TRESH 9

1745 Words
SIMULA pa lang pala ay niloloko na ni Tresh si Joshana. Una pa lang ay alam na nitong siya ang asawang pinakasan nito sa papel. But why did he lied and he didn’t bother telling her the truth? He enjoyed fooling her around. Lalo pang nadagdagan ang inis niya nang maalalang nagpakasal ito dahil sa pagnanais na makuha ang kompanya na pinaghirapang itayo ng mga magulang niya. Tama, iyon nga ang puno't dulo ng halat. Nais makuha ni Tresher Lance Anderson ang kompanyang siya na ngayon ang nagpapalakad. Madilim ang anyong hinanap niya ito. Nakabihis na siya at handa nang lisanin ang resort. Bago siya umalis gusto muna niyang linawin ang lahat at gusto rin niyang patikimin ito ng sampal na nasalag nito noon. But this time she was sure, hindi na ito makakailag pa. Naroon ito sa dalampasigan at nakatanaw sa malayo. “Lance!” Dahil sa pagsigaw niya awtomatikong napalingon ito sa kanya. Maagap niyang nasalubong ito ng sampal nang tuluyang malapitan ang lalaki. “P-para saan ang sampal na iyon?” nagtatakang tanong nito sa kanya habang nakahawak sa pisnging dinapuan nito ng sampal. “Hindi ko akalaing you are a great pretender. Why did you lie? Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikaw pala ang lalaking pinakasalan ko sa papel?” Napayuko ito bago siya sinagot. “I’m sorry. I was scared. Na baka kapag nalaman mo ang totoo, layuan mo ako.” Hindi niya makita ang mukha nito. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo o gusto na namang kunin ang loob niya. “Ang lahat palang iyon ay pagpapanggap lang dahil gusto mong kunin ang loob ko. How hypocrite Tresher Lance Anderson?” nagtatagis ang bagang na singhal ni Joshana rito. “Hahayaan kitang magalit pero please hayaan mo naman akong ipagtanggol ang sarili ko,” his voice croak as he was asking her to listen. Nakatingin na ito sa kanya at kitang-kita niya sa mata nito ang labis na kalungkutan, ang labis na pagsisisi. But Joshana object reading his eyes. “At ano pa ang sasabihin mo, panibagong kasinungalingan? Well, I’m not opt you doing that and don’t you ever continuing it again. I’m still pursuing the annulment.” Tinalikuran niya ito para hindi mahalata ang pagtutubig ng mga mata niya. Dahil ang totoo’y nasasaktan siya sa nalaman niya. Because, THAT stupid feelings starting to build. “You know my answer with that,” malinaw na sabi nito. “So, totoo pala. Hindi mo talaga tinatanggi na you are after our company?” Binalingan na niya ito, wala na siyang pakialam kung makita nitong may luha sa mga mata niya. Napapikit ito saka sumagot. “Yes,” his voice surrenders in defeat. Gusto niya itong sampalin ng paulit-ulit hanggang mamaga ang gwapong mukha nito, but she even can’t move. “Why are you doing this?” namaos na ang boses niya. “Because, I don’t want that bullshit annulment of yours. I want you to stay my wife and as your husband, Joshana Gail Valdez,” singhal nito sa kanya. “Liar. You did this for your own sake. Hanggang kailan mo pa ba balak magsinungaling sa ‘kin?” Napapagod na siya at ayaw niya ng ganitong set-up. Kung hindi ito after the company she was sure he was after her body. Ganoon naman ang mga lalaki, pangkama lang ang tingin sa mga babae. Hinila nito ang kamay niya at itinapat sa dibdib nito. “Because that was my heart says, I like you, Joshana. Kung iyon lang ang paraan para 'di ka mawala sa ‘kin, I’ll do it.” Sandaling nanahimik ang paligid, pati ang utak niya. Dinama niya ang nararamdamang iyon ni Lance. Nanaig pa rin sa kanya ang inis. Pahablot niyang binawi ang kamay niya, gaya nito malakas din ang kabog ng dibdib niya dahil sa pag-amin nito. The feeling is mutual kaya lalo siyang nasasaktan. “Too late Mister Anderson, my decision is finale. Kung iyan ang panlaban mo, magkita na lang tayo sa korte.” Tinalikuran na niya ito at tumakbo na pabalik. She started the engine going back to Manila, tuloy-tuloy na ang pagda-drive niya nang mapansin niyang may itim na Revo na nakasunod sa kotse niya. It was Mr. Anderson’s car. Ito ang sinakyan niya nang bumalik sila sa resort ni Karline kahapon. Kung iisipin, wala naman itong kasalanan. Ginawa lang nitong defense mechanism ang dahilan kung bakit ayaw nitong makipag-annul dahil gusto na pala siya nito. Pero, mali pa rin na’ng kompanya ang hingin nitong kapalit para lang hindi nito ituloy ang annulment. Hindi niya na pinansin kung hanggang saan siya susundan ng Revo nito. Nang tingnan niya ang side mirror, wala ng Revo na nakasunod sa kanya. Marahil ay pabalik rin ito ng Manila. Nagpark muna siya sa nadaanan niyang Convenient store. Bigla kasing nag-ring ang phone niya at si Karline ang nasa linya. Ayaw naman niyang sumagot ng tawag habang nasa biyahe. Wala siya sa wisyo at baka maaksidente pa siya. Malungkot din ang kaibigan sa mabilis na pag-alis niya. "J-Josh, galit ka pa rin ba?" Bumuga muna siya ng hangin bago sumagot, "Dapat bang matuwa ako? Imagine, bestfriend ko, nagawa akong paglihiman? Napakaipokrita ko namna kung sasabihin kong hindi ako apektado." Bakas sa boses niya ang pagiging sarkastiko saka pinigil ang mga luhang kanina pa umaalpas. "Josh, I'm sorry. Ang totoo kasi niyang kinuntsaba lang ako ni Tresh." She cleared her wet face. "Wow, close na agad kayo sa sandaling panahon. First name na ang tawag mo sa kanya. Ibang klase, ginalingan." "Josh naman, huwag ka namang ganyan." "Ang gagaling nyo! Best actress and best actor here. Pang Famas." She cleared again her eyes and face. "Hindi ko talaga alam na siya ang asawa mo sa papel. Saka ko lang nalaman 'nong nagpakilala siya sa akin. Gusto niyang ilihim muna nang personal ka niyang makilala. At aminado raw siyang na-attract siya sa'yo. Maybe love at the first sight," mahabang paliwanag ni Karline. "Sa totoo lang Karline, I'm not yet in the mood to accept any of your apology. Nasaktan ako, natural naman sigurong mag-emote ako at mag-inarte." "Josh please--" "Please let me have a space. Hayaan mo muna akong mag-isip, okay. Don't worry if everything is fine. I'll call you then," paalam niya sa kaibigan saka ibinaba ang phone. Naiinis siya kay Karline dahil maging ang kaibigan niya ay pinaglihiman din siya. Kinuntsaba raw ito ni Lance. Nadagdagan lalo ng inis ang dibdib niya. Lalong gumulo ang isip niya. Maliit na pagkakamali lang naman ang ginawa ni Lance o Tresher Lance, pero naging malaki ang epekto niyon sa kanya. Pakiramdam niya pinaglalaruan lang siya nito. Pinilit niyang makarating ng Manila na hindi nagpaparamdam ng panghihina. Mabuti nga at maayos naman siyang nakarating. Umuwi muna siya ng bahay para maiwanan ang mga bagahe at makapaghanda siya pabalik sa opisina. Ang katiwala nilang si Aling Magda ang bumungad sa kanya. Humahangos ito na labis niyang pinagtakhan. “A-ano pong problema manang?” Hindi niya malaman kung napano ito dahil sa laki ng ngiti sa labi nito. “May gwapong lalaking naghihintay sa iyo sa sala, asawa mo raw,” may kilig pa na sabi nito na hindi ininda ang hingal. “Kailan ka nga ba nag-asawang bata ka?” Tinago niya ang lihim na iyon, sa opisina lang ang may alam pero ang ibang tao gaya ng mga tao sa bahay ay walang alam tungkol sa nangyaring pagpapakasal niya. “Mahabang istorya manang,” iniabot niya ang mga bagahe niya. “Oo nga po pala, nariyan sa pulang bag ang pasalubong ko,” sabi pa niya sa pagod na tinig. Mukhang nahimigan naman ng matanda ang tamlay sa pagsasalita niya kaya hindi na nang-usisa pa. Nakangiti itong binuksan ang laman ng bag na iniabot niya. Pagod na nga siya, lalo pa atang nadagdagan ang pagod niya sa maagang bisitang bubungad sa kanya. Mabilis na napalis ang pagod niya nang pumasok sa alaala niya si Lance at ang anyo nito sa resort. Napuno ng galit at inis ang dibdib niya. NAKAUPO sa mahabang sofa ang sinasabi ng katiwala nila na gwapong bisita niya. Nakamasid ito sa kabuuhan ng bahay nila. Isang buntong hininga ang ginawa niya bago ito nilapitan. “Ang kapal naman yata ng mukha mong pumunta rito,” singhal niya kay Tresher Lance habang nakakuyom ang mga kamay. She wants to punch him hard. Ngunit nginitian siya nito ng pagkatamis-tamis. Bigla na naman tuloy umarangkada ang puso niyang nagsusumigaw ng 'kilig to the bones'. “Sorry sa ideyang tungkol sa kompanya. But if you had forgotten, I will remind you that you’re still my wife. And that means, kung nasaan ka, dapat naroon din ako,” malakas ang loob na pagdidiinan nito. Nilipad ng hangin ang inis at galit na inipon niya kanina lang nang mapagtanto ang sinasabi nito. Biglang nakabuo ng fireworks ang utak niyang nagdiriwang na at napapangiti sa sarili, dahil mukhang handa siya nitong ipaglaban. At nais nitong linawin na hindi lang kompanya ang habol nito sa kanya kung hindi ay siya mismo. Tinaasan niya ito ng kilay. “Anong ibig mong sabihin, Mister Anderson?” paglilinaw na tanong niya. “Dito na ako titira misis, besides, wala naman talaga akong bahay rito. Because I’m living in Canada.” “W-What did you say? Anong dito ka titira? Eh di mangupahan ka kung gusto mo,” naguguluhang sinulyapan niya ito. Mukhang mali yata siya ng iniisip. Gusto lang yata nitong inisin na naman siya. “Why will I do that, kung may sarili namang bahay ang asawa ko?” “I don’t want you here. Bumalik ka sa Canada kung gusto mo,” sabay iwas sa mga tingin nitong nakakapaso. Pakiramdam niya, nanunuot ang tingin nito sa kaluluwa niya at hinuhuli ang damdamin niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. “That’s not what I found in your eyes, misis.” “Will you stop calling me, misis?” iritableng tanong niya rito. Naging asiwa siya sa pagbasa nito sa mga mata niya kaya lalo siyang nag-iwas ng tingin. “Asawa pa rin kita.” “Sa papel,” paglilinaw niya rito. Biglang may naglalaro sa isip niya. Kapag kasama niya sa iisang bahay ang asawa niya, mako-control niya ito at mapapasunod sa kahit anong naisin niyang gawin nito. “Sige, I let you live here in one condition.” “Talaga?” amuse na tanong nito sa kanya. “You will follow my rules. MY RULES,” paglilinaw niya. “Okay. Where shall I leave my baggage, sa kwarto mo na ba?” Sinulyapan niyang muli ang asawa sa papel. Lalong umangat ang sulok ng labi nito at tila tuwang-tuwa sa nakikitang pagkairita mula sa kanya. Grrr. She hate him, from infinity and beyond. She definitely hate him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD