NANAKIT ang ulo ni Joshana nang magmulat siya ng mata. Nanlaki ang sariling mata nang iikot ang paningin sa kabuuhan ng paligid. This isn’t her room, not even the resort’s room. Nasaan siya? Lalo siyang naguluhan at nang bumangon siya ay naramdaman niyang wala siyang saplot. Lalong sumakit ang ulo niya sa pag-alala sa nangari kagabi.
“Oh my God, hindi kaya...” naiiyak na tanong niya sa sarili.
Nanlambot siya sa isiping may nangyari sa kanya, ngunit bakit tila hindi naman masakit ang parteng iyon. Liban sa katawan niya at lalong lalo na ang ulo niya. Ngunit kahit anong pilit niyang alalahanin ang nangyari, wala siyang matandaan. Pumunta siya sa banyo ng kwartong iyon, natagpuan niyang naroon ang mga damit niya at nakakalat sa sahig. Basa ang mga ito. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya kagabi?
Pansamantalang ibinalot na lang niya sa katawan ang kumot. Iniayos niya ang pagkabalot para magmukhang bestida. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. Paglabas niya ng kwarto, may lalaking nakaupo sa kama at mukhang hinihintay ang kanyang paglabas.
“Kumusta na ang pakiramdam mo?”
"Ay kabute!" napahawak pa siya sa dibdib sa pag-aakalang ang naroroon ang ang mga masasamang taong nakausap niya kagabi.
That voice, she was sure it was HIM, kahit pa nakakaramdam siya ng hilo. Ang boses nito na hindi niya alam kung kailan niya nasimulang matandaan ay tila nagbibigay sa kanya ng sigla. But how he founds out that she was there? Naroon din ba ito kagabi?
“A-anong ginagawa mo rito? Ikaw ba ang...” her voice trailed off and was thinking if he was there that night.
“Wala akong ginawa sa ‘yo kung 'yan ang iniisip mo. May utang ka pa nga sakin. Umupo ka rito and let me explain.” Dinampian pa nito ang katabing puwesto para paupuin siya.
Sa totoo lang wala siyang katiwa-tiwala rito. Ngunit nang maisip na may utang na loob ay napilitan siyang umupo sa tabi nito. Inusisa nito ang tungkol sa dalawang lalaking kausap niya na parehong foreigner.
“Bakit ka sumama sa dalawang foreigner na iyon, hindi mo naman pala sila kilala?” mayamaya ay tanong nito.
Hindi siya makatingin dito. Pero, bakit parang nahihimigan niya ang inis sa boses nito? She doesn’t want to assume things that may go wrong. Kailan lang naman niya ito nakilala, why she needs to proceed in assumptions?
Parang may kung anong flash back na bigla na lang nag-rewind sa utak niya. Ang huli niyang natatandaan kausap niya ito habang umiinom at naramdaman niyang bigla siyang nahilo kahit hindi naman siya ganoon kabilis malasing. Ngunit hanggang doon na lamang ang natatandaan niya.
“May balak ang dalawang iyon sa iyo. Nilagyan nila ng ecstasy ang iniinom mong alak at ginayak ka nila patungo sa kwartong ‘to.”
“How did you know?” nagtatakang tanong niya mula sa mga sinabi nito.
“Sinundan kita. Call me a stalker. Pero kung ‘di kita sinundan, sigurado akong may nangyari ng masama sa ‘yo,” nakakuyom pa ang palad nito habang nagkukwento sa kanya.
Nahimigan niya ang pag-aalala nito sa kanya, pero bakit ito mag-aalala para sa kanya? Hindi naman niya ito kaanu-ano at hindi rin kilala. In short, wala siyang gaanong alam tungkol sa taong ito.
“When you drank with an ecstasy, you were hallucinating and you want IT. I mean you were on your highest libido. I don’t have any choice.”
“What do you mean? May nangyari sa ‘tin?” 'Di na siya nakapagpigil hinampas niya ang braso nito.
Pinatigil na man siya nito at sinabihang makinig muna. Napabuntong hininga at sinunod niya ang sinabi nito.
“I don’t take woman who use ecstasy or even at sleep. Kahit pa, nakakapanghalina at hindi ko matiis, hindi ko ginawa. Para mawaswasan ka, pinaliguan kita. And because there is no help and assistance from other staff here in a motel,” napatutop siya sa narinig. Oh, my God, she was at the motel. "And let me clear it to you, ikaw ang naghubad sa sarili mo and insisting to have a night wit you."
"Oh my God!" Napatakip siya sa dalawang tainga. "Huwag mo ng ituloy. Ayaw ko na marinig!"
"Hmm.. Okay. Umalis na rin naman ako pagkatapos, dahil baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.” Gumalaw ang kamay nito at may inabot mula sa kama. “Iyan na ang damit mong pamalit. I’m not sure about your size, pero siguro tama naman ang sinabi sa ‘kin ni Karline.”
Kinuha niya ang inabot nito. “Nag-usap kayo ni Karline?” pagtatakang tanong niya rito.
“Yup. She must know your situation.”
“God! Lalong mag-aalala iyon sa ‘kin.”
”’Wag mo ng uulitin iyon,” nagulat na lamang siya nang bigla itong yumakap sa kanya. “I swear I go crazy when I found you and them.”
Nabigla siya sa ginawa nito. He cares and his touch shows it all. And she felt secured with his hug. Baka mapansin pa nitong ayaw na niyang kumalas kaya napipilitang kumalas na siya sa pagkakayakap nito sa kanya.
“Na’san na nga pala ang mga iyon?” nagtatakang tanong niya.
Maaari kayang may ginawa ito sa mga lalaking iyon?
“Pinabalik ko na sa bansa nila at pina-ban dito sa Pilipinas.” He might have connections, siguro mali lang ang pagkakilala niya rito.
He even saves her, and became her knight and shinning armor.
“About your car, pinakuha na ng kaibigan mo at ibinalik sa resort kung saan ka tumutuloy. Get dressed. Ihahatid na kita.”
He’s not the p*****t stalker she thinks he is. Kung tutuusin, ano naman ang pakialam nito sa kanya? But he helps her and he was concern to her. Napapangiti na lang siya sa sarili niya. Kinuha na niya ang paper bag na iniabot nito kanina at nagsimula ng pumasok sa banyo para magbihis. Inilagay niya ang basa niyang mga damit sa plastic saka inilagay sa paper bag. Nang matapos ay naroon pa rin ito at hinihintay siya. Isang yellow sleeveless na bestida ang ibinigay nito. She found admiration in his eyes while he still busy looking at her. Iginaya na rin siya nito palabas ng kwarto.
Tumutol siya sa pagpayag na sabay silang lumabas. Puminta ang pag-aalala sa mukha nito sa pag-aakalang may masakit sa kanya. Ininspekyon siya ng tingin kung may masakit ba sa kanya. Nang makitang wala namang masakit sa kanya, mukhang naisip na nito ang gusto niyang mangyari. With an authority to his voice saying he will go out first, napasunod na siya.
Makaraan ang ilang minuto, lumabas na rin siya. Naglakad na siya palabas ng Motel na iyon. That was the worst nightmare she never dreamed. Natagpuan na’ng mata niya ang lalaking nakasandal sa kotse nito. He was plain, wearing a short and plain white shirt pero lumalabas pa rin ang kakisigan at kagwapuhan nito. Narinig pa nga niya ang ilan sa babaeng naroon na nagbubulungan at naghahagikgikan pa, mukhang ang lalaking ito ang tinutukoy nila.
“Let’s go?” sabi nito nang magtama ang mga mata nila.
“Ay, taken na.” Nanghihinayang na sabi ng isa sa mga babae.
Buti nga. Ang lalandi kasi. “Yes.” Sagot niya.
He was a gentleman, pinagbuksan pa siya nito ng pinto. Mukhang naiba ng ang ihip ng hangin ngayon at puro papuri na ang lumalabas sa bibig niya.
Kumportableng nakaupo na siya sa tabi nito saka nagsi-seat belt nang mapansin niyang napatitig ito sa kabuuhan niya mula ulo hanggang paa. Nang mapatingin siya rito ay agad itong nagbawi ng tingin at napailing-iling sa hindi niya maintindihan.
Ipinayapa na lang niya ang isipan saka tahimik na lang na tumingin sa gawing bintana niya.
“Okay ka na ba ngayon?” putol nito sa katahimikan nila sa loob ng sasakyan.
“Ha?” wala sa sariling sagot niya. She was space out, dahil laman ng isip niya ang lalaking ito.
“Ang sabi ko, okay ka na ba? Wala bang masakit sa ‘yo?”
“W-wala naman,” masakit lang ang puso ko. Stop it, Joshana. Malamang taken na ang lalaking ‘yan. Isa pa, may asawa ka na. ‘Wag mo ng pagtuunan ng pansin ang katulad niya. Bumait lang ‘yan dahil gustong bumawi sa atraso niya,’ warning niya sa sarili.
“Tahimik ka.”
“Dapat bang maingay ako?” may pagtataray na tanong niya rito saka nag-iwas ng tingin at tumingin na lang sa bintana.
“Galit ka ba? Galit ka ba sa ‘kin?” Naramdaman yata nito ang panlalamig niya.
“Hindi. Pero galit ako sa ginawa mo ‘nong una, our first encounter.”
Tumawa ito ng bahagya na parang inaalala ang ginawa noon. “Oo. Sorry for that. I was ugh. maybe p*****t," kasunod ng bahagyang pagtawa.
Even his laugh parang ang sarap sa tainga, parang..Shit Josh, stop it right there! ' ito na ang huli niyang warning sa sarili.
Iba ang daang tinatahak nila, kaya napatingin siya rito, “Saan tayo pupunta Mister?”
“Call me Lance, inappropriate naman kung all the time mister lang ang itatawag mo sakin,”
'Kupal talaga ang pinangalan ko sa ‘yo,' sa loob-loob ni Josh.
“I still have my name, not unless you want to call me Babe, sweetheart or honey. I don’t mind at all.”
Doon lang niya nakompirma na marahil ay hindi naman ito taken, dahil kung may girlfriend man ito o may asawa hindi ito makikipaglapit sa kanya ng ganoon.
“Where are we going?” muling tanong niya.
“We’re heading back to your best friend’s resort. Sabi mo nga nag-aalala siya, isa pa binilin ka niya sakin,” pag-eesplika nito.
Hindi na siya sumagot. 'Pwede bang ‘wag kang maging mabait sa ‘kin? Mabilis akong mahuhulog.'
ILANG minuto rin ay nakarating na sila sa resort ng kaibigan niya. Si Karline ang unang bumungad sa kanya. Labis itong nag-alala sa kanya mukhang hindi nga ito nakapag-ayos. Magulo ng kaunti ang buhok nitong laging nakaplantsa, labis pa ang lukot ng mukha nito.
“I’m sorry, Karline.” Niyakap na niya ito.
“You should be, and I should too,” kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. “Akala ko kung napano ka, mabuti na lang nandiyan si Lance.” Sinulyapan pa nito si Lance.
Puminta ang lungkot sa mukha niya. Gusto niyang itago na lang sa sarili ang nararamdaman. Kung hindi pa binanggit ni Karline na pina-pull out na nito kay Lance ang mga gamit sa resort at ito na naman ang nagbayad ng mga bills niya ay hindi na naman siya titigil sa pag-iisip.
Hindi na lang siya nakaimik. Lahat pala ay si Lance na ang nag-asikaso para sa kanya. Paano kaya kung hindi dumating sa eksena si Lance? Kung hindi dahil naman din sa Lance na iyon, hindi siya mapipilitang umalis sa Resort. In the end, it was Lance’s fault. Pero sobra-sobra na rin ang naitulong nito sa kanya. Amanos na sila at wala na itong atraso dito dahil bawing-bawi na ito. Nalito siya sa pagtitimbang sa lalaking ito.
Nakaayos na nga sa kwarto ang mga gamit niya nang mabungaran niya.
“Looks like you’re having a problem. Si Lance ba?” tanong ni Karline nang mapansin ang uneasy ng mukha niya nang sabay silang nakapasok sa kwarto.
“Hindi ko alam Karline”
“Actually, mabait naman si Lance. Siguro naging rude ka lang sa kanya. Tingnan mo naman bumabawi na sa ‘yo 'yong tao. Tinawagan pa niya ako para itanong lang kung ano ang size mo at ano ang mga hilig mo.” Napalingon siya sa sinabi ni Karline.
“Tinanong niya?” pangungumpirma niya.
“Oo, mukhang interesado siya sa ‘yo. At sa paraan ng pagtitig niya sa ‘yo. May kakaiba eh. Parang gusto ka niya,”napapangiti pang sabi nito. Ito yata ang mas interesado sa lalaki kesa sa kanya—interesadong magkalapit sila ng Lance na iyon.
“Kung magkagusto man siya sa ‘kin, hanggang ‘don na lang iyon. I’m married, remember?” paalala pa niya rito.
“Oh, eh ano ngayon? Eh ‘di ba makikipaghiwalay ka na rin. Hindi ba pina-process na ng attorney mo ang mga papers ninyo?” pangungumpirma pa nito sa kanya.
Nag-iwas siya ng tingin dito. “Oo kaya lang.” There still a hint in Joshana’s voice.
“Stop acting like a teenager. I like Lance, gusto ko siya para sa ‘yo,” ginagap pa nito ang palad niya. “Sige na, I’m sure pagod ka. Magpahinga ka na, matulog ka. Babalikan na lang kita mamaya.”
Tumayo na ang kaibigan niya at isinara ang pinto ng kwarto matapos lumabas.
Ngayon lang siya naguluhan ng ganito. Hindi niya alam kung bakit naging ganoon matapos ang trato ni Lance sa kanya. Napailing-iling siya sa isiping iyon. She must not fall, dahil walang sasalo sa kanya, isang kasalanan because she’s married.
Hindi niya alam kung anong oras na, nakahiga lang siya sa kama at nakatingin sa kisame, hinihintay kung may lalabas na butiki. Wala na, ukopado na ng Lance na iyon ang utak niya. Bigla siyang nahulasan nang mag-ring ang phone niya. Isang unregistered number ang nag-appear sa screen. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung sasagutin niya ang number na iyon. Nanaiig pa rin ang huli.
“Hello,” untag niya.
“Hindi ka pa raw bumababa para kumain. Alam mo ba kung anong oras na? Kumain ka na. May inilapag akong food sa labas, kunin mo na lang and I want you to eat. Don’t think too much it’s done, hayaan mo na ‘yon. The good thing walang nangyaring masama sa ‘yo,” sunod-sunod na sabi nito na hindi na yata nagawang huminga para lang mandaran siya.
“It’s all your fault,” natahimik ang kabilang linya.
Ilang minuto bago ito muling sumagot.
“I know. I’m sorry for being rude. I’m sorry kung mali agad ang unang impression mo ‘sakin. Nang maalala ko nga ang dahilan kung bakit ka umalis ng resort, I felt guilty kaya sabi ko, kailangan kong bumawi sa ‘yo,” seryosong-seryoso ang tinig nito sa paghingi ng paumanhin sa kanya.
“That’s enough, nakabawi ka na. Kaya please lang lubayan mo na ako.” Pinatay na niya ang phone na hindi na ito hinintay pang sumagot.
Kung paanong nakuha nito ang number niya ay marahil kay Karline, ayaw na niyang makipaglapit dito dahil may asawa na siya. Hangga’t hindi pa siya annul, wala siyang karapatang makipaglapit sa kahit sinong lalaki.
Kinuha niya ang pagkaing ibinigay nito, kahit napipilitan. Kinain niya iyon.
'This is the last,' usal niya sa sarili. Ayaw na niyang magkaroon pa ng utang na loob dito at magkaroon ng mas mahabang ugnayan.