TRESH 8

1934 Words
NATAPOS kumain si Joshana, matutulog na lang sanang muli, pero hindi siya makatulog kaya lumabas na lang siya ng kwarto. Balak niyang mag-night swimming na lang baka sakaling mapagod siya at daluyan ng antok. Walang tao sa pool, isang pagkakataon para makapag-swimming. Lumangoy lang sya nang makailang beses, nang mamataan siya ni Karline lumapit naman ito. "Trouble sleeping?" "Medyo. I don't take my sleeping pills," sagot niya rito. Naupo si Karline sa bakanteng bench saka hinarap siya. "How about watching a live performance Band? It was Lejan Arevalo, the Band vocalist." Nilingon niya si Karline. Kung tutuusin, wala naman siyang kahilig-hilig sa music lalo na kung banda. Mas uubusin pa niya ang oras na magtipa at pag-aralan ang stocks at sales ng kompanya kaysa pagkaabalahan ang ganoong bagay. "Com'on Josh, it will makes you relax and your mind may at ease." Nilangoy niya muna ang pool at muling lumangoy pabalik sa pwesto ni Karline saka ito inimikan, "Sorry Karl, magkakasya na lang akong manatili rito. I need to enjoy this view and this damn vacation." "Okay. Sabi mo eh. Sayang. May gig sa likod ng Resort ko. Madalas dito ginaganap ang mag nais mag-perform." It was a boy band group some of them performing an acoustic songs, and revival songs, other were pulling a debut album. Ito rin ang dahilan kung bakit laging maraming tao at dinadayo ang resort ng kaibigan niya. Sa kanilang dalawa, mukhang ito na ang malayo ang narating. Samantalang siya, hayun, business pa rin nila at wala pang expansion-g nagaganap. Tumayo na si Karline na mukhang wala namang napala sa kanya. Aalis na sana ito nang muli itong umimik. "Ano ba ang ideal guy mo?" Hindi kaagad siya nakasagot. Hinihintay pa nga nito na mag-isip siya ngunit tila kusang lumabas sa bibig niya na ang ideal guy niya, "'Yong lalaking handang gawin ang lahat para sa akin. 'Yong lalaking laging maglalaan ng oras. Laging mag-aalala at iisipin kung nakakain na ako, iyong hindi makakatulog kapag galit ako, iyong hindi mapakali hanggat hindi kami magbabati. ‘Yong kayang gawin at isakrepisyo ang lahat para sa akin." "Like Lance?" her bestfriend said it from nowhere. Pareho ba sila ng iniisip ni Karline? At parang kilala ni Karline kung sino ang tinutukoy niya. Ngunit bakit naman niya naisip na si Lance nga iyon? Ano pa ba ang kayang gawin ni Lance para sa kanya? "Don't deny it. I found something sparkling in your eyes. At kung kaya ko lang buksan ang ulo mo, baka nakapinta na diyan ang malaking pangalan ni Lance." Sparks. Isn’t that she’s obvious? Ganoon ba kadaling basahin ang expression ng mukha niya? Or maybe Karline knows her best and she was best in observing. "H-Hindi ah," mabilis na tanggi niya. "Stammering, says all. Anyway, hindi naman kita pino-force. It's your heart and decision was still in your hands. Sige na, I have to go na. Bye!" Iniwanan na siya ni Karline, umahon na lang siya sa pool at kinuha ang tops niya. Nagpunta na lang siya sa ibaba, sa may dalampasigan at naglakad-lakad. Mula roon ay naririnig niya ang ingay mula sa concert area kung saan may ginganap nga na gig. At malinaw na malinaw niyang naririnig ang kinakanta ng isa siguro sa vocalist na tinutukoy ng Bestfriend niya. ‘It’s your smile, your face, your lips that I miss.. Those sweet little eyes that stare at me and make me say. I’m with you through all the way ‘cause it’s you who fills the emptiness in me. It changes ev’rything you see. When I know I’ve got you with me...' MAY kung ano sa kantang iyon ang hindi maialis sa isipan ni Joshana. She can’t help but to rewind that song. Mayroon na siyang song na 'You ni Jed Madela' sa cellphone niya at buong gabi na niya atang pinatutugtog iyon, pero ‘di pa rin siya dinadaluyan ng antok. Hindi niya alam kung ano ang meron sa song at na LSS siya o Last Song Syndrome. Biglang nawala sa pandinig niya ang kantang You ni Jed Madela, nagtaka pa siya kung bakit ringtone na ang pumalit nang ma-realize niya na may tumatawag pala. 'Mister Kupal', iyon na ang nakarehistrong pangalan sa cellphone niya. “Hello,” wala sa loob na sagot niya dahil nabitin ang pakikinig niya ng music. “Hindi ka pumunta sa gig?” malungkot ang boses nito. “Hindi. Hinanap mo ba ako?” “Oo. Sayang kumanta pa naman ako,” hinayang na hinayang na sabi nito. “First time kong kumanta, bigla na lang kasi akong tinawag ‘nong isa sa lead vocalist. Gusto mo bang iparinig ko sa ‘yo?” excited pang tanong nito. “Sige, bahala ka.” Hindi siya interesado, dahil wala naman talaga siyang hilig sa pagkanta, napilitan na lang siyang pumayag. Bumwelo pa ito bago kumanta “You give me hope, the strength, the will to keep on,” bigla siyang napatulala, ibig sabihin siya ang kumakantang iyon. “Ikaw... ‘yong kumakanta?” hindi mapigilang mabulalas niya. “Ha? Oo. Naroon ka?” may excitement na tanong pa nito, umaasa yatang naroon siya sa mga audience. “Wala. Narinig ko lang. Sige, ituloy mo lang.” “No one else can make me feel this way and only you can bring all the best I can do. I believe you turn the tide and make me feel real good inside. You push me up, when I’m about to give up. You’re on my side when no one seems to listen. And if you go, you know the tears won’t help but to show. You’ll break this heart and tear it apart. Then suddenly, the madness start.. It’s your smile, your face, your lips that I miss.. Those sweet little eyes that stare at me and make me say.. I’m with you through all the way ‘cause it’s you who fills the emptiness in me. It changes ev’rything you see. When I know I’ve got you with me...” Hanggang doon na lang nang maramdaman ni Joshana na pumipikit na ang mga mata niya. “Joshana..” “Hmm..” “I think I like you.” Hindi na narinig pa ni Joshana ang huling sinabi nito dahil tuluyan na siyang nakatulog. “Good Morning!” bati sa kanya ng kaibigan niyang si Karline nang bumaba siya para kumain. “Good Morning. Nga pala Karline, I have to go. Nag e-mail kaninang umaga sakin ang sekretarya kong mahadera, binilin ko kasing ipasama niya ang pangalan ng kompanya sa isa sa nasalanta ng bagyong Peping.” “Oo nga, narinig ko kanina sa news. Summer is over. Bagyo na ngayon.” Ayon sa balita, nasalanta ng bagyong Peping ang Isabella area at labis daw itong naapektuhan. Tuwing may kalamidad, laging pinasasama ni Joshana ang kompanya sa listahan ng magdo-donate at magpapamigay ng relief goods. Taon-taon din siyang pumupunta sa iba’t-ibang lugar para personal na maghatid ng relief goods. Oo nga at hindi siya adventurous person, pero tinitiyak naman niyang marunong siyang tumulong sa mga nasalanta at nangangailangan ng tulong niya. “After this breakfast I’ll be going back to Manila,” palam pa niya. “Sige, pero Josh, pwede ba tayong mag-usap bago ka umalis?” Nahimigan niyang mukhang importante ang sasabihin nito. Napatango naman siya bilang pagsang-ayon. Naupo na siya sa isa sa mga bakanteng seats and the usual, napunta na naman siya sa for two’s. Kinuha na niya ang menu at tinawag ang waiter na magse-serve ng order niya. “Ma’am, bayad na nga po pala ito. ‘Wag nyo na raw po bayaran ulit,” sabi ng waiter na naglapag ng kakainin niya. Itatanong pa sana niya kung sino ang nagbayad, nang makita niyang papalapit na ang taong nagbayad ng kakainin niya. “Sige Ma’am, enjoy your breakfast,” malaki ang ngiting sabi nito. Umalis na rin ang waiter. “Mukhang hindi ka nilulubayan ng tingin ng waiter ah. Type ka siguro, ‘nong isang araw ko pa kasi napapansing laging siya ang nagse-serve sa ‘yo,” parang batang nagsusumbong pa ito sa kanya. Hinila pa nito ang bakanteng upuan sa harap niya at saka naupo. “I feel jealous,” pag-amin ni Lance sa kanya. “Ano naman ang pakialam ko?” tinikwasan niya ito ng kilay. “Hindi mo siguro nagustuhan ang boses ko kagabi. Kun’sabagay masyado ng husky, namalat na kakakanta.” Hindi naman iyon ang dahilan. His voice is as cold as an ice cream and she likes the way he sang the song yesterday night. But there is always a but. “Why are you doing this? Why you have to pay everything? Why you have to do everything that I did not ask for?” nalilitong tanong niya. ”You should eat a lot. Mahirap magkasakit not unless, you’re on a diet. Pero sa katawan mo, mukhang hindi mo naman kailangan ng diet.” Ano ba dapat ang pakialam nito sa kanya? Bakit palagi na lang itong concern sa kanya? “I want you to stay away with me. I’m married,” babala niya rito. “Ano naman?” balewalang tanong nito saka pa inilagay ang mga kamay sa likuran ng ulo nito. “Kung ang magnobyo naghihiwalay, mag-asawa pa kaya,” may kompiyansang sambit pa nito saka pa siya kinindatan. Napakunot ang noo niya sa sinabi nito. “Do you think I’m that kind of woman? Pwes, Lance, I’m not that girl,” mariing pagtutol niya. “Alam ko. Sige na. Eat. Baka mawala na naman ang gana mo. Baka sa susunod ako na ang magsusubo sa ‘yo kapag nangyari iyon.” Tumayo na ito na pasipol-sipol pa. Hindi nito ininda ang mga sinasabi at mga babala niya. Alam ba ng lalaking ito ang mga sinasabi nito? Alam ba nito ang epekto na iyon sa kanya? Of course not, Joshana’s guard is now become weak because of what Lance said. He affects him, alright. His gestures and now the way he used to said that words. Ayaw niya ang epektong iyon sa kanya. And everything must come to an end. Tinapos na niya ang kinakain, bago nga naman mawala ang gana niya. Nag-vibrate ang phone niya kasunod ang mahaba-habang ring dahil sa katagalan ng pagsagot niya. Ang abogado niya ang nasa linya. “Hello, Attorney. May problema ba?” Hindi tatawag ng ganoon ang abogado niya kung hindi ganoon kahalaga ang sasabihin nito. “Sorry sa abala Ms. Shana, pero kahapon pa dapat kita tatawagan, kaya lang may inasikaso lang akong mahalagang bagay. Iyong asawa mo sa papel, napadala ko na sa kanya ang mga papeles. Ayon sa source ko, nasa Batanggas ito at on-vacation leave daw. Ibinalik niya sakin ang mga papers, he refuses to annul your marriage,” dismayadong saad nito. “What?” Napatayo na siya dahil sa narinig. Upang hindi na makakuha at makaagaw ng atensiyon mula sa mga taong naroroon, lumabas na siya ng Dinning area. Doon na niya napag-alaman ang tunay na pakay ng asawa niya sa papel. Napakuyom ang palad niya sa masamang ibinalita ng abogado niya. Ayaw pumirma ni Tresher Lance Anderson sa Annulment papers. Maaari lamang daw itong pumirma kung makukuha ang full trust ng company nila Joshana. 'Hintayin mo ako Mr. Anderson, magtutuos tayo'. Hindi naman makapapayag ng ganoon si Joshana. Kaya hindi na siya nag-aksaya ng oras. Lumapit na siya sa Reception desk para hingiin ang bills niya. Plano na niyang makaalis kaagad para makabalik na ng Manila. Napakunot ang noo niya nang iabot ng receptionist ang bill sa kanya. Ang pangalang Tresher Lance Anderson ang nakasulat na nagbayad ng bills niya. Bahagya pa siyang naguluhan at napagtantong ang Lance na kausap niya ay ang mismong Tresher Lance Anderson na pinakasalan niya sa papel. “Damn!” mahinang napamura siya sa mga realisasyong iyon. 'You don't like a fair fight, my husband, do you?' nakakuyom ang palad na turan ng kanyang isipan bago iwanan ang desk ng receptionist.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD