NAPAHIGPIT pang lalo ang kapit ni Chilien sa kamay ni Icequiel na nakahawak sa renda ng kabayo, she heard him chuckled.
“Akala ko ba hindi ka takot sa kabayo?”
“O-Oo naman, nalula lang ako at nabigla,” pagsisinungaling niya. Ayaw niyang malaman nito na may kahinaan siya baka gamitin pa nitong panakot sa kanya.
He whispered in her ears. "I told you, trust me. I will take care of you, as long as your’e here, no one will harm you.”
Ramdam niya ang mainit nitong hininga sa puno ng tainga niya. Those words felt like music to her ears—na kahit anong mangyari hindi siya pababayaan nito.
“Relax,” he told her once. “Open your eyes.” Alam yata nito na napapikit siya kanina.”This moment should not be wasting, tingnan mo.” May itinuro ito.
Dumilat na rin siya nang marinig niya ang lagaslas ng tubig. Para silang nasa isang paraiso, may magaganda at hitik na punong kahoy, may mga bulaklak sa tabi-tabi. It wasn’t just mix of green colors, shades of different colors are everywhere.
Bumaba na ito sa kabayo saka siya inalalayan upang makababa rin. Nakapamaywang siyang tumingin dito.
“Hey! kanina ko pa napapansign panay ang tsansing mo sa be'wang ko,” pagmamaktol niya.
Tinalikuran siya ng kumag dala nito ang kabayo. “Kung gusto mong gumanti, pwede mo rin akong tsansingan.” Hindi na nakarating iyon sa pandinig niya.
“Anong sabi mo?”
Ngunit, bigla na itong tumakbo nang matiyak na naitali ng maayos ang kabayo. Nang abutan niya ito, naghuhubad na ito ng damit, napatalikod siyang bigla nang huling damit na ang hinuhubad nito. Naglakad na lang din siya malayo—malayong-malayo rito. Gusto rin niyang maramdaman ang paraiso. Oo, ang dami pa kasi niyang kaartehan. Ni hindi na nga niya matandaan kung kailan ang huling beses na nagpunta siya sa ganitong klaseng lugar na kumalma siya ng todo.
Nagpalinga-linga muna siya, makasigurado lang na malayo na sa paningin niya ang kupal na iyon. Nag-umpisa na rin siyang maghubad, at wala rin siyang itinirang saplot sa katawan. Agad siyang naglublob sa mistulang batis at halos green at blue na ang kulay sa linis nito. Inulubog niyang maigi ang kahubaran.
'Hmmm.. Siguradong enjoy rin ang kumag na 'yon, 'wag lang niyang subukang lumapit sakin, makaktikim talaga siya,' usal ng kanyang isipan.
Lumangoy-langoy pa siya hanggang makarating sa kabilang dulo. Pabalik na sana siya ng langoy nang maramdamang lumalakas na ang alon at dahan-dahan siyang hinahatak, nang lingunin niya, pababa na pala ang talon na iyon.
“Ahh! Help!” She have’nt had the choice but to scream for help “ Someone help me! Help!” Napakapit siya sa bato.
Naalarma ito sa pagsigaw niya at mabilis na hinanap siya. Nakabihis na ito liban sa tops nito.
“Chili, anong nangyayari sa’yo?” sigaw nito.
“Anong bakit? Tingnan mo malalaglag na ako sa talon!”
“Hold on! wag kang gagalaw”—
“Huwag!” pigil agad niya, saka lang niya naalalang, she’s totally naked. Duh! Hindi pa niya pinangarap na masilipan, lalo namang hubad na hubad siya.
“Bakit?” balik na sigaw nito. Mabuti na lang at malayo ito sa kanya.
“Kumuha ka ng lubid, or any kind of breed. Bilisan mo lang!” sabi niya sa pinakalmang boses.
Mabilis naman nitong sinunod ang instruction niya, pagbalik nito may dala na itong kabayo. Inihagis nito ang lubid, ang kabilang dulo ay nakatali sa kabayo nito.
“Chilien! Do you hear me?”
“Oo, Naririnig kita!”
“Kumapit kang mabuti!”
Nagsimula na itong patakbuhin ang kabayo, pinatatag niya ang dibdib, ang alam niya, kailangan niyang tawagin ang lahat ng santong kilala para magdasal. Awa ng diyos, she’s safe now. Nasa ligtas na siyang parte ng tubig nang marinig niya ang mga yabag, si Icequiel Tamayo pala. Ano si Icequiel? Agad siyang nag-angat ng ulo.
“Don’t! Don’t look and don’t go near me!” banta niya. “Turn around!” sigaw uli niya, pero hindi ito agad tumalikod. “I said look back, Tamayo!” sigaw niya uli rito. After a few seconds, he followed her. Nang matanaw niya ang sariling damit, patakbo niya itong dinampot at mabilis na nagbihis.
“Wag kang titingin, don’t until I told you.” Finally, she’s fixed and covered.
“Okay na ba?”
“Oo,” sagot niya. Nagpatiuna na siyang naglakad at bahagyang lumapit dito.
“Salamat talaga, utang na loob kong muntik na akong mamatay dahil sa pagpunta natin dito,” sarkastikong sambit niya habang nakaplaster ang peke niyang ngiti.
“I’m sorry. I did not expect it.” Lumungkot ang anyo nito.
“That’s so nice of you, You know I really want to kill you for this.” Nakuyom niya ang sarili palad. Naglakad siya patungo sa kabayo nito.
“Let me go home. You’re just wasting my time.”
NARINIG niyang sumipa ito ng bato. She was so disappointed, gusto man niyang i-enjoy, hindi na niya magawa dahil inis ang namamayani sa isipan niya. Nakarating sila sa tapat ng pinuntahan niyang bahay. Ibinalik na nito ang kabayo sa stable. Binuksan nito ang pinto papunta sa loob para makapasok siya.
“Mr. Tamayo, I really appreciate this, but the fact that it’s scared me to death, I don’t want the idea of it.” Saka siya pumasok sa loob ng bahay.
“The real thing, I just want to make things out with you.”
What does he mean? Making things out? She made a ‘What-was-that mean-look’ She was puzzled, ito lang yata ang taong di niya kayang basahin ang iniisip. Isinara nito ang pinto then moves an inch into her para nakakahinga pa rin siya. Napaatras siya at napasandal sa pinto. She starting to count on her mind. One! nagtaas ito ng kamay. Two! He was cutting the distance between them, patuloy ang lapit nito sa kanya kahit wala na siyang matrasan. At the count of three, tatakbo na ba siya?
Binuka niya nang bahagya ang labi para man lang may lumabas na salita at pigilan kung ano mang bagay ang nasabi niya. Natitiyak naman niyang wala siyang masamang sinabi para magalit ito sa kanya. Teka nga, hindi ba dapat siya ang magalit dito? Wala itong karapatan para magalit sa kanya.
His thumbs went into her lips to stop her words. Sobrang lapit na nila sa isa’t isa, they can exchange breaths. Napalunok na siya.
“You know what I mean, Chilien, or is it cute to say Chili.” Napasuklay ito sa sariling buhok. Is he frustrated being with her? “Paano ko ba ito uumpisahan? I just want a peace of mind. I want to be your friend. I want to be the one who you can lean on.”
Iyon lang pala ang sasabihin pinatagal pa. Nataasan niya ito ng kilay. “And so? Your point is?” This man is really irritating and infuriating. Darn!
“Magalit ka kaya kung..”
Napakunot ang noo niya rito. Di niya talaga mabasa ang laman ng isip nito. Wala siyang idea, kung ano ba talaga ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya.
She was shocked with what this man did to her.
'God! He’s kissing me, this Jerk!' piping usal ng kanyang isipan.
Nanlalaki ang dilat na dilat niyang mata, instead na pumikit ay itinulak niya ito. But the Jerk, deepen the kiss, caressing her lips. Nakakapit ito sa ulo niya, at ang isang kamay naman ay nasa baywang niya. Kahit anong gawin niyang pagtulak, lalo lang nitong pinatutunayang mas malakas ang lalaki sa babae.
“Let me g—“ she said between kisses. Kung hindi pa pala ito kinapos ng hininga wala pa ata itong balak bitiwan siya. Isang malakas na sampal ang pinalipad niya sa makinis nitong pisngi.Bahagyang napapilig ito sa lakas ng sampal niya.
“Why did you kiss me?”
“Sorry. You provoke to invite me.”
“What!”
Naglakad ito palayo sa kanya saka muling nagsalita.
“Next time, don’t look at my eyes or I’ll do it again.”
“Ano? Ang kapal naman ng mukha mong impakto ka!” Huminto ito sa paglalakad para harapin siya.
“Kung impakto ang gwapong mukhang ito, kanina pa kita inaswang.”
She felt blood rushing through her face dahil sa sinabi nito lalo na nang maalala niya ang scene kanina.Pakiramdam niya double meaning lahat ng sinasabi nito. Nagsisi tuloy siya, bakit ba kasi naisipan niyang gayahin ito kanina? Sana pala hindi na lang siya naligo.
“Let’s go and eat.” Tumalikod na uli ito at napansin niyang nakangiti ito, a smile of victory.
Dalahirang sinundan niya ito at ang kupal pangiti-ngiti pa. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ng pagngiti nito, ang pagsampal niya o dahil sa ginawa nito kanina lang?
Pero hindi maikakaila ang pagiging gentleman nito nang ipaghila siya nito ng upuan at handaan ng makakain. Hindi mawala-wala ang inis na nararamdaman niya rito kahit ang totoo, natutukso na siya sa pagkaing inihanda nito lalo na nang buksan nito ang buko at ilagay ang straw sa gitna ng butas na iyon. Napalunok siya, gutom na gutom na talaga siya.
Go! Chili, kainin ang pride este ang food!
Nang mahawakan niya ang spoon and fork agad niyang nilantakan ang hipon saka sinunod ang alimasag. Saan ka ba makakatikim ng fresh na pagkaing gaya nito? Kaya masarap talagang tumira sa probinsiya. Kung hindi nga lang siya sanay kumain ng pangmayayamang pagkain, hindi sana niya ipahahalatang nahihirapan siya ngayon sa pagkain at paghimay ng alimasag. Natatawang sinulyapan siya nito.
“Mistress, kinakamay po kasi ‘yan at hindi sinusundot-sundot lang.”
Ano? Tama ba ang rinig niya? Kakamayin daw. Duh! Asa pa siya, hindi niya naranasang gawin 'yon, pero ang kupal kinamay nga at kinuha mula sa plato niya ang alimasag at sinimulang himayin.
“What are you doing? That’s mine!” Hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa karumaldumal na pagwasak nito sa walang kamalay malay na crab.
“I’m doing this for you.” Masuyo pa nitong binuksang maigi ang crab, gusto na nga niyang itarak ang tinidor sa lalamunan nito kung hindi lang siya nagtitimpi.
'For me raw. Ano ba ako incompetent?' “FYI, I can do it on my own.” She pouted at saka nagcross arms sa harapan nito.
“Kaya pala halos madurog na lang ang balat ng pobreng alimasag na ito” Na ang tinutukoy nito ay ang hinihimay “Ay wala ka paring nakakain.”
Sinimangutan niya ito pero sa loob-loob niya ay napapangiti siya. Maybe this will be the start.