar!” Lalo lang siyang nanggigil. Pakiramdam niya nagdidiwang na ang kupal na 'yon para inisin siya ng husto. “Isang Chilien Mendoza Fabregas, magpapatalo. Fine! If he wants to play, I will give what he wants. Magtutuos tayo, Icequiel Tamayo!”
Para namang nagdilim ang langit dahil sa galit niya, pati ang kalangitan, nakisama sa kanya. Nang lumabas siya ng kotse nito at maglakad na para puntahan ang kupal, napatigil siya nang marinig ang malakas na pagyanig ng langit dahil sa kulog at kidlat kasunod ang malakas na ulan.
“B-bakit?” Oo nga, bakit umulan? Samantalang kanina lang maganda ang araw para inisin siya nito, nagawa pa nga nilang mamasyal. Lalo pang lumakas ang kulog, pakiramdam niya malapit lang ito, nagtakip na siya ng tainga. “Please stop! 'Wag nyo akong parusahan..” Hindi na niya kinaya, naghalo na nga rin ang luha at ulan. Napaupo na lang siya na nakatakip pa rin ang mga kamay sa mga tainga niya habang nakayuko.
“Mom, Dad please guide me.” Para na siyang batang nanghihingi ng candy. “Please stop this lightning specially the thunder.” God and her parents knows how she hated this thunder.
Ilang minuto lang, wala ng ulang bumabasa sa kanya ngunit hindi pa rin siya dumidilat. Huminto na ba ito? But she still heard the rain pouring down with lightning and thunder breaking her ears. Unti-unti siyang nagdilat and someone led her an umbrella, tiningala niya ito.
“I’m sorry, hindi kita agad nahanap.”
Kasunod niyon ay nagdilim na ang paningin niya at nawalan na siya ng malay tao.
Nang bumalik ang ulirat ay nakahiga na siya sa kama at balot ng kumot. Bigla siyang napabalikwas ng bangon, that was same room he led for her, bumalik sa alala niya ang huling scene bago pa siya mapunta sa kama. Ngunit bago pa siya tuluyang makatayo, sumaltik ang kanyang ulo, pero wala namang masakit sa katawan niya. Napatingin siya sa sariling katawan, iba na ang suot niya. Sino kaya ang nagbihis sa kanya? Ayaw niyang isiping ito ang nagpalit ng damit niya?
Bumukas ang pinto ng kwarto kaya automatic na hinablot niya ang unan at ibinato sa nakatayong lalaki at may bitbit na tray ng pagkain. Nakangiti pa ito para siguro batiin siya kaya lang ay biglang naglaho matapos niyang batuhin, sayang at nakailag na naman ito.
“What have you done to me? Anong karapatan mo para bihisan ako!” reklamo niya.
Inilapag muna nito ang tray sa mesitang malapit sa kama. “Calm down, wala akong ginawang masama sa’yo. Bigla kang hinimatay matapos kitang payungan. Are you okay now? Do you feel better?”
Hindi siya smagot, lumapit ito at umupo sa tabi niya saka nag-landing ang kamay nito sa noo niya. “Mabuti naman at bumaba na ang lagnat mo.”
“Gabi na iuwi mo na ako.” Sa wakas ay kumalma rin siya.
Inaasahan niyang sasalangin nito ang sinabi niya ngunit natawa lang ito sa kanya. The hell! Mukha ba siyang nagbibiro?
“I’m serious!” Nagtataasan na yata ang nerves sa ulo niya because this annoying guy.
“It’s eight in the morning.”
“It’s ei—what?” Bigla siyang naguluhan at nabingi sa sinabi nito.
“Talaga bang humihina ang catch-up mo sa lahat ng sinasabi ko?” Umupo pa ito, itinaas ang kamay at hinimas ang ulo niya na parang nagpapaamo ng pusa. “Sabi ko naman kasi sayo , 'wag mo ako masiyadong isipin, para 'di ka maabsent minded. Maniniwala na tuloy ako sa 'yong patay na patay ka sa 'kin.”
Sa asar niya, pinalo niya ito sa braso at napahiyaw ito sa sakit.
“Sadista ka rin eh noh.”
“Mabuti, alam mo. Kaya umayos ka bago ko maubos ibato sayo lahat ng nakikita ko dito sa kwarto.”
Umayos ito ng upo at humarap sa kanya. “Kahapon ka pa natutulog, dahil siguro sa taas ng lagnat mo at umaga na po ngayon.”
“Ngayon?” Napasabunot siya sa sariling buhok. “Nakikiusap ako, iuwi mo na ako.”
“Sa lagay mong ‘yan. May sinat ka pa rin. You can’t go home yet without my permission.” Saka ito tumayo. “Kumain ka na.”
Humalukipkip ito at lumabas na ng kwarto na isinara pa nito.
“Bwisitt!!!” Nanggigil na binato niya uli ito ng unang dinampot niya sa sahig na hindi man lang umabot dito, pintuan lang ang nakinabang.
Tumayo siya para habulin ito ngunit nabigla siguro ang katawan niya, naramdaman niya ang sakit ng ulo, bigla siyang nahilo at nawalan muli ng malay.
Napaakyat nang wala sa oras si Icequiel nang marinig na may kumalabog sa kwarto. “Chili! Chili!” Natatarantang binuhat siya nito pabalik ng kama.
Nang magising siya, ito ang nabungaran niya, nakasandal sa pader at naka-cross arms na akala mo ay model ng isang sikat na apparel.
Sinipat niya ito ng tingin, hindi man lang niya napansin ang magandang tindig nito, ang square jaw at ang mata nitong laging nakangiti. At hindi niya pwedeng itanggi ang kakisigang taglay nito at ang katotohanang gwapo talaga ito. Bahagya siyang pumikit, bakit ba naisipan niyang i-acess ang hitsura nito? Nagdedeliryo na ba siya?
“You’re blushing,” kuway sabi nito. “Alam kong gwapo ako pero hindi ka mabubusog kung titigan mo lang ako. Eat some.” Naroon pa rin ang kayabangan nito. Pambihira!
Napahawak siya sa pisngi na hindi niya alam kung totoo ngang namula siya.
Kinuha nito ang tray para sana ito na ang magsubo sa kanya nang tanggihan niya, “You don’t have to.”
“I want to take care of you.”
'Hala! Take care of me raw?' Ah oo nga pala, may sakit nga pala siya and that is nothing more than that. Kinuha niya ang lugaw at siya na ang nagsubo sa sarili niya.
“Ubusin mong lahat 'yan para lumakas ka. Ibabalik na kita at hindi ko hahayaang may mangyari pang masama sa ’yo. And I don’t want to be the reason of your pain.”
Bigla na namang kinabog ang dibdib niya, kamuntik pa niyang mailuwa ang laman ng bibig dahil sa huling sinabi nito.
“O,” alok nito ng tubig.
“Salamat,” naiusal niya.
“Magpagaling ka na. Iuuwi na kita.” Biglang lumungkot ang tinig nito.