TRESH 12

3219 Words
WALANG maisip na kasagutan si Joshana mula sa sinasabi ni Tresher Lance kagabi, hindi niya alam na wala namang hinihingi itong kasagutan. Minabuti niyang umalis ng maaga, nagpaalam na rin naman itong babalik sa Lola nito. Ngunit mali siya ng akala. Nang sumakay siya ng Van, kung saan iyon ang gagamitin nila sa pagpapamigay ng relief goods patungong Isabella, nanlaki ang mata niya sa nakita. “T-teka lang, bakit nandito ka?” “Alangan namang pabayaan kitang mag-isa.” “Ma’am, hindi nyo naman po sinabing ang gwapo pala ng asawa nyo.” Pati yata ang driver nilang si Mang Teban, nahuhumaling na rin kay Tresher Lance. “Lamang lang siya ng tatlong paligo,” parang baliw pang tumawa ito. “Akala nga namin foreigner.” “Hindi ka pwedeng sumama,” mabilis niyang awat dito at halata ang pagkadisgusto. Iyon talaga ang nais niyang iparating. “Bakit hindi Misis?” Prente pa itong nakaupo sa tabi niya at hinihintay ang sagot niya. “B-Basta. Umuwi ka na sa bahay. ‘Wag ka ng sumama.” Mukhang hindi naman ito naniniwala sa sinasabi niya. “I don’t know what rules you’re saying when we’re in the house. But this time, I won’t follow any of your rules lalo na kung sa kaligtasan mo,” mahigpit na sabi nito at walang balak na magpatalo sa kanya. “Aw! Touch naman kami ‘don sir,” biglang singit ni Mang Teban. Nilisikan niya ng mata ang driver nila para tumahimik. Nanggigigil na tumingin siya kay Tresher Lance. “Fine. Bahala ka sa buhay mo.” Saka humarap siya sa bintana ng sasakyan at pinagsalukap ang mga braso. His smile getting wider with the triumph he had. Kahit ayaw niya itong kasama napipilitan siyang pumayag. Isa pa ay hindi iyon oras ng pagtataray. Nasa trabaho pa rin siya at ayaw niyang ipakita sa mga katrabaho na naiilang siya. Kahit halata naman ang pagkayamot niya. Dahil sa katagalan ng biyahe, naramdaman niya ang pagkaantok. Napansin yata nitong nahihirapan na siya kung paano isasandig ang ulo. “My shoulder is more comfortable, Misis.” Inungisan niya ito. “Hindi bale ng mamaluktot ako,” gagad niya rito. Sigurado na namang nagdidiwang na naman ang isip nito sa pang-iinis sa kanya. Hindi na niya namalayan ang haba ng tulog niya. Himala rin yatang hindi siya nangawit at naging komportable pa ang ayos niya. Agad siyang napabangon nang namalayang nakahiga na pala ang ulo niya sa kandungan nito at katulad niya, tulog na tulog din ito. “Mukhang pagod din ang asawa ninyo ah,” pansin ni Mang Teban nang silipin siya sa salamin. Magtatanong pa sana siya kung bakit naging ganoon ang ayos niya nang magsabi si Mang Teban na nakarating na sila sa bayan ng San Isidro, Isabella. Iyon ang parte na labis ring nasalanta ng bagyong Peping. Mas minabuti niyang iyon ang piliing matulungan. Hindi na niya ginising si Tresh, hinayaan na lamang niya itong makatulog. Dalawang truck at isang Van ang dala nila. Sa unang van, tatlo silang nakasakay kasama si Tresher at sa dalawang truck naman ang limang staff na magvo-volunteer sa ipamimigay na relief goods. Dapit-hapon na nang makarating sila sa baranggay ng San Isidro. Doon nila naisipang tipunin ang mga taong-bayan na makatatanggap ng relief goods. Humahangos na nagtungo roon si Tresher. “Hindi mo man lang ako ginising,” pagtatampo pa nito. “Kasalanan ko bang ang himbing ng tulog mo.” Matalim pa niyang tiningnan ito. Ngunit tila wala namang nabago sa anyo nito gaya ng inaasahan niya. He still hot and handsome as usual. Teka ‘san nanggaling ang hot at handsome? Napailing siya sa iniisip niya. “Pinaghele mo siguro ako,” pang-aasar pa nito kasunod ang nang-aasar na tingin. “Sira ulo!” Ngalingaling gusto niya itong batukan. Ibang Tresher ang nakikita niya ngayon. Wala na nga yata ang nakilala niyang Lance. Maloko at mabirong Tresher na ang sumulpot sa harapan niya. May lumapit sa kanilang may edad na lalaki, nagpakilala itong Baranggay Chairman ng lugar na iyon. Nakasuot ito ng T-shirt na puti at nakapantalon na nakatiklop pa ang magkabilang dulo. Mukhang sumugod ito sa baha at may bakas pa ng tubig ang pantalon ng lalaki. “Pagpasensiyahan nyo na ang lugar namin. Wala po kaming maiaalok na magandang bahay para po matulugan ninyo. Pero ang bahay ng kapatid kong si Juana ay malaki at tiyak ko namang kakasya kayo, Ma’am. Ilan ho ba kayong lahat?” pang-uusisa ng lalaki. “Naku, Chairman, okay lang naman ho, kahit sa truck kami matulog.” Ayaw niyang mag-abala pa ang Chairman dahil hindi naman bakasyon ang ipinunta nila para bigyan pa sila ng special treatment. “Naku, sa ganda ninyong ‘yan hindi naman ako papayag na sa truck lang kayo matulog.” Napangiti siya sa sinabing iyon ng lalaki. “Walo kaming lahat, Chairman kasama akong ASAWA niya,” pinagdiinan pa ni Tresh na siya ang asawa. “Ay, ganun ho ba.” Mukhang napahiya ang Chairman na balak pa yata siyang pormahan. Pero iba ang nababasa ni Joshana sa mata ni Lance. Nagseselos ba ito? “O siya, sige. Pumunta muna tayo sa bahay ng kapatid kong si Juana, nagpahanda na ho kami ng makakain ninyo,” mabilis na pag-iwas ng Chairman. “Kayo naman Chairman, nag-abala pa kayo. Hindi rin naman ho kami magtatagal,” sabi ni Joshana na pinipilit pakalmahin ang paligid lalo na nang mamataan ang sama ng tingin ni Tresh sa Chairman. Kulang na nga lang ay bumulagta ang lalaki dahil sa talim ng tingin nito. “Hindi ko ho kayo papayagang umalis din sa araw na ito. Madilim sa paligid, mas mabuti hong bukas na kayo magpamigay at umuwi,” kaagad ay agap ng Chairman na iniiwasan na siyang tingnan. Naramdaman niya ang pagkailang ng lalaki at sinubukan na lang niyang huwag na itong mailang. “Maraming salamat po sa mainit na pagtanggap.” “Sige ho. Sumunod kayo sa akin,” sabi nito na iniiwasan na ngayong tingnan si Tresh nang tumingin si Tresh sa matanda na parang wina-warning-an. Mabilis na tumabi sa kanya si Tresh na parang ginagwardiyahan siya. Sa inis ni Joshana siniko niya si Tresh. Tumama ang siko niya sa dibdib nito. Hindi na niya matiis ang ugali nito ngayon. Iba ang nararamdaman niya sa mga nais iparating ni Tresh sa kanya. “What’s that for?” pagtataka nito, mukhang hindi naman nasaktan sa ginawa niya. “Bakit ang sama ng tingin mo kay Chairman?” pabulong pang tanong niya para hindi siya marinig ng Chairman. “Para alam niyang may asawa ka na.” Napatingin pa ito sa suot niya. Nabigla siya nang mag-landing ang kamay nito sa dibdib niya at magre-react pa sana siya nang isara nito ang butones ng suot niyang boyfriend shirt. Hindi naman niya nakitaan na may halong malisya ang ginawa nito nang isara nito ang botones ng damit niya. Mukhang hindi naman nito naramdaman ang tumatakbo sa isip niya. Talaga yatang hindi ito mapakali sa suot niya. “That’s called porma,” balewalang sabi niya. “Dahil nandito tayo sa probinsya hindi uso ang porma rito. You have to be decent. Paano kung may mang-maniac sa ‘yo?” seryosong napatitig pa ito sa kanya. Hindi yata sa suot niya lang ito nag-aalala kung hindi maging sa mga nakapaligid sa kanya. “Gaya mo,” pagko-korek niya. “Maliban sa ‘kin. I’ll make it sure I will be the first and the last.” Hindi nito inaalis ang tingin sa kanya. Gusto na niyang malusaw sa paraan ng pagtitig nito. She never finds nasty the way he looks at her now but full of admiration and an eagerness to protect her. Gusto pa sana niyang magreklamo, nang matagal na nakahawak ang kamay nito sa kamay niya. Wala siyang hilig sa Public Display of Affection. Pilit niya itong inaalis ngunit hindi siya pinayagan nito hanggang makarating sila sa bahay ni Juana na sinasabi ng Chairman. Malaki nga iyon kaysa sa inaasahan nila. Masuwerte pa nga rin sila at hindi nadamay ang iilang bahay nila. Ayon sa kwento ng Chairman halos mangalahati ang lahat ng bahay na nakatayo at wala na rin silang pananim dahil sa nagdaang bagyo. Lubog pa rin sa baha ang ilang residente. Dahil hindi pa maayos ang irigasyon, hindi pa rin makahupa ang tubig sa mga kalsada. May nakahain ng mainit na kanin, bagoong isda, okra at sardinas sa malaking lamesa. Nakapaghanda na nga yata ang mga ito para sa pagdating nila. “Wow, ang sarap ng ulam,” puri agad ni Tresh na excited maunang kumain. Pipigilin niya sana ito ngunit nagpatiuna na ito kasunod ang iba pa niyang mga staff. Nanatili lang siyang nakatayo na hindi na sinundan pa si Tresh. “Ma’am, hindi ho ba kayo kakain?” “Pagkatapos na lang nila,” sagot niya sa Chairman. “Misis, come here. Baka maubusan ka!” sigaw pa ng walang hiya. Napatingin ang lahat ng nakaupo sa harap ng lamesa sa kanya at hinihintay ang susunod niyang gagawin. Dahil sa pagkahiya, napipilitang lumapit siya sa ibang mga staff. Napansin niyang walang ibang pwesto maliban sa tabi ni Tresher. Nakalaan na nga yata ito para sa kanya. “Ma’am, hindi nyo pa napapakilala sa ‘min itong asawa ninyo,” pag-uusisa ng isa nilang staff na mukhang excited sa maririnig. Nang mga sandaling iyon, gusto na niyang ibaon ang sarili sa kinauupuan. Hindi niya talaga hilig na siya ang pinag-uusapan ngunit dahil sa pagsulpot ni Tresh sa tabi niya, wala na siyang magawa. “Oo nga ma’am. Hindi nyo naman sinabing napakagwapo pala,” kinikilig pa na sabi ng isa niyang babaeng staff. Kung makakalapit lang siya, gusto niyang kurutin ang tagiliran ng mga ito para manahimik. Dalawang babaeng staff ang dinala niya at ang natira ay puro lalaki na. Napasulyap pa siya sa mga lalaking nakikipagtawanan sa mga kasamahang babae at mukhang nagigiliw na siya ang topic para mapag-usapan. “Next time. Ikukwento ko pa,” sarkastikong sagot niya saka pa niya dinampot ang dalawang okra. Napipilitang manahimik na lang ang mga staff dahil sa paraan ng pagsagot niya. Pilit niyang ipinaparating sa mga ito na hindi iyon oras para ibida ang so-called asawa niyang si Tresh. Inakbayan siya ni Tresh. “Hayaan nyo, ako mismo ang magkukwento kapag nakabalik tayo sa Manila.” Pinandilatan niya ng mata si Tresh, hindi naman ito natinag. Kagaya ng iba, nag-eenjoy din ito sa pangte-tease sa kanya. Itinaas ni Joshana ang balikat niya dahil naiirita siya sa pag-akbay nito. Nakaramdam naman ito at napipilitang tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya. Dahil sa dahon sila ng saging kumain, nahihirapan si Joshana na kumain at magkamay, napipilitang humingi siya ng kutsara at tinidor. Kahit pa pinipilit ni Tresh na subuan siya, naging dahilan tuloy lalo iyon ng kantiyawan at pangungulit ng mga staff niya. Naging iritable ang lagay niya. Pakiramdam ni Joshana naiipit siya dahil siya na lang ang laman ng kantiyawan. At walang ibang pasimuno kung hindi si Tresh. Hindi naman niya itinatagong nag-asawa na siya. Hindi naman iyon lingid sa kaalaman ng halos buong kompanya na nag-asawa siya dahil sa papaluging negosyo na nais maisalba. Iyon nga lang ay ngayon lang nakilala ng mga ito na si Tresh ang asawa niya—sa papel. Nang matapos ang lahat kumain, ang dalawa niya ng staff na babae ang naglinis ng kinainan nila. “Ako ho si Juana Miss Joshana,” malambing na pakilala ng babae. Sasamahan ko na ho kayo sa kwarto. Kaya lang ho, dalawang malaking kwarto lang ang bakante namin.” “Okay lang Ate Juana.” Tantiya niya ay nasa Thirties na ang babae. Nakapusot ang buhok nito, may kaputian ngunit mababa ng kaunti sa kanya ang height. Makinis ito nang dumayo sa mukha ni Juana ang paningin niya. Una agad niyang napansin ang mahahabang pilikmata nito at ang natural na mala-rosas na kulay ng labi nito. Hindi nga niya malaman kung dalaga pa ba ito. Tantiya niya lang ang edad nito, hindi pa rin niya tiyak kung baka hindi naman pala sila nagkakalayo ng edad. Mababait naman sila, ngunit hindi niya maiwasang hindi mapansing palagi itong nakatingin kay Tresher. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lamang ba iyon o nagseselos ba siya. Hindi naman siya maaaring magselos, dahil hindi niya alam kung ano ba ang meron sa kanila ni Tresher. Oo nga at asawa niya ito pero sa papel lang at hanggang doon lang iyon. Ayaw na rin naman niyang magkainteres pa si Tresh na pahabain pa ang ugnayan nilang iyon. Sa totoo lang, magulo ang utak niya lalo na 'pag si Tresh ang usapan. Nagsama-sama ang mga babae sa isang kwarto at sa ikalawang kwarto naman ang mga kalalakihan. “Sure bang kakasya ang limang iyon sa kwarto?” pagtatakang tanong niya nang makarating siya sa kwarto at makitang naglalatag na ng banig ang dalawa niyang staff. “Ma’am, apat lang po sila. Nag-insist po kasi si kuyang gwaping na sa truck na lang daw po matutulog,” hagikgik pang kwento ng isa niyang staff. “Ah ganun ba.” Hinintay niyang makatulog na ang dalawang babae. Dahil hindi uso ang kutson, sa banig lang lahat sila natulog. Hindi naman siya maarte, pero hindi siya mapakali. Alam niyang laki sa Canada si Tresher at tiyak hindi ito makakatulog ng maayos roon. Kaya minabuti niyang lumabas at magdala ng kumot. Flashlight ng cellphone ni Joshana ang ginamit niyang ilaw para sa daraanan niya. Nang palapit na siya sa isang van, namataan agad niyang naroon si Tresher. Kita roon ang ulo nito ngunit may ikalawa pa siyang ulong naaninag—si Juana. Ano ang ginagawa roon ni Juana? “Salamat dito ate Juana.” “Sige po.” Magtatago pa sana siya nang mapansin na siya ni Tresh. Agad niyang itinago sa likuran niya ang kumot na bitbit. “Misis. Ikaw pala, hindi ka makatulog?” Binuksan pa nito ang ilaw ng Van para makita siya ng malinaw. “Matutulog na ako. Good night!” “Teka lang, ano ‘yang nasa likuran mo?” bumaba pa ito ng Van para lang makita ang itinago niya sa likuran. “Wala! Aalis na ako.” Pilit niyang pinakalma ang boses para maitago ang inis na nararamdaman. Lumaki ang ngisi nito nang tuluyang mahablot sa kamay niya ang kumot. “Ah, balak mo pala akong kumutan.” “Hindi balak ko ‘yang ibaon sa mukha mo para di ka na makahinga. Bwiset!” Hindi na siya nakapagtimpi. Sumambulat na ang inis na nararamdaman niya. Maglalakad na sana siya pabalik nang pigilin ni Tresh ang braso niya. “Do you hate me that much? Talaga bang ayaw mo sa ‘kin?” umiling ito nang sa katagalan sa paghihintay ng kasagutan niya. “I’m fine here. Matulog ka na. Good night, misis.” And he gave her a peek on her cheeks. Sa inis niya ay tinulak niya ito. Bahagya naman itong nagtaka. “Akin na ‘yang kumot ko!” Yamot na yamot si Joshana nang mga sandaling iyon, hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang makita niyang naroon si Juana at inabutan ng kumot si Tresh. Walang signal, hindi niya tuloy maikwento kay Karline ang nangyari. Hindi naging maayos ang tulog niya, binabagabag siya ng isipin tungkol kay Juana at Tresh. Siya na lang tuloy ang maagang tumungo sa truck para iaayos na ang ipamimigay nilang relief goods. Hinahanda na ni Joshana ang mga relief goods nang dumating doon si Tresher. Niyakap siya nito mula sa likuran na ikinagulat niya. “Ang bango mo pa rin kahit ‘di ka pa naliligo,” puri pa nito. Agad siyang umalma. “Kung wala kang magandang sasabihin, baka gusto mong tumulong na lang.” “Mainit pa rin ang ulo mo, until now?” Huminga siya ng malalim sa tanong nito. “Pwede bang bumalik ka na lang kung saang lupalop ka galing? I don’t need you here,” mariing sabi niya rito. “Ma’am Josh, pwede na po kayong maligo—“ natigil ang sinasabi ng isa niyang staff na babae nang makita silang magkasama at nakayakap pa rin ang mga braso ni Tresher sa baywang niya. “Susunod na kami ni Misis., sagot ng walang hiya sa staff niya. Sa inis niya, hinaklit niya para maalis ang braso nito at pinang hampas ang plastik ng relief goods na hawak niya kay Tresh. Nakaligo na ang lahat at nakahanda nang mag-distribute ng mga relief goods. “Ang bigat naman nito. Ang putik pa. Misis, hindi ka ba nahihirapan?” Sinulyapan niya ito, halos magyapak na ito dahil puno na ng putik ang suot nitong tsinelas. Samantalang siya naman ay naka-leather boots kaya hindi niya alintana ang putik. “Sino ba kasi ang may sabi sa ‘yong sumama ka? Kaysa magreklamo ka riyan, pwede bang tumulong ka na lang?” “Ma’am bagay na bagay talaga kayong dalawa,” puri ng isa niyang staff na babae na 'di inaalis ang pagkakangiti. “Talagang bagay kami, asawa ko ‘yan eh. ‘Di ba misis?” paghingi nito ng sang-ayon sa kanya. “Isa pang Misis mo, ibabaon kita riyan sa putikan.” Humagalpak lang ng tawa ang kupal. Nagmadali na siyang layuan ito. Narinig pa niya itong magtanong sa staff niya kung ano ang problema. Nang marinig ang sagot ng staff niya, gusto niyang hilahin ang babae at lagyan ng busal sa bibig. Napakadaldal. Sukat ba namang sabihin nitong nagseselos siya sa paglalapit ni Tresh at Juana. Alas-kwatro na ng hapon nang matapos sila sa pamimigay ng relief goods. Kahit panay ang reklamo ni Tresh, ito naman ang sumasalo sa lahat ng dalahin niya. Halos ayaw na nga nitong pagbuhatin siya. Iniayos na nila ang truck at hinanda na para sa pagbalik sa Manila. NANGHIHINAYANG si Joshana sa ganda ng San Isidro at hindi man lang niya iyon mapapasyalan. Gusto man niya iyong puntahan, hindi rin maaari dahil binabaha pa rin ang mga dadaanan niya. Huminga siya ng malalim at sinamyo ang sariwang hangin sa baryong iyon. “Misis, nandito ka pala, kanina pa kita hinahanap,” hindi niya nilingon si Tresh. Nasa taas siya ng burol. At tanaw mula roon ang iba pang kabahayan. “Sumakit ang balikat ko,” sabi pa nito habang hinihilot ang balikat. “Pero mas masakit ang ulo ko.” “Wala ka na ngang ginawa kun’di magreklamo, sumakit pa ulo mo,” napipilitan siyang lingunin ito. “Ibang ulo ang tinutukoy ko. Gusto mo bang hilutin?” Bigla siyang namula. “Bastos ka talaga!” Iniamba niya ang kamao niya. “Ito gusto mo tikman?” “Joke lang,” saka pa ito tumawa ng nakakaloko. “Pwede bang magseryoso ka minsan?” “Ikaw ba? Kailan mo ba ako balak seryosohin?” nag-iba ang timbre ng boses nito. “Everything I said when we’re here is serious. I don’t want you here and I mean it. Hindi ko nakikita sa ‘yo ang future ko. Not just because I’m not ready, yeah, given na ‘yon. Pero wala akong balak mag-asawa.” Hinihiling niyang sana umubora lahat ng sinasabi niya. You’re lying, Joshana. sigaw ng kabilang panig ng isipan niya. “Sige, kung iyan talaga ang gusto mo. Ibibigay ko sa ‘yo ang annulment,” rumehistro ang lungkot sa mukha nito. “I thought I can change your mind. Pero hindi pa rin pala. Hindi mo nga malinaw sa sarili mo kung ano ba ako para sa ‘yo.” Nalukot lalo ang mukha nito dahil sa narinig mula sa kanya. “Tresher..” “I don’t want bothering you too much about my existence. I understand if you don’t really want me. I will accept it.” “How about the company?” Sinusubukan niyang ibahin ang topic. “Don’t worry. Hindi ko na kukunin iyon. Let’s separate our fate. Nice meeting you, Joshana Gail Valdez.” “Teka lang, saan ka pupunta?” “Going home, where I belong.” Gusto niyang pagalitan ang sarili dahil sa mga sinabi at sa katangahan niya, she was now good in lying. Hindi naman totoong ayaw niya ito sa tabi niya, she betrays her heart. Gustong-gusto niyang nakikita ito at nakabantay sa tabi niya, she felt secured but there is always a doubt.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD