TRESH 10

2300 Words
SINULYAPAN ni Tresh si Joshana upang muling maaliw sa ekspresyon ng mukha niya. "So, will I move in your room?" panunukso nito sa kanya. “No!" kaagad ay kastigo niya. "Mag-asawa pa lang tayo sa papel, baka nakakalimutan mo. We are not a real life couples.” “Okay. Then let me do it my part, I show you how a husband should be.” Hindi talaga siya nakatulog ng maayos sa tuwing maiisip niyang nasa ibaba—sa visitor’s room, ang asawa niya sa papel. Mukhang handa nitong gawin ang kahit na ano para sa kanya. Hanggang saan naman kaya ito tatagal para sa pagsubok niya and proving that he worth her and her forgiveness. “Good morning Misis. Are you going to eat?” nakangiti pang bungad nito pagkababa niya mula sa second floor ng bahay. "Heto!" sabay hampas ng papel sa dibdib ni Tresh. "Ano ito?" Napatingin si Tresh sa animo ay listahan ng utang dahil sa haba. "Ipagtimpa ng gatas sa umaga, dried foods lang ang almusal. Bawal ang green peas. Magpagpag ng mga unan, magmop, magdilig ng halaman at.." Nilapitan na nito ang asawa. "Teka lang, asawa ako, hindi house boy," saad nito sa kanya. "Kung kumokontra ka sa lahat ng nariyan, you can walk out my door anytime," sabay sip sa iniinom na timplado ni Aling Magda. "Thanks sa milk, Manang," sabay tingin sa may edad na katiwala. Nakasuot na siya ng pang-opisina at gusto niya talagang ipadama rito na wala ito sa paligid pero mukhang mas mag-eenjoy siya kung nakikita niyang ito naman ang mahirapan. He was wearing an Apron, ewan niya kung bakit lalo yata itong kumikisig sa paningin niya. Pero hindi siya pwedeng kiligin, not too early. May atraso pa ito sa kanya. “Naghanda na ako ng almusal mo. Sabi ni Manang Magda, hindi ka raw kumakain ng rice sa umaga kaya—“ Hindi niya pinansin ang sinabi nito. She ignores him, the way as he lies to her. “Manang, aalis na po ako. Kayo na po ang bahala sa bahay at huwag nyo kalimutang bantayan ang asawa ko," gagad niya sabay nginitian ang matanda at hindi man lang sinulyapan ng tingin ang asawang abala pa yata sa pagbabasa ng printed niyang RULES but an actually HOUSEHOLD CHORES. Pasakay na sana siya ng kotse nang biglang humarang si Tresh sa daraanan niya. "May nakakalimutan ka yata, Misis," biglang sabi nito. "Huh! Alam mo kinikilabutan talaga ako sa t'wing tinatawag mo akong Misi--" Naputol ang sinasabi niya nang bigla itong dumukwang at hinagkan siya sa pisngi. "Next time, I'll make sure lips to lips na," sabi pa nitong nakaangat ang sulok ng labi saka iniwan siya. Napatanga siya sa ginawa nito, saka lang yata siya natauhan nang makaalis na ito. "Damn you Anderson!" galaiting sigaw niya saka padabog na sumakay ng sariling sasakyan. Nag-init yata ang bumbunan niya kasabay ng init ng panahon. Gusto nga niyang iparamdam dito na wala siyang kahit anong nararamdaman para rito at gusto na niyang makipaghiwalay. Ngunit kung palagi naman itong umaali-aligid, tiyak na mahihirapan siya. Kapag nagtagal pa ang ganoong relasyon nila, masasaktan na naman siya. She drove her car fast as much as she could. Dapat ay kahapon pa siya nakapunta sa opisina. Dahil nga naroon sa bahay ang asawa niya sa papel, napipilitan siyang maiwan sa bahay at magkulong lang sa kwarto. At ayaw naman niyang hayaan lang nitong gawin ang gusto nito. Gusto pa nga sana niyang bantayan ito. Pero, kung naroon siya sa bahay at magkasama sila, baka lalong lumakas ang epekto ng kupal na iyon sa kanya. Masigla siyang binati ng lahat ng mga naroroon pero dahil sa init ng ulo niya dahil kay Tresher Lance, nawala siya sa mood at hindi pinansin ang mga ito. Hindi naman nagtaka ang mga empleyado niya dahil sanay na ang mga ito sa ganoon niyang pakikitungo. She was cold as an ice and tyrant as a King. Nang madaanan ang sekretarya ay agad siyang nagsalita, "Prepare a meeting in ten minutes, immediately." "Yes Ma'am!" mabilis na sagot ng sekretarya sa utos niya. Itinipon niya ang lahat para sa gagawin nilang Volunteer Relief Operation para sa mga nasalanta ng bagyong Peping sa Isabella. Ipinahanda ni Joshana lahat ng mga staff para magkaroon ng Five hundred voluntary contributions at ang malilikom ay ibibili nila ng Relief goods at kung sino mang nais mag-donate ng mga damit, laruan o ano pang maaaring i-donate ay willing siyang tanggapin. Aabutin rin siguro ng dalawang araw bago nila matapos at maayos ang pagpa-packed ng mga relief goods. Kailangan na rin niyang madaliin ang lahat para matakasan si Tresher Lance Anderson. Hindi naman siya nagpapa-over time kaya, sinabihan niya na ang mga staff na kung sino mang nais mag-volunteer para sa re-packing ng mga relief goods ay mababayaran ang Over time. Dahil alam ng mga ito na mababayaran naman sila sa dalawang oras na extension liban sa susunod pang oras ay mabilis ding napapayag ang mga ito. Hindi naman siya maaaring mawala dahil tumutulong at nagmo-monitor din sya sa mga staff niya. Isang malaking bagay iyon para maiwasan ang kupal na iniwan niya sa bahay. She’s not ready facing him again. Dahil sa ginagawa nilang puspusang paghahanda hindi na niya namamalayan ang oras. Inabot na siya ng hating gabi at siya na lang ang naiwan sa opisina. Nang i-check ni Joshana ang cellphone niya, fifty eight miss calls and eighty text messages at lahat iyon ay nanggaling sa asawa niya sa papel—kay Tresher Lance Anderson. Muli itong nag-vibrate at kasunod ang ringtone. Minabuti na niyang sagutin ito. “Hello.” “Nasa opisina ka pa ba? Narito ako sa lobby. Sabi sa ‘kin ng sekretarya mo busy ka raw sa paghahanda para sa relief operation.” Mukhang hindi naman ito galit dahil wala sa tinig nito ngunit napansin niyang nag-aalala ito. Napabuga siya ng hangin. Hindi niya alam kung ano ang dapat ipakita rito. Gumugulo na kasi ang sitwasyon. Biglang sumagi sa isipan ni Joshana na kapag hindi niya itinuloy ang annulment, may possibility na mapasakamay nga nito ang kompanya. Ayaw niyang manggyari iyon dahil pinagtrabahuan iyon ng mga magulang niya. Ngunit ano naman ang laban ng damdamin niya? Hanggang saan ba niya kayang pigilan ang nararamdaman niya? “Hello Shana..” “Lance, nasa byahe na ako. Umuwi ka na, ‘wag mo na akong hintayin,” pagsisinungaling niya rito kasabay ang pagpatay niya sa phone. Mabilis niyang dinampot ang telepono at tinawagan niya ang guard sa ibaba para sabihing nakauwi na siya. Kahit ang totoo ay dahilan lang niya iyon, ayaw niyang makapag-solo sila at gusto niyang umuwi na wala ito o tulog na ito. Nang sabihin ng guard na umalis na ito, naghanda na rin siya sa paglabas sa opisina. Wala siyang balak makipagharap dito dahil hindi niya matanggap ang dahilan nito. NAKAPATAY na ang ilaw sa kabuuhan ng paligid, maaaring tulog na ang mga tao nang umuwi siya. Masminabuti niyang umuwi nang wala ng maabutan lalo na si Lance. Ayaw muna niyang isipin ang tungkol sa kanila dahil may iba pa siyang inaasikaso. Sa susunod na araw, pupunta na siya ng Isabella at binabalak niyang magtagal roon ng dalawang araw para lang huwag muna silang magka-komprontahan ni Lance. Hindi pa siya handa. “Sabi mo nakauwi ka na, himala yatang nauna pa ako sa ‘yo,” napahawak siya sa sariling dibdib dahil sa labis na kaba nang marinig niya ang boses nito. Hinagilap niya ang switch ng ilaw pero hindi switch ang naabot ng kamay niya kun’di ang kamay nito. “B-bakit gising ka pa?” nauutal na tanonmg niya habang hindi alam kung paano pahihintuin ang lakas at bilis ng t***k ng puso niya. Ang boses pa lang nito ay nakakapanginig na sa kanya, lalo naman ang presensiya nito. “Bakit mo ba ako iniiwasan? Galit ka pa rin ba sa ‘kin?” she felt her guilt on his voice. “Hindi kita iniiwasan, busy lang talaga ako sa trabaho,” napatungo si Joshana at lalampasan sana ito nang humarang ito sa daraanan niya. Dahil sa kadiliman, hindi niya napansin kung natapakan ba niya ito dahilan para mawalan siya ng balanse at mapadagan siya rito. Labis ang kabog ng dibdib niya, ang malakas na yumayanig sa katahimikan ng paligid. “S-sorry.” Napipilitan siyang tumayo ngunit hindi sya hinayaan ni Lance. Kahit madilim parang nagkusang maaninag ng mata niya ang mukha nito. “Lance..” tinawag niya ito. Pero hindi ito umiimik. Mukhang kinakabisado rin nito ang mukha niya. Napasinghap pa siya ng maramdamang dumampi ang labi nito sa ulo niya. Hinalikan ba siya nito? “T-tatayo na ako. Matulog ka na,” paalam niya rito. Saka nagmadaling tumungo sa kwarto niya. Kahit ang totoo ay ayaw niyang magpaalam dahil mas nais niyang yakap lang siya nito sa mga bisig. She still betrays what her heart feels. Kapag siguro tumutol na ang isip niya, baka mapilitan na siyang sundin ang puso niya kung ano man ang isinisigaw nito. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng fried rice at bacon na niluluto nito. Katatapos lang niyang maligo at ang suwail niyang tiyan ay nagre-react sa niluto ng kupal na asawa niya sa papel. Minabuti niyang lumabas na at kailangan na niyang magmadali sa pagpasok sa opisina. Kahit ang totoo ay masyado pa siyang maaga ng isang oras. Napalingon siya sa paligid. Nakaayos, malinis at mabango, mukhang ginawa nga nito ang mga household choirs. "Dapat kang maawa sa mga helper, mukhang malapit mo na silang palitan," sabi niya sabay punas ng daliri sa railing ng hagdan para siguraduhing wala ngang naiwang alikabok. "Don't worry Misis, since I'm your house husband, I'll make sure to manage it as you wish." Inirapan lang niya ang asawa at hindi pinansin. Saka lang niya napansin na walang mga tao sa paligid. "T-Teka lang, nasaan si Manang?" "May emergency daw." "Si Maya?" "Nag-day off. Hindi mo pala pinag-day off." Bigla nga niyang naalala na nalimutan niyang bigyan ng day off si Maya. "Si Mang Andoy? Huwag mo sabihing nag-day off din?" Si Mang Andoy ang hardinero at minsan ay driver niya. "Oo, masama?" tanong nitong diretso ang tingin sa kanya. Biglang nagtaasan ang balahibo niya nang lumalapit na sa kanya si Tresh. "Ayaw mo ba talagang nagsosolo tayo? Why? Asawa naman kita," and he was teasing her again. Napalunok siya at napasandal ang likuran niya sa Refrigerator. "Hindi ba dapat ginagawa rin natin ang mga ginagawa ng mag-asawa?" "U-Umayos ka nga! Mag-asawa lang tayo sa papel." "Talaga? Paano kung magpadala na ako ng Pari na magkakasal sa atin ngayon mismo sa kinatatayuan mo? Makukuha na ba kita?" Idinikit pa nitong lalo ang sariling katawan at hinapit siya sa baywang. Napapikit siya sa tindi ng proximity nilang dalawa. "Mainit ba? Pinagpapawisan ka yata." Mukhang wala itong balak tigilan siya sa pang-aasar. "You know what, gusto kitang painumin ng ecstacy nang maulit mo ang ginawa mo noon?" Napadilat siya at sinalubong ito ng tingin. "Don't you dare!" "Naalala mo pa ba ang ginawa mo? How you tease and seduce me?" "Stop it!" Umangat na naman ang sulok ng labi nito at bigla na lang siyang sinunggaban at hinalikan. Itinulak niya ito pero lalo lang siya nitong isinasandal. Hanggang umangat ang kaliwang kamay nito at napunta na sa likod ng ulo niya. Mas lalo itong nagkaroon ng pagkakataong pagsawain ang sarili sa tinatamasa nitong halik. Kinagat pa nito ang ibabang labi niya dahilan para mapasinghap siya at nang bahagyang bumuka ang mga labi ay nabigyan na niya ito ng access na galugurin ang loob ng kanyang bibig. He sip and taste everything inside her mouth. Tila nilalaro ng dila nito ang dila niya, at sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam ay tila nagugustuhan niya ang kaiga-igayang sensasyong iyon. Nanatili siyang nakapikit hanggang huminto ito at maramdamang nasa leeg na niya ang labi nito at tila isa itong bampira na sinisipsip ang dugo niya roon. Naging alerto pa siya nang unti-unting umangat ang kanang kamay nito at pumapasok na sa loob ng tops niya. Agad niya itong naitulak. "What are you doing?" "These are the husband and wife suppose to do." "What?" "Paano kung sabihing kung sine-seduce kita? Magpapa-seduce ka ba?" Napatingin siya kay Tresh. "Nakaiinom ka ba? Baliw ka na." "Mukhang hindi ka na makakapasok." "Ano?" Ininguso nito ang marka sa leeg niya. Agad naman siyang lumapit sa may repleksyon niya at kita nga niya roon ang markang iyon, hickey to be exact. "Damn you Anderson!" saka mabilis na umakyat patungo sa kwarto niya. Agad niyang kinuha ang mga nakatagong scarf, kahit napakainit na nga mapipilitan pa tuloy siyang mag-scarf. Bumukas ang pintuan at ito ang bumungad. "Mukhang hindi kayang itago ng scarf mo 'yang mark sa leeg mo ah," he hiss while crossing arms over his chest. "Bwisit ka!" sabay bato ng scarf. "Pa'no 'yan, hindi ka na makakapasok sa trabaho?" Pasimple nitong sinara ang pinto ng kwarto niya. "Tigilan mo nga ako." "Ngayon pa lang ako naaliw, pinapatigil mo na ako." "If you're after my body, you have to annul me first." "Then, makukuha ko na ba ang nais ko?" Bahagya siyang nag-isip kung tama ba ang mga sinasabi niya. Lumapit na mang muli ito at napahiga siya sa kama saka naman ito dumagan. "K-Kung sabihin kong Oo?" Itinaas nito ang kanang kamay at pinasadahan ng haplos ang pisngi niya. "Sorry Darlin, but I'm not after your body eh." Napatitig siya sa mga mata nito. "I knew it. My company." Agad niya itong tinuhuran, ewan na nga lamang kung saan iyon tumama, dinampot ang scarf at nagtatatakbo palabas ng kwarto at pababa. Gusto na niyang makaalis. Iyon pa ang dahilan kung bakit ayaw niyang makapag-solo sila. Hindi dahil hindi pa siya ready na ipaubaya ang sarili sa asawa pero dahil alam na niyang masasaktan lang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD